What's new

Closed [pagtataka] bagyong ompong signal number 4

Status
Not open for further replies.
Habang nagmamasid sa madilim na kapaligiran sa loob nitong kwarto, palipat lipat ang multong boses ng hangin sa labas na minsan malakas at mahina dagdag mo pa rito ang madirinig na may kasamang pag bagsak ng mga sanga sa ibabaw nang solidong bubong. sinabayan pa ng ulan na mararamdaman mo kase di mo rin mapagkakaila ang napakalamig nang hanging pilit na pumapasok sa loob. Maya't maya, nag-iba na naman ang direksyon ng hangin at bigla-biglaang may papasok na tubig na mula sa labas galing sa mga butas na maaring pasukan sa bahay, nagkaroon din nang mga kakaibang tunog mula sa mga pundasyon na animo'y nagluluwag-luwagan. At dahil sa ganitong pangyayari, di mo maiiwasan ang pagbagsak ng mga puno at paglipad ng kung anu-ano na tumutoktok sa pinto at pader sanhi sa bagyo... pero ang kinakagulat ko, bakit sa gitna ng gabi at kadiliman ng buong lugar, nakakarinig pa rin ako ng mga ingay ng makina na mula sa mga sasakyan at ang pinakamalupit pa dun, kada minuto may mga dumaraan na motor sa mahanging kalsada?
 
Baka iniwan na kayo ts mga kapitbahay mo nagsilikas na hehe try mo daw silipin ang labas baka wala na kayong kapitbahay hehe

Saan ba kayo ts ?
 
di naman kasi dapat tumigil ang ikot ng mundo kapag may bagyo.. pwedeng may pinupuntahan lang sila.. or nag iikot.. nag susurvey sa damage..if i where you .. go out ang check
 
di naman kasi dapat tumigil ang ikot ng mundo kapag may bagyo.. pwedeng may pinupuntahan lang sila.. or nag iikot.. nag susurvey sa damage..if i where you .. go out ang check
delekado po ung mga yero o bubong na lumilipad lipad sa labas, kase last na bagyo, may tinamaan sa leeg
 
Baka iniwan na kayo ts mga kapitbahay mo nagsilikas na hehe try mo daw silipin ang labas baka wala na kayong kapitbahay hehe

Saan ba kayo ts ?
tama, pero dito rin nakitulog eh maya maya may kumatok, totoong tao na pala, btw, Isabela po signal number 4
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top