What's new

Closed Advice/tips walang idea sa civil engineering?

Status
Not open for further replies.

Aircon

Forum Guru
Elite
Joined
Jun 1, 2018
Posts
1,297
Reaction
6,068
Points
1,197
Ano po advice nyo saken magcicivil engineer po ako eh
 
1st yr and 2nd yr ang pinakamadaming math subject. Magaling ka dapat mag analyze. Dapat mabilis utak mong umintindi and advance study lang sir para alam mo na kung paano yung process nang ituturo nung prof mo.
 
Maghanda ka nang masanay uminom ng kape lagi, magpuyat, matuloag sa klase lalo sa tanghali, magreview ng last minute, magexam ng walang tulog at higit sa lahat magpractice puminger ng calculator
 
subjects related sa math for the first 2yrs:

algebra, trigo, geometry, calculus, physics, statistics

kaya dapat may hilig ka sa math. . kung wala e kalimutan mo na lang ang engineering hehe :)

edit:
may mga kumpare nga pala akong di mahilig sa math pero mga engineer na . . kaya tiyaga lang talaga hehe
 
Last edited:
Di kailangang matalino, tamang study habits lang at diskarte para malusot lahat lalo na pagdating sa design subjects
 
Lahat ng course may math. Civil engineering, math base course yan.
Minimum req.
1. May grado sa math nung highschool na hindi baba sa 82%, mas mataas mas maganda. Ibig sabihin hilig mo ang math.
2. Ma-associate ang course sa alinman sa sumusunod, dota, bilyar, basketball. Pwede kahit ano basta make it sure kakayanin mong pagsabayin. Ganyan sa kolihiyo maraming pangulo.
3. 30 days o higit pa na sagarang review sa isang sem
(pagsusunog ng kilay).
4. 3rd year, yan na simula ng mga bigayan ng singko sa grade
Wag mag-alala. Normal lang yun.
5. Kapit lang, wag bibitaw. Kapag umabot ka ng 4th year, 98% chance na magmartsa ka as ce.
Tsagaan lang kahit saan naman. másáráp maging construction worker.
Nga pala. Pag ce ka, madalas ang working place natin sa mainit, maalikabok, marumi, mabaho, magulo.
Pero masaya, kasi dyan mo makikilala ibat-ibang uri ng tao bukod sa isa ka sa mga boss.
 
Basta tiwala kay Lord
Tiwala sa sarili
At keep in mind na daig ng masipag ang matalino hehe,isa sa mga prof ko ang nagsabi nyan i mean un ung rason bat swerte ako ngayon na 4th yr CE student na regular taon taon hehe
Atchka pag tinatamadka na always remember ung pangarap mo at ung dahilan bat tinake mo ang course na yan
 
Importante is i-enjoy mo yung course mo, minsan kakaantok ibang mga subject, madalas nakakaiyak haha pero worth it naman talaga. Di naman lahat magaling sa math, yung drawing sakto lang (pero mas maigi if magsanay sa computer aided drawing, malaking tulong) pero as long as may tamang diskarte at analysis makakatapos din. :)
 
Never give up kasi kadalasan maraming bagsak na grade.
pero ang mahalaga wiling ka talaga na mag improve at gusto mo talaga mag civil. saka kung want mo na hindi masyado mahirapan sa civil, improve mo lang yung analyzation mo kasi halos puro math at analyzation sya.
 
Review math topics like algebra and geometry and etc nung highschool ka. Kailangan mo un. Look out for chemistry and physics during your first year lalo na kung di ka nag STEM. Kakailanganin mo mag double time mag review and study. Dont be stressed and enjoy it .
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top