What's new

Closed Tanggol wika

Status
Not open for further replies.
Hindi ko lubos maiisip bakit kailangan pang alisin ang Asignaturang filipino at palitan ng ibang lenggwahe.
Inaamin ko, Ako mismo ay hindi ito kabisado at may mga malalalim na salita na hindi ko pa alam. Malimit sa kalaman nila, marami parin sa atin ang hindi alam ng wastong paggamit ng simpleng "NG" at "NANG".

Bagamat may mga taong nagsasabing may maganda itong maidudulot saating bansa Pero para sakin ay WALA. Kung gustong mong pagaralan ang lengwahe ng dayuhan ay pumunta ka sa bansa nila . Dahil ang pagaalis ng wikang filipino ay kawalang respeto sa mga bayaning isinugal ang kanilang buhay para sa bayan at makalang ulit mo silang pinatay.

tanggol-wika-mural-carousel-20140622_F643031FDD684AEC90195740ACEA256A.jpg(photo credit to: rappler; photo source: Google)
Huwag alisin an asignaturang filipino. Mas maigi kung dagdagan ng SIGN LANGUAGE Imbes na Korean language. Sa pamamagitan nito matutulungan at maiintindihan ang mga kakabyan nating mga pipi at bingi.
 
Attachments

Last edited:
Ang ating Wika

Wika mo, wika ng bawat pilipino.
Bakit ngayon ay tinatapon nyo na ako?
Dahil ba kinain na kayo ng sistemang kpop at kdrama?
Idadagdag nyo pa ang linggwahe ng korea?

Bakit nyo ako tatanggalin?
Gusto nyo na bang sila naman ang sumakop sa atin?
Wag naman sana, wag na tayong mag pa ulila.
Tama na yung dating sinakop tayo ng mga kastila.

Masakit isipin na nagpapalinlang tayo.
Sa mga foreigner mapa chino o koreano.
Dahil ba mahina ang ating ekonomiya?
Kailangan isakripisyo pati ang ating pambansang wika?

Kung totoo kang pilipino.
Hindi mo gustong matuloy ito.
Malaya na tayo ngayon.
At sana naman wag na nating ibalik ang kahapon.
 
pero sa kabilang banda, parang ok lang din naman alisin ang Filipino sa college as core subject. hindi naman kasi ang pinupunto dito eh ang WIKA mismo kundi ang Filipino bilang SUBJECT sa COLLEGE. para saken binigyan naman tayo ng anim na taon sa elementarya at ngayon may anim na taon na din sa hayskul. sa tingin ko doon natin ipagyaman sa mga kabataan ang Filipino bilang asignatura. Mas mahalagang matutukang linangin ang wika at panitikan sa unang 12 na taon ng edukasyon ng kabataan nang sa gayon hindi na nakakabahala kung sa pagtungtong ng kolehiyo sapat ang karunungan ng isang kabataan patungkol sa asignaturang Filipino.
 
tama-tama, parang japan korea lang wala sila paki sa ibang language.
+ ipagbawal k-pop sa pinas hahaha peace:)
 
Last edited by a moderator:
Yung mga nasa taas na panunungkulan na nagpapatupad nang regulasyon sa edukasyon ay dapat na mag dalawang isip kung bakit nila isina-isip na alisin yung wika dugo't pawis binuwis nang ating mga ninuno.
 
Sir classmate ko po yung may ari ng picture, siya po ang unang nagpost sa fb and now, naka 100K shares na po, sana may credits po...
 
Hindi academic language ang Filipino. Kung itatranslate mo ang science at math sa Filipino, sobrang daming English terms na walang direct Filipino translation. Language ng mahihirap ang Filipino. Wala xang power at influence, politically, economically at internationally. Agree ako na tanggalin na yan sa college. Ung pang college na Filipino curriculum ilagay na lang sa high school.
 
Sir classmate ko po yung may ari ng picture, siya po ang unang nagpost sa fb and now, naka 100K shares na po, sana may credits po...

sorry,
but its clearly written in the picture kung kanino po ang image?
kulang pa po ba yun?
do i have to write the intire name of your friend?
 
Unfair po si sibikang Filipino kasi Filipino AKA Tagalog ay hindi unang wika ng ibang Pilipino.

Kahit gustuhin pa natin magkaroon ng isang linggwahe para sa buong bansa, di pwedeng mapilit ang iba. Di rin naman tamang sila'y puwersahin.

Ingles ay likas na niyakap ng mga Pilipino bilang alternatibong wika dahil mas madaling maunawaan kaysa sa ibang rehiyong linggwahe.

Due to the construction and rules are clear because it's been developed for centuries, this foreign language became easier to follow. In comparison to our current language suffering from minimum progress which is glaring from hundred of loaned words it uses, colonization aka foreign invasions to blame. We'll be happy if our mother tongue gets a subject and course of its own so we'll help contribute to its progress.

Please ask your Filipino neighbors living in Visayas and Mindanao and some parts of Luzon.
 
Bakit Japan at S.Korea maunlad kahit gamit yung kanilang wika?
Teknolohiya po ang pangunahing dahilan.

Nasa desbentaha ang mga talakayan natin sa Siyensiya at Matematika, hindi nakasulat sa lengguwaheng orihinal nating salita pero pag isalin naman pa, imbes na may katumbas, binabago lang ang baybay o spelling. Halimbawa: Prestigious:prestihiyoso; Influence: Impluwensiya at madalas wala Halimbawa: Interstellar; Quantum. Kaya mapapansin mo ang talon mula Filipino to English sa isang pangungusap lamang, madalas nakakapagud pakinggan at basahin pa. Kung ang Philippine languages ay animo'y malnourished, ang Japanse at Korean ay mataba at malusog.
 
magkaiba ang Tagalog at Filipino. do some research first.
 
Yung punto ko naging matagumpay ng Japan at S.Korea kahit na hindi sila proficiente sa Engles at Aleman.
 
Yung punto ko naging matagumpay ng Japan at S.Korea kahit na hindi sila proficiente sa Engles at Aleman.
matagumpay din naman ang Pilipinas noong unang panahon. Binansagan nga tayong "Tiger of Asia"...Nasa pamumuno ang dahilan ng ating pagbagsak. Sa kasalukuyan masyado na tayong nahuhuli, kaya kailangan na nating makipagsabayan.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top