What's new

Closed Pano tumaba

Status
Not open for further replies.
Sabi nila pag uminom ka ng pampapayat na ***** tas itinigil mo twice daw balik na tama sayo? Try mo boss. De joke kain ka lang lalo na sa gabi
 
Workout and you will always feel hungry. Take that opportunity in eating lots of food. You can start by jogging for at least 30 minutes everyday (do not walk).
 
Nice, ano goal mo ngayon paps bulking, papapayat or maintaining current weight?
 
healthy diet paps, workout, at matino tinong tulog.. kht wag k n mgvitamins bsta completo ung diet mo cgurado tataba ka...
 
Uminom kalang ng alak pare dahil Kung minsan kailangan din ng katawan natin niyan
Payat din ako noon

Kumain ka ng rich proteins tulad ng itlog at manok
 
TIPS PARA TUMABA

Ano ba ang dapat gawin upang madagdagan ang timbang?

1. Kumain ng mga pagkaing may maraming kaloriya. Kailangan na mas marami ang kaloriyang papasok sa katawan kaysa sa gagamitin nito upang magkaroon ng sobrang kaloriya ang iyong katawan at madagdagan ang timbang. Halimbawa, ang iyong normal na kaloriyang kailangan ng iyong katawan ay 1,800 calories kada araw. Kung gusto mong unti-unti ang iyong pagdagdag ng timbang, maaaring dagdagan mo ito ng 250 hanggang 500 kaloriya araw-araw. Kung gusto mo namang mas mabilis, maaaring magdagdag ng 700 hanggang 1000 calories.

2.Kumain ng mga pagkaing sagana sa protina. Ang ating kalamnan ay binubuo ng protina kaya ang sobrang kaloriya ay magsisilbing taba. Kung ang kaloriya ay sasabayan ng protina, ang ekstra nito ay magiging muscle. Ang protina ay nakakabawas ng gutom at gana kaya kailangan din ang vitamin B-12 sa ating katawan upang madagdagan ang gana at mas marami parin tayong makain.

3. Kumain ng maraming carbohydrates at fats. Upang kumpleto ang isang kainan para sa taong magpapataba, kailangan ang carbohydrates, protina at fats tatlong beses sa isang araw. Pinapaalahanan din na huwag lumaktaw ng kahit isang kainan at kumain ng meryenda kung posible.

4. Kumain ng mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya. Halimbawa nito ay mga nuts, dried fruits, karne, kamote, patatas, tsokolate at iba pa.

5. Maglagay ng pampalasa sa pagkain. Nakakatulong ito upang mas maganahan tayo sa pagkain at mas magkalasa ito. Sa gayon, mapaparami tayo ng makakain.

6. Mag-ehersisyo – Kailangan pa rin ang ehersisyo sa pagpapataba. Ito ay upang ang kaloriyang nakuha sa pagkain ay maconvert bilang muscle. Sa kabilang banda, ito rin ay nakakapagpagana sa pagkain.
Mabuti bang uminom ng ilang vitamin supplement sa pagpapataba?

Note:
Ang mga nagbebenta ng vitamins na pampataba ay nangangakong ang kanilang produkto ay epektibo sa pagpapalakas, pagpapaalisto at pagkakaroon ng muscle. Isang bagay na marapat nating tandaan ay: Ang walang partikular na vitamin supplement na makakabigay sa iyo ng dagdag na timbang dahil ito ay walang lamang kaloriya. Maaaring makatulong lamang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng nutrisyon para sa iyong katawan. Mas epektibo pa rin ang natural na paraan ng pagdaragdag ng timbang gamit ang natural na mga vitamins na pampataba na nasa mga pagkain na kinakain natin sa araw-araw. Kaya imbes na humanap ng sintetikong mga vitamin supplements na nagbibigay lamang ng dagdag na gastos kaysa sa dagdag na timbang, sundin ang mga paraang naaayon dito at masasabi mong “Tumaba ako” sa natural na paraan. Kung ayaw mo talagang tumaba, magpa check up ka na sa Endocrinologist, baka may problema kana sa thyroid hormones.

BY:DOC LUTHER DAGUIMOL
 
aW THANK YOU for this bossing!
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top