What's new

Closed Kailan ipinanganak si jesus?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
502013124_univ_sqr_xl.jpg

Ang sagot ng Bibliya
Hindi sinasabi ng Bibliya ang espesipikong petsa ng kapanganakan ni Jesu-Kristo, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na mga reperensiya:

  • “Walang nakaaalam ng totoong petsa ng kapanganakan ni Kristo.”—New Catholic Encyclopedia.

  • “Walang nakaaalam sa eksaktong petsa ng kapanganakan ni Kristo.”—Encyclopedia of Early Christianity.
Bagaman hindi tuwirang sinasagot ng Bibliya ang tanong na ‘Kailan ipinanganak si Jesus?,’ inilalarawan nito ang dalawang pangyayari noong panahong isilang siya na nakakumbinsi sa marami na hindi siya ipinanganak noong Disyembre 25.

Hindi sa taglamig
  1. Ang pagpaparehistro. Bago ipanganak si Jesus, ipinag-utos ni Cesar Augusto na “ang buong tinatahanang lupa ay magparehistro.” Ang lahat ay dapat magparehistro “sa kaniyang sariling lunsod,” at ang paglalakbay ay maaaring tumagal nang isang linggo o higit pa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang utos na iyon—na inilabas marahil para sa pangongolekta ng buwis at pangangalap ng sundalo—ay malamang na hindi katanggap-tanggap sa anumang bahagi ng taon. Kaya malamang na hindi ilalabas ni Augusto ang utos na iyon sa panahon ng matinding taglamig, dahil baka lalo itong ikagalit ng kaniyang mga nasasakupan.

  2. Ang mga tupa. Ang mga pastol ay “naninirahan sa labas at patuloy na nagbabantay sa gabi sa kanilang mga kawan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinasabi ng aklat na Daily Life in the Time of Jesus na ang mga kawan ay pinapastulan sa parang “isang linggo bago ang Paskuwa [pagtatapos ng Marso]” hanggang kalagitnaan ng Nobyembre. Pero “pinalilipas nila ang taglamig nang nakasilong; at mula rito pa lamang ay makikita na malamang na mali ang nakaugaliang petsa ng Pasko, sa taglamig, yamang ang Ebanghelyo ay nagsasabi na ang mga pastol ay nasa parang.”
Pasimula ng taglagas You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Matatantiya natin kung kailan ipinanganak si Jesus kung magbibilang tayo pabalik mula sa petsa ng kaniyang kamatayan noong Paskuwa, Nisan 14, tagsibol ng taóng 33 C.E. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mga 30 anyos noon si Jesus nang simulan niya ang kaniyang tatlo’t-kalahating-taóng ministeryo, kaya ipinanganak siya sa pasimula ng taglagas ng 2 B.C.E.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bakit Disyembre 25 ang Pasko?
Kung wala namang katibayan na Disyembre 25 ang petsa ng kapanganakan ni Jesu-Kristo, bakit sa petsang ito ipinagdiriwang ang Pasko? Sinasabi ng Encyclopædia Britannica na malamang na pinili ito ng mga lider ng simbahan para “makasabay ng paganong kapistahang Romano na gumugunita sa ‘araw ng kapanganakan ng di-malupig na araw’” tuwing winter solstice. Ayon sa The Encyclopedia Americana, naniniwala ang maraming iskolar na ginawa ito “para maging mas katanggap-tanggap ang Kristiyanismo sa nakumberteng mga pagano.”
 

