What's new

Closed Deepweb stories

Status
Not open for further replies.

Aggresif

Eternal Poster
Joined
Jan 5, 2017
Posts
776
Reaction
285
Points
312
Age
28
Death Is Just An Illusion

Kamatayan. Ang lahat ng nabubuhay ay hahantong sa oras ng kanyang katapusan. Sinasabing ito na ang katapusan. Pero yaon ay isang malaking pagkakamali. Ang lahat ay hindi namamatay, dahil ang consciousness at mind mo lang ang nawawala.

All is One, One is All. Ito ay isang kasabihang malimit sa mga Alchemist. Sa katunayan, isang anime, ang Fullmetal Alchemist. Brotherhood ay inilaan ang isang 20-minute episode nito para lang sa quotation na yan.

All is one, lahat tayo ay iisa lang. Ikaw, yung batong natisod mo,yung lamok na kumagat sayo, ay isa lang. Ikaw ay universe, yung bato ay universe, yung lamok ay universe. Tayo, at ang universe, ay iisa lang. Lahat tayo ay magkakakonekta - parang mga organs sa isang organism, o di kaya'y mga planeta sa isang galaxy.

Lahat tayo ay pulos mga stardusts - na nakapaloob sa isang three dimensional continuum na nagpoprogress dahil sa time. Ang pinagkaiba lang natin ay sa isang abstract object/reality, ang mind. Huwag mong sabihing malaki ang pagkakaiba ng mga memories natin. Lahat tayo ay nakita at naaalala ang kalangitan at iyon ang pinakamalaking piraso ng alaala sa ating kaisipan na mayroon tayong lahat.

One is all. Equal tayong lahat. Dahil mind nga lang ang pagkakaiba. Mind lang ang nag eexecute na may value ang 20 peso bill, samantalang sa realidad, isa lang itong kapirasong papel na sinulatan ng sanlibong kuwantidad na hindi naman kongkretong nag-eexist sa katotohanan..

Kapag 'namatay' ka, siyempre ieembalsamo ka. Itatapon sa mga lupa ang mga lamanloob mo na huwag mo ng i-imagine hahaha. Magiging pataba ito sa lupa - na sisipsipin at magiging parte ng mga halaman. Di'ba? Hindi ka nawala, bagkus ay nasa paligid lang kapag kinain ng kambing na. Kaya wag mong sabihing namatay ka na..
Sa phospholipid, bawat amino acid mo ay hindi nawawala kundi nananatili pa rin sa Universe. Kahit na ang pinakasimpleng hemoglobin mo ay hindi nawala, kundi naging chlorophyll lang.

Ayon nga sa chemistry, matter can't be created nor destroyed, but is only recycled throughout the universe, though universe is all, and all is universe.

Kahit sa simpleng pag-alala sa kanya, nagpapatunay na hindi talaga siyang tuluyang nawala.

"Eating the fruit of knowledge brings you mysterious benefits"
©tto
 
Ikaw ba ang author nito TS? Kodus sayo kung iyo nga.

P.S.: Dapat ata 'Deepweboo stories' ang tamang title. Peace tayo TS. :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.
Back
Top