What's new

Closed Ano ang pangmalas ni jesus sa pulitika?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
ANG mga manunulat ng Ebanghelyo ay nag-ulat ng maraming pangyayari sa ministeryo ni Jesus na nagpapakita ng kaniyang saloobin sa pulitika. Halimbawa, matapos bautismuhan si Jesus nang siya ay mga 30 anyos, inalok siya ng Diyablo na maging tagapamahala ng daigdig. Nang maglaon, gusto naman siyang gawing hari ng mga tao. Pagkatapos, sinikap din ng mga tao na gawin siyang aktibista. Ano ang ginawa ni Jesus? Tingnan natin.

Tagapamahala ng daigdig. Sinasabi sa mga Ebanghelyo na inalok ng Diyablo si Jesus na mamahala sa “lahat ng mga kaharian ng sanlibutan.” Isipin na lang kung gaano kalaki ang magagawa ni Jesus para sa nagdurusang mga tao kung tinanggap niya iyon! Sinong indibiduwal na nananalig sa pulitika at talagang nagmamalasakit sa mga tao ang tatanggi sa gayong alok? Pero tinanggihan iyon ni Jesus.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Hari. Noong panahon ni Jesus, marami sa kaniyang mga kababayan ang naghahangad ng isang hari na makalulutas sa kanilang mga problema sa kabuhayan at pulitika. Dahil hanga sila sa mga kakayahan ni Jesus, gusto nilang sumali si Jesus sa pulitika. Ano ang kaniyang reaksiyon? Sinasabi ng manunulat ng Ebanghelyo na si Juan: “Si Jesus, sa pagkaalam na papalapit na sila at aagawin siya upang gawin siyang hari, ay muling umalis na nag-iisa patungo sa bundok.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maliwanag, tumanggi si Jesus na makibahagi sa pulitika.

Aktibista. Pansinin ang nangyari ilang araw bago patayin si Jesus. Ang mga alagad ng mga Pariseo, na pabor sa paglaya mula sa Imperyo ng Roma, at ang mga Herodiano, na mga miyembro ng isang partidong pulitikal na pabor naman sa Roma, ay lumapit kay Jesus. Gusto nilang pilitin si Jesus na magbigay ng kaniyang opinyon tungkol sa pulitika kaya tinanong nila siya kung dapat bang magbayad ng buwis sa Roma ang mga Judio.

Iniulat ni Marcos ang sagot ni Jesus: “‘Bakit ninyo ako inilalagay sa pagsubok? Dalhin ninyo sa akin ang isang denario upang tingnan.’ Nagdala sila ng isa. At sinabi niya sa kanila: ‘Kaninong larawan at sulat ito?’ Sinabi nila sa kaniya: ‘Kay Cesar.’ Nang magkagayon ay sinabi ni Jesus: ‘Ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, ngunit sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.’” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May kinalaman sa sagot ni Jesus, sinabi ng isang aklat na hindi gusto ni Jesus na maging isang makapangyarihang pulitiko at maingat niyang itinatag ang hangganan sa pagitan ng mga bagay na kay Cesar at ng mga bagay na sa Diyos.

Nauunawaan ni Kristo ang mga problemang gaya ng kahirapan, katiwalian, at kawalang-katarungan. Sa katunayan, ipinakikita ng Bibliya na awang-awa siya sa kalagayan ng mga tao sa paligid niya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero hindi nagpasimula si Jesus ng isang kampanya para alisin ang kawalang-katarungan sa daigdig, kahit pa sinikap ng ilan na isangkot siya sa kontrobersiyal na mga isyu noong panahon niya.

Maliwanag, gaya ng ipinakikita ng mga halimbawang ito, tumanggi si Jesus na makisali sa mga gawain sa pulitika.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top