Attachments

PAPAANONG NANGYARING (DECEMBER 25) ANG PINAPANIWALAANG KAPANGANAKAN NI JESUS? GAYONG HINDI NAMAN ITO NAKASULAT SA BIBLIA? . malalaman mo sa biblia na December 25 si Cristo ipinanganak, hindi sa literal word-for-word na mababasa sa biblia. KUNDI sa computation ng pagkakasunod sunod na pangyayari sa biblia ang susundin namin ay ang matalinong paraan namin sa biblia kung paano nalaman ang petsa ng kapanganakan ni Cristo. (computation of chronological events). PLUS, with supporting historical manuscripts na sulat ng mga early Christians na namuhay malapit sa panahon ng mga apostol. bago dumako sa historical proof, unahin muna natin sa biblical proof. . ❶ BIBLICAL PROOF. Ang December 25 ay mula sa computed chronological events sa biblia, o yung kinalkula na panahon mula sa pagkakasunod-sunod na pangyayari sa bibla. simulan natin.... . ● unang pangyayari, si Zachariah, isang Judiong pari, nagpunta sya sa templo para mag-alay ng icenso... . Luke 1:9 (New Jerusalem Bible) "when it fell to him by lot, as the priestly custom was, to enter the Lord's sanctuary and burn incense there." . ayon sa tradisyon ng mga Judio, ang pag-alay ng incenso sa Templo ay isinasagawa isang beses kada isang taon, yan ay tuwing day of Atonement nila, at yan ay traditionally ginaganap tuwing buwan ng Tishrei , yan ang month(buwan) ng mga Judio na equivalent sa (September 25) sa ating gregorian calendar . ● 2nd na pangyayari, habang si Zachariah ay nasa loob ng templo, isang Anghel ang nagpakita sa kanya,, na may dalang mensahe na mag dadalang tao ang asawa ni Zachariah na si Elizabeth. . Luke 1:11, 13 (New Jerusalem Bible) [11] "Then there appeared to him the angel of the Lord, standing on the right of the altar of incense." [13] But the angel said to him, 'Zechariah, do not be afraid, for your prayer has been heard. YOUR WIFE ELIZABETH IS TO BEAR YOU A SON and you shall name him John. . ● 3rd na pangyayari, sa ika 6 months ng pagbubuntis ni Elizabeth, (march 25), isa na namang anghel ang ipinadala sa isang birhen na babae (Maria), dala ang mensaheng mabubuntis si Maria sa araw at buwan dng iyon (march 25), . Luke 1:24-27,30-31 (New Jerusalem Bible) [24] Some time later HIS WIFE ELIZABETH CONCEIVED and for five months she kept to herself, saying, [25] 'The Lord has done this for me, now that it has pleased him to take away the humiliation I suffered in public.' [26] IN THE SIXTH MONTH the angel Gabriel was sent by God to a town in Galilee called Nazareth, [27] to a ****** betrothed to a man named Joseph, of the House of David; and THE ******'S NAME WAS MARY. [30] but the angel said to her, 'Mary, do not be afraid; you have won God's favour. [31] Look! YOU ARE TO CONCEIVE IN YOUR WOMB AND BEAR A SON, and you must name him Jesus. . ● pang-apat, computation, kung icocompute natin ang pagkakasunod sunod ng pangyayari ayon sa buwan at date. . - mula (September 25) na buntis si Elizabeth, - after ng 6 months nabuntis naman si blessed Mary, at yun ay March 25, - at mula sa buwan na yan ay bilang ulti ng 9 months pagbubuntis blessed Mary, ang resulta ay December 25. . THEREFORE, (December 25) is the birthdate of Jesus, base in scriptural event sequence as we computed. . . ❷ HISTORICAL PROOF. Mula sa bibig o testimonya ng mga sinaunang Christianong manunulat nuong 1st-3rd century, mas alam nila ang pangyayari nuon tungkol kay Hesus dahil namuhay sila malapit sa panahon ni Hesus nuong 1st Century. . kaya kung ano mang pangyayari o kaganapan nuong panahon ni Hesus, ay ipinapasa pasa ito hanggang umabot sa panahon nila ng mga 3nd-5th generation early Christian na ito, heto ang kanilang sulat... . ● St. Theophilus (circa 171-183 A.D). “ We ought to celebrate the birth day of our Lord on what day soever the 25th of December shall happen." (Magdeburgenses, Cent. 2. c. 6. Hospinian, de orign Festorum Christianorum) - Link: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. . ● St. Iranaeus (circa A.D 202) “ In his work Adversus Haereses, Irenaeus (c. 130–202) identified the conception of Jesus as March 25 and linked it to the crucifixion at the time of the equinox, with the birth of Jesus nine months after on December 25 at the time of the solstice." (Source: Link: Source: Wikipedia – Christmas – Choice of December 25) . ● St. Hippolytus (circa. 