What's new

Closed Poem #14

Status
Not open for further replies.

MisterSenpai

Eternal Poster
Joined
Sep 21, 2018
Posts
574
Reaction
305
Points
297
https://www.YøùTùbé.com/watch?v=qZyj00ZFhD4
first-love.jpg
"
Ang Una Kong Damdamin"





Bakit ba sa tuwing pinag-uusapan natin ang pag-ibig
Tila ba nagiging makabuluhan ang mga bagay na walang katuturan
Yung dating normal lang sa atin
Binabalot na nang ngiti ang mundong ginagalawan

Minsan naisip ko, bakit nga ba di nalang pag-ibig ang pairalin?
Maaari bang mahalin mo ako imbes na laitin?
Sa mga walang kuwenta kong kuwento na sana ay palarin
Na maging tayo at huwag nang puro isang panaginip

Ako'y naguguluhan sa pagkat nanlalaban na ang aking isip
Unti-unting nilalamon ang puso kong kay rupok na sa pag-ibig
Hindi man ako tulog ngunit lagi akong nananaginip
Na sana'y merong ako na sayo'y maaaring may magmay-ari

Ano ba to'ng naiisip ko baliw na yata ako?
Hindi ko mabilang ang mga dumadaang eroplano
Hindi literal kundi imahe na nasa isipan ko
Eroplanong hugis puso lumilipad papunta sayo

Pag-ibig, pag-ibig bakit nga ba hinahangad natin ang pag-ibig?
Sa murang edad natuto na akong umibig
Humanga sa isang personalidad na kailanman di mapapasa akin sa reyalidad
Na kahit anong gawin kong pagsusumikap ang makamtan ko ito'y napakahirap

Napakasarap magmahal at mahalin kung sa tutuusin
Ang magmahal ay napakalaya sa kahit anong oras mong naisin
Subalit ang hagupit nito ay nakakadulot din ng sakit
Pait na magiging nakaraan mo na nais mo nang mawaglit

Noong ako'y nagkaroon na ng kapangyarihan na umamin
Ibinuhos ko lahat ng kaya ko upang ito'y sabihin
Subalit napalitan ng luha ang dumadaloy na dugo dito sa aking ******
Ngayon ko lamang nasilayan ang puso kong puno na ng pasakit

Binigo ako ng una kong pag-ibig
Alam ko hindi tamang masaktan ang aking damdamin
Subalit kung ito man ang paraan ng tadhana para ako'y magising
Na sa reyalidad ay mas dapat tayong maantig

Inibig kita pero hindi pa ito tapos
Huminto man ang unang pagkakataon
Na magtapat at ipagtapat ko sayo ng tapat
Ang lahat ng nilalahad ng aking pusong sayo'y naghahangad

Uusbong ang panibagong umaga sa bawat araw na magdadaan
Lalakarin ko ang dapat kong lakaran upang maitama ko ang dapat daanan
Pagkat ang unang beses kong aking napagdaanan
Minsan lamang sa buhay ko na dumating na sa akin ay nang-iwan



cutemedievil
Lightrash
madogou
SerenityJasmine
SerendipityLimerence
serendipityy
Zhayrah
Tanya Degurechafu
yarm _-
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top