What's new

Closed Kapayapaan sa lupa sa wakas!

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,195
Points
2,914
102006203_univ_lsr_xl.jpg

NANINIWALA ang ilan na makakamit lamang ang kalayaan sa pulitika at kadalisayan sa relihiyon sa pamamagitan ng karahasan—na tanging mapangwasak na puwersa lamang ang makapag-aalis ng di-mabubuting tagapamahala. Sinisindak naman ng ilang pamahalaan ang kanilang mga sakop para lamang mapanatili ang kaayusan at makontrol ang mga tao. Subalit kung totoong mabisang paraan ng pamamahala at reporma sa lipunan ang terorismo, nagdulot na sana ito ng kapayapaan, kasaganaan, at katatagan. At sa kalaunan, naglaho na sana ang karahasan at takot. Ganito ba ang resultang nakikita natin?

Ang totoo, nababawasan ang paggalang sa buhay dahil sa terorismo, at humahantong ito sa pagdanak ng dugo at kalupitan. Dahil sa hinagpis na dinanas nila, ang mga biktima ay kadalasang naghihiganti, na sinusuklian naman ng higit pang paniniil at humahantong sa higit pang paghihiganti.

Hindi Nalulutas ng Karahasan ang Ating mga Suliranin
Libu-libong taon nang sinisikap lutasin ng mga tao sa kanilang ganang sarili ang mga suliranin nila sa pulitika, relihiyon, at lipunan. Subalit ang lahat ng kanilang pagtatangka ay hindi nagtagumpay. Gaya ito ng sinasabi ng Bibliya: “Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinabi ni Jesus: “Ang karunungan ay pinatutunayang matuwid ng mga gawa nito.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa mas malawak na pagkakapit ng mga simulaing ito sa Bibliya, ipinahihiwatig na hindi solusyon ang terorismo. Hindi kalayaan at kaligayahan ang ibinubunga ng terorismo kundi, sa halip, kamatayan, kahapisan, at kapahamakan. Ang masasamang bungang ito ay lumaganap nang husto noong ika-20 siglo at nagsisimula nang mangibabaw sa ika-21 siglo. Sinasabi ng marami na sa halip na maging solusyon, ang terorismo ay isa sa mga suliranin.

“Araw-araw kong hinahangad na wala sanang mamatay na kapamilya o kaibigan ko . . . Siguro kailangan natin ng himala.” Ito ang isinulat ng isang tin-edyer na babae na ang sariling lupain ay winasak ng mga terorista. Itinatawag-pansin ng kaniyang mga salita ang naging konklusyon ng marami: Wala sa kamay ng tao ang solusyon sa mga suliranin ng sangkatauhan. Tanging ang Maylalang ng tao ang makalulutas sa mga problema ng lupa sa ngayon, pati na sa terorismo. Pero bakit tayo dapat magtiwala sa Diyos?

Kung Bakit Karapat-dapat Pagtiwalaan ang Diyos
Ang isang dahilan ay sapagkat bilang Maylalang, si Jehova ang nagbigay sa atin ng buhay at nais niya tayong masiyahan at mabuhay nang payapa. Naudyukan ang propeta ng Diyos na si Isaias na isulat: “Ngayon, O Jehova, ikaw ang aming Ama. Kami ang luwad, at ikaw ang aming Magpapalayok; at kaming lahat ang gawa ng iyong kamay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Si Jehova ang Ama ng sangkatauhan, at mahalaga sa kaniya ang mga tao sa lahat ng bansa. Hindi siya ang may kagagawan ng kawalang-katarungan at poot na humantong sa terorismo. Minsang sinabi ng marunong na haring si Solomon: “Ginawang matuwid ng tunay na Diyos ang mga tao, ngunit sila sa ganang sarili ay humanap ng maraming plano.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang kasamaan ng tao at impluwensiya ng demonyo, hindi ang kawalan ng kakayahan ng Diyos, ang ugat ng terorismo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Isa pa, makapagtitiwala tayo kay Jehova dahil mas alam niya ang ugat ng mga suliranin ng sangkatauhan at ang paraan upang lutasin ang mga ito, yamang siya ang lumalang sa mga tao. Sinasabi ng Bibliya ang katotohanang ito sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Itinatag ni Jehova ang lupa sa pamamagitan ng karunungan. Ang langit ay inilagay niya nang matibay sa pamamagitan ng kaunawaan.” Isang lalaki noon, na lubusang nagtitiwala sa Diyos, ang sumulat: “Saan magmumula ang tulong sa akin? Ang tulong sa akin ay mula kay Jehova, ang Maylikha ng langit at lupa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