170-236 A.D) isa sya ay naniniwalang si Hesus ay ipinanganak nuong December 25. ipinaliwanag nya ito sa kanyang Commentary sa book of Daniel (c. A.D. 204) heto ang kanyang pahayag sa kanyang sulat... . " For the first advent of our Lord in the flesh, when he was born in Bethlehem, was December 25th, Wednesday, while Augustus was in his forty-second year, but from Adam, five thousand and five hundred years. He suffered in the thirty-third year, March 25th, Friday, the eighteenth year of Tiberius Caesar, while Rufus and Roubellion were Consuls." (Source Link: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. catholic. com/blog/jon-sorensen/why-december-25) . ● Apostolic Constitutions (circa A.D. 70-250) Ang Apostolic Constitutions ay compilation ng mga sinaunang manuscripto mula sa mga magkakaibang sources o manunulat nuong apostolic age nuon na mas nauna pa sa nagcompile nito. heto ang nakasulat sa manuscriptong iyon... . " XIII. Brethren, observe the festival days; and first of all the birthday which you are to celebrate on the twenty-fifth of the ninth month; after which let the Epiphany be to you the most honoured, in which the Lord made to you a display of His own Godhead,." (Apostolic Constitutions , Book V, Section 3, Chapter XIII) – Source Link You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. . (Take Note: This ninth month counting from Nisan (April) is Casleu in the Jewish calendar. Transferred to our Roman calendar, this ninth month answers to December. [Source Link: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. info/ Objections%20Answered. html]) . THEREFORE, ang mga ito, mula sa kanila, ipinasa pasa ng ilang henerasyon, at hanggang umabot hanggang sa kasalkuyang panahon, yan ay kung bakit ang paniniwalang December 25 na kapanganakan ni Hesus ay base din sa HISTORICAL TRADITION na pinag pasa pasa mula nuon hanggang ngayon. . Dito sa mga ibinigay nating mga references na sulat at pahayag ng mga sinaunang Chrsitiano nuon, ay makikita ang panahon nila ay (70–250 A.D) . Ang panahong (70–250 A.D) ay mas maaga pa o mas nauna pa kesa sa panahong idiniklara o sinimulan ang paganong kapistahan ng emperyong Roma nuon. . Eh kelan nga ba nagkaroon ang emperyong Roma ng paganong kapistahan para sa kapanganakan ng dius-diusan nilang si Sol Invitus? . “ Sol Invictus ("Unconquered Sun") was the official sun god of the later Roman Empire and a patron of soldiers. In 274 AD the Roman emperor Aurelian made it an official cult alongside the traditional Roman cults.” (Source: Wikipedia – Sol Invictus) . See? malinaw, nitong (274 AD) lang ay na pinasimulan o idiniklara ng paganong emperador ng Roma ang paganong kapistahan nila para sa kanilang dius-diusan. late na masyado kesa sa panahon ng mga sinaunang Christiano na naniniwalang December 25 ang kapanganakan ni Jesus.
 
tuwing december nagyeyelo sa lugar kung saan si kristo pinanganak at dahil araw yon na dapat silang magpatala wala silang nakuhang bahay-tuluyan sa dami ng tao kaya sa isang sabsaban lang sila nakituloy.masama sa isang sanggol ang ganong panahon kaya hindi december sya ipinanganak.search nyo na lang mayron dyang nagtuturo ng malinaw na explanation at computation kaylan sya ipinanganak wala yong eksaktong araw pero yong weeks at buwan malinaw ang pagkaka-ekspleka.
 
Computation lang pero walang eksakto, dahil wala pa naman talagang kalendaryo noon.. Ang mahalaga naniniwala tayo kay kristo..

"I Love Jesus"
 
Isa lang malinaw kung ano ang petsa o araw ng kanyang kapanganakan ay siya ring araw ng kanyang kamatayan.

Yan Ang hiwaga na hindi lubos na mauunawaan dahil Siya nga Ang Paskuwa.

Kung anong buwan at araw pinagdiriwang Ang Paskuwa Ng mga Hudyo Yun Ang tunay na birthdate Ng Panginoon.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top