What's new

Closed Root: cherry mobile flare a1

Status
Not open for further replies.

mqn7gYwM8p

Forum Guru
Elite
Joined
Apr 22, 2018
Posts
1,788
Solutions
1
Reaction
6,494
Points
1,206
Root Cherry Mobile Flare A1
Wala po akong kinalaman kung ano mangyayari sa cellphone niyo. Huwag niyo po akong sisisihin sa mga pagkakamaling pwede niyong gawin.

Mga gagamitin

Idownload: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

-Computer. Pwede sa computer shop.
-USB connector. Kuhain na lang sa charger
-Ang iyong non rooted na cellphone
-Utak at tapang
Tanong: Nakakasira ba?
Safe. Safe. Safe.

1.Extract ang files. Pagka extract, may 4 na file na naka compressed. Extract natin ulit lahat MALIBAN sa MAGISK.

2.Buksan ang MT65xx Vcom folder. Sa loob nito ay may dalawang application file. Kung hindi mo alam kung ano bit ng os ng computer na gamit mo, irun mo na lang silang dalawa.

3.Pagtapos ay buksan naman ang folder na may pangalang SP Flashtool. Irun ang program na "Flash Tool".

4.Sa program na SP Flash Tool, may makikita kang Download. Iclick. At pagtapos nito, may makikita ka namang scattered file. Iclick at ilocate ang folder na TWRP, kung saan mo inextract ang file at hanapin dito ang mt6735 android scatte.txt

5.May mga makikita kang tiles sa baba ng program. Siguraduhing recovery lang ang naka check sa box dahil recovery lang ang ipaflash natin.

6.Kung na set na lahat, ishutdown mo ang iyong cellphone at tanggalin ang battery nito. Pagtapos, isaksak ang iyong cellphone sa usb connector at sa computer. Iclick ang download button sa flash tool, at pagtapos nito ay isalpak mo ang battery nang iyong cellphone. Hintayin, at voila! Ok na!

7.Kung naka pag flash kana. Pindutin ang mga button na ito para mapunta ka sa TWRP. Power button + Volume up, at inavigate sa Recovery.

Paano iroot?
1.Iconnect ang iyong PC sa cellphone mo.
2.Sa TWRP, pindutin mo ang settings at enable mo ang usb otg. Itransfer ang Magisk.zip sa iyong cellphone. Para magawa mo ito, click mo ang window icon sa baba ng computer at search mo "Device" then select mo ang unang result. Sa loob nito, may makikita kang pangalan ng device mo. Right click mo at icopy ang file sa sd card o internal storage.
3.Pumunta ulit sa TWRP at click ang install. Hanapin si Magisk.zip at piliin. Iswipe ang bar sa baba para sa flashing. Ilang saglit lang. Rooted ka na!
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top