May ikatlong dahilan kung bakit dapat tayong magtiwala sa Diyos: May kapangyarihan siyang ihinto ang pagdanak ng dugo dahil sa karahasan. Noong panahon ni Noe, “ang lupa ay napuno ng karahasan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mabilis at sukdulan ang naging hatol ng Diyos: “Hindi . . . nagpigil [ang Diyos] sa pagpaparusa sa sinaunang sanlibutan . . . nang magpasapit siya ng delubyo sa isang sanlibutan ng mga taong di-makadiyos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sinasabi ng Bibliya ang aral na dapat nating matutuhan mula sa Baha noong panahon ni Noe: “Alam ni Jehova kung paano magligtas ng mga taong may makadiyos na debosyon mula sa pagsubok, at magtaan naman ng mga taong di-matuwid upang lipulin sa araw ng paghuhukom.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Alam ng Diyos kung sinu-sino ang taimtim na umaasam ng mas magandang buhay at kung sinu-sino ang nagpapahirap sa buhay ng iba. Itinataan niya ang huling nabanggit para sa “pagkapuksa ng mga taong di-makadiyos.” Ngunit para sa mga naghahangad ng kapayapaan, naghahanda siya ng bagong lupa kung saan tatahan ang katuwiran.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Namamalaging Kapayapaan sa Lupa!
Madalas gamitin ng mga manunulat ng Bibliya ang salitang “lupa” para tumukoy sa sangkatauhan. Halimbawa, sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na iisa ang wika ng “buong lupa,” o ng mga taong nabubuhay nang panahong iyon. Ito ang nasa isip ni apostol Pedro nang isulat niya ang tungkol sa “isang bagong lupa.” Babaguhin ng Diyos na Jehova ang lipunan ng tao upang ang karahasan at poot ay mahalinhan ng katuwiran at katarungan na permanenteng “tatahan” sa lupa. Sa hulang iniulat sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., sinasabi sa atin ng Bibliya: “Siya ay maggagawad ng kahatulan sa gitna ng maraming bayan, at magtutuwid ng mga bagay-bagay may kinalaman sa makapangyarihang mga bansa sa malayo. At pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos. Sila ay hindi magtataas ng tabak, bansa laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.”

Ano ang magiging buhay ng mga tao kapag natupad na ang hulang iyan? Binabanggit ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Uupo sila, ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, at walang sinumang magpapanginig sa kanila.” Sa makalupang Paraisong iyon, wala nang matatakot na sasalakay pang muli ang mga terorista. Maaasahan mo ba ang pangakong iyan? Oo, “sapagkat ang mismong bibig ni Jehova ng mga hukbo ang nagsalita nito.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kung gayon, yamang dumarami ang banta ng terorismo at nanginginig ang mga bansa dahil sa karahasan, ang solusyon para sa mga umiibig sa kapayapaan ay ang pagtitiwala kay Jehova. Walang suliraning hindi niya kayang lutasin. Aalisin niya ang pinsala, pagdurusa, at maging ang kamatayan. Sinasabi ng Bibliya: “Lalamunin niya ang kamatayan magpakailanman, at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang minamahal na lupain ng maraming tao, na puno ngayon ng hirap at takot dahil sa terorismo, ay malapit nang mag-umapaw sa mga bunga ng kapayapaan. Ang kapayapaang iyan, na ipinangako ng Diyos “na hindi makapagsisinungaling,” ang kailangang-kailangan ng sangkatauhan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
  • “Sumama ako sa mararahas na tunggalian ng militar. Ang layunin ko ay labanan ang dating gobyerno at magtatag ng lipunang mag-aalis ng di-pagkakapantay-pantay ng mga tao sa buong daigdig.”—Lucian.
  • “Bata pa lamang ako, nababahala na ako sa kawalan ng katarungan. Kasali na rito ang karukhaan, krimen, kakulangan ng edukasyon at paggamot. Naniniwala ako noon na sa pamamagitan ng mga sandata, ang lahat ay magkakaroon ng edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, bahay, at trabaho. Naniniwala rin ako noon na dapat parusahan ang sinumang magulo at walang galang sa kaniyang kapuwa.”—Peter.
  • “Kami ng asawa ko ay miyembro noon ng isang lihim na organisasyong nagtataguyod ng marahas na rebelyon. Nais naming bumuo ng pamahalaang magdudulot ng kasiyahan at kapayapaan sa pamayanan at pagkakapantay-pantay sa lahat. Inakala namin na subersibong mga gawain ang tanging paraan upang makamit ang katarungan sa aming bansa.”—Lourdes.
Sinikap tulungan ng mga taong ito ang nagdurusang sangkatauhan sa pamamagitan ng dahas. Ngunit nang makipag-aral sila ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, nalaman nilang may mas mainam na paraan palang binabanggit ang Salita ng Diyos. Sinasabi ng Bibliya sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ang poot ng tao ay hindi gumagawa ukol sa katuwiran ng Diyos.” Ganito ang mababasa sa Today’s English Version: “Hindi magaganap ang matuwid na layunin ng Diyos sa pamamagitan ng galit ng tao.”

