What's new

Closed Hayabusa : the last assassin (based on true ml bg story) tagalog

Status
Not open for further replies.

maruko_066

Addict
Joined
Feb 25, 2018
Posts
117
Reaction
22
Points
116
Age
23
- Current age of Hayabusa, 5 years old. -
Sa mistulang payapang kapaligiran na nayon ng Iga, may dalawang seperado o uri ng pangkat na matatagpuan, ang anino at grana. Bagama't payapa, may nagbabadyang kababalaghang mangyayari sa hinaharap na kahit sino makakaramdam. Mula sa malawak na kaparangan (damuhan) ng Anino, isa sa pangkat ng malakas na Shinobi (ninja), matatagpuan mo ang dalawang bata na sa tabi ng berdeng puno na binibigyang repleksyon ng tirik na araw, naglalaro ng matiwasay sa aninong nakalapat sa kanila. Dito sa talampas na 'to, nakaupo't pumipitas sila ng klouber sa kaligayahan. Dagdag pa dito, matatanaw mo ang matayog na templo sa kaliwa. Ang batang babae na ngayo'y nakatayo na, na may eleganteng panunuot, kulay berde na pinalibutan ng bulaklak na disenyo gamit ang puti, isang kimono. Tinatapik nya ang batang lalaki sa likuran gamit ang hintuturo, hawak-hawak ang kwintas na gawa sa bulaklak, tamang-tama sa kapanahunan, na para bang panahon ng bulaklak, na nababagay sa itsura nya, at puting buhok. Si Kagura isa sa pamilya kung san mahusay sa Onmyouji, isang uri ng spiritong lakas.
Nang humarap ang batang lalaki, kay kagura, tinitigan nya lang 'to.
Ilang segundo, ibinaling nang bata ang atensyon nya sa dating ginagawa. At muling pumitas ng klouber at mga iba't iba pang uri ng maliliit na bulaklak habang nakaupo sa damuhan. Si Hayabusa, na nakasuot nang madilim na pananamit, itim na montsuki at hakama. Ang nakapagtataka dito, paanong nandito si Kagura sa nayon ng Iga? Humihip ang hangin, na mapapansin mo sa puno kung san sa ilalim nito, naglalaro si Kagura at hayabusa.

Sa timog ng talampas kung san ang malawak na kaparangan, nakatayo ang isang stratura ng isang partikular na dambana (shrine) ng hapon, makikita mo ang nag-uusap na kagalang-galang na nakatatanda, suot ang madilim na montsuki at pares na hakama. Si Mochi (26y/o) isang kalihim ni Kadakilaang Moro (83y/o), na ngayo'y magkatabing nakatingin sa naglalarong bata sa kaparangan at nag-uusap.

"Kadakilaan, ipagpapatuloy pa ba natin ang tradisyon?"
Katanungan ni Mochi bilang pag-alma sa nakasanayang gawain ng shinobi.
"Ano ang ibig mong iparating?"
Nakatuon pa rin ang mata ni dakilang Moro sa mga bata.
Umiiyak si Kagura kasalungat ng masayang araw pagkatapos nang ginawa ni hayabusa sa kanya. Habang tinatakpan ng dalawa nyang kamay ang kanyang mata para itago ang pagluha.
Ilang segundo... para bang may inaayos si Hayabusa habang nakaupo sa bumabahang mga klouber at mga bulaklak. At tumayo para isuot ang ginawa nyang kwintas, hindi... Isa palang korona gawa sa makukulay na bulaklak papunta sa umiiyak na Kagura. Nagtaka ang batang babae, at bahagyang tumigil ang ingay bugso ng pag-iyak. Pagkatapos isinuot ni Hayabusa sa kanya, ngumiti si Kagura sa ilalim ng mapupulang pisngi dahil sa namumutlang mata. Kasabay nang maalumanay na pagtapik ng palad ni Hayabusa sa puting buhok ni kagura at bahagyang ngumiti.
Muling nagsalita si Mochi para ipaliwanag ang sinabi nya sa dakila.
"Mawalang galang na po dakila, pero walang kamuwang-muwang ang mga bata, para gawin silang alipin ng poot."
Isang malakas na argumento bilang isang matalinong kalihim, pero kahit na gayon, hindi sumang-ayon si dakilang Moro.
"Gusto mo bang tuluyan tayong sakupin ng grana? at magpakabulag sa sariling emosyon?"
Ang dating mata na naka tingin sa mga bata ngayo'y nalapat na kay Mochi.

Pagkatapos patahanin ni Hayabusa ang munting babae, seryoso syang nakatingin sa ilalim ng talampas, parang bangin pero sa baba nito, may serye ng mga templo at napalibutan ng batis. Oo, Ito ang sekta ng grana na halos kasinglakas ng sektang anino, kung tungkol sa larangan nang pagiging mahusay na shinobi.
Kahit na nagulantang si Mochi sa dakila, agaran rin syang bumalik sa pagka kalma, dagdag pa rito ang pagsalubong ng mga kilay nya, hindi dahil galit, kundi dahil sa prinsipyo ng pagiging shinobi, at sinabing...
"Hindi po, ayon sa utos ng panginoon -numero bente siete, Ang puso ay pisikal na bagay datapwa't mahina, palakasin at talasan ang diwa, upang sa gayon tagumpay na ma-protektahan ang marupok mong sarili."

"Tama"
"Halika ka na bago pa tayo mahuli sa pulong"

- End of Chapter 1.1 -
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top