Ang pamamahala ng Diyos ang tanging makapagpapabago sa lipunan ng tao. Ipinakikita ng mga hula sa Bibliya, tulad ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., na iyan mismo ang malapit nang gawin ng pamahalaan ng Diyos. Pinasisigla ka namin na alamin mo mismo ang mga katotohanang ito sa pamamagitan ng pakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova.
 
Attachments

Ipagpalagay na tama ang doktrina at paniniwala ng Jehovah's Witnesses...

Ano ang itsura ng forever life sa mundo?

Wala po bang Levi's pants, Sony TV, I-phone, android phone, Nike shoes, many Ben barbershop, nanay inday sari sari store, miss universe pageant, lipstick, rice cooker, pldt meralco, ing, airlines, Honda civic, mall of Asia, marvel comics, Putin, trump, Vic sotto, trillanes duterte characters, and anything and everything that makes the humankind pre occupied? Mga ilan lang yan sa nabanggit at wari ko Hindi mga Saksi ni Jehova ang may ari ng karamihan ryan..nagtatanong lang
 
1 Juan 2:16,17
 
1 Juan 2:16,17

Ganito ang sinabi...

1 John 2:16-17 King James Version (KJV)
16 For all that is in the world, the lust of the flesh, and the lust of the eyes, and the pride of life, is not of the Father, but is of the world.

17 And the world passeth away, and the lust thereof: but he that doeth the will of God abideth for ever.

Ang hindi ko maarok ay halimbawa lahat ng hindi saksi ni Jehova ay pinatay ni Jehovah sa Armageddon....
(napakalupit naman ng doktrina na ito biro mo ung pinatay ni Jehovah na billions na tao magiging fertilizer na lang.magiging pagkain ng mga halaman, mga halaman na tumutubo sa paraiso, magiging pagkain ng mga hayop na ayun sa doktrina ng mga saksi ay magigign maamo)

Paano patatakbuhin ng mga Saksi ang mundo?

Kung ang SAngkatauhan (puro saksi) ay nabubuhay ng walang hanggan ay hindi kaya mapupuno ang mundo?

Saan magtatanim ang mga tao?

May time ba na titigil ang reproduction?

Wala bang kalakalan o business sa paraiso?

Sino gagawa ng pantalon, sapatos, bag, etc etc?

Sino ang magpapatakbo ng kuryente? voluntarism ba?

Ano ang gagawin ng mga saksi sa eternity? sing sing praises to Jah?

wala bang manunulat o nobelista sa paraiso?

wala bang artista?

wala bang sports?

wala bang juniors/seniors prom?

walang karen davila?

walang vic sotto?

walang henry sy?

walang duterte?

walang robredo?

walang mag iisip ng pilosopiya? walang siyensya? walang argumentasyon?

tsk tsk tsk..kakaunting lang itong nabanggit ko pero...to be honest...kung ganyan lang ang plano ni Jehovah sa sangkatauhan mas mabuti siguro ung mamatay na lang na at least naging makabuluhan ang isang buhay na maiksi sa mundo at napanindigan ang nasa isip at puso...kung lahat na lang ng mga katanungan ko sa taas ay way of the flesh, so then what bakit pa ginawang pisikal ni Jehova ang tao para lang magkasala? what an absurd doctrine. no disrespect sa mga Saksi ni Jehovah. I know there are well-meaning or sincere to their faith na JW's pero maging alisto at kritikal po kayo dahil pinapaikot lang kayo ng Watchtower o ng "Governing Body".
 
nonsense
 
Kung yan ang pananaw mo iginagalang ko po.
 
So paano and detalye ng pamumuhay sa "paraiso"?

Hindi ka ba naaalarma at pabago bago ang turo sayo ng Watchtower(Governing Body)?

Saan sa Bibya na bawal ang birthday, blood transfusion, bumoto, humawak ng posisyon sa gobyerno, etc?

Bago ka magsabi ng " nonsense", make sure na ung pinapalaganap mo dito ay sarili mong kaalaman at Hindi panlilinlang sayo ng kulto.
 
Kung yan ang pananaw mo iginagalang ko po.

Nothing personal but truth hurts.
Isa pang na obserbahan ko, Panay atake ng Watchtower sa Orthodox Christianity pero magbasa kayo, walang bayag ang "Governing Body" na I criticize explicitly and with zeal ang Islam dahil sa takot na baka pasabugin ang watchtower.
 
So paano and detalye ng pamumuhay sa "paraiso"?

Hindi ka ba naaalarma at pabago bago ang turo sayo ng Watchtower(Governing Body)?

Saan sa Bibya na bawal ang birthday, blood transfusion, bumoto, humawak ng posisyon sa gobyerno, etc?

Bago ka magsabi ng " nonsense", make sure na ung pinapalaganap mo dito ay sarili mong kaalaman at Hindi panlilinlang sayo ng kulto.

Wala ka talagang alam.. kung gusto mo maunawaan ang turo ng bibliya kailangan mong maging mapagpakumbaba.. pero sa nakikita ko sayo wala kang unawa at wala ka talagang interes na malaman kung ano talaga ang katotohanan.
 
Last edited:

Paano mo nalaman na wala along alam?

Ganito lang yan bro...kung biblya ang nais mo na maging basehan...

Saan sa bible na direktang sinabi na bawal ang birthday at blood transfusion?

Luma na ang taktika mo. Ang katanungan ko ba ay nasagot mo?

Ung selling argument ng watchtower/governing body ay "buhay na walang hanggan sa paraiso sa lupa".

Ngayon, napapaniwala ka sa paraiso sa lupa..ano ang itsura ng walang hanggan na buhay sa paraiso sa lupa? Pakidetalye? Ang pinuno mo na governing body ay katulad din ng pyramid scam.
 
Hindi ko sasabihin sayo.. sayang lang po... Kapakumbabaan lang ipakita mo malalaman mo ang katotohanan..
 
Paano mo nalaman na wala along alam?

Ganito lang yan bro...kung biblya ang nais mo na maging basehan...

Saan sa bible na direktang sinabi na bawal ang birthday at blood transfusion?

Luma na ang taktika mo. Ang katanungan ko ba ay nasagot mo?

Ung selling argument ng watchtower/governing body ay "buhay na walang hanggan sa paraiso sa lupa".

Ngayon, napapaniwala ka sa paraiso sa lupa..ano ang itsura ng walang hanggan na buhay sa paraiso sa lupa? Pakidetalye? Ang pinuno mo na governing body ay katulad din ng pyramid scam.

Wala pong sasagot sa malabasahan na pag asta mo hehe.
 
Wala pong sasagot sa malabasahan na pag asta mo hehe.

Paano mo nalaman? Ano ang reference mo sa karakter o moralidad ng tao?

Ipinagtatnggol mo ang pinuno mo na all-knowing "Governing Body" pero wala ka maisagot kung ano klase ng pamumuhay sa paraiso.

False humility, self persecution, hideous character, sleight on hand tactics...I do not demand you to respect me, but if you speak your doctrines here, be ready yo justify. You are not the standard of one's character here.
 
Nag paratang ka nanaman..masama yan mag akusa na wala sa katotohanan.. wala kaming pinunong tao.. at di namin kinikilalang lider ang sinasabi mo.. wala kang alam.. period po.. ayoko makipag talo sa katulad mo po.. salamat nalang..
 
Unang una sa lahat, huwag mong tirahin ang personal karakter ko dahil hindi mo naman alam ang personal na bu8hay ko. Ikaw lang ay nayayabangan sa akin sapagkat hindi mo pinapalalwak ang kaalaman mo sa moralidad...

Hindi mo alam na puppet ka ng Governing Body? Sigurado ka na utos ng Dios ang ibang ginagawa mo ayon sa doktrina o turo ng Watchtower sa iyo? Syempre inaamin mo na wala kang pinuno, pero if you go outside or beyond your religion, you have leaders..the Governing Body..you have no idea...

NGayon umamin ako na dati akong Saksi Ni Jehovah, ibig mong sabihin wala akong alam at karapatan mag labas ng saloobin at kaalaman sa organisasyon na kinamulatan ko?? Hindi ako umanib sa Watchtower ayon sa aking sariling pag iisip kundfi no choice ako dahil ang mga magulang ko ay Saksi ni Jehovah..our entire family then...namulat ako na ganyan ang relihiyon ng pamilya namin...salamat na lang sa kaalaman at lakas ng loob ko para makawala at ma overcome ang psychological impact ng mga mala demonyong doktrina.and here I am...I was able to conquer this Governing Body's evil teaching of shunning/disfellowshipping.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top