What's new

Closed Ano ang pangalan ng diyos?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Kapag gusto mong makilala ang isang tao, malamang na ang una mong itatanong sa kaniya ay, “Ano ang pangalan mo?” Kung itatanong mo iyan sa Diyos, ano kaya ang isasagot niya?

“Ako ay si Jehova. Iyan ang pangalan ko.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ngayon mo lang ba narinig ang pangalang iyan? Siguro, dahil bihirang gamitin ng mga tagapagsalin ng Bibliya ang pangalan ng Diyos, o hindi pa nga. Madalas nila itong palitan ng titulong “PANGINOON.” Pero ang totoo, mahigit 7,000 ulit lumilitaw ang pangalan ng Diyos sa orihinal na mga wika ng Bibliya. Ang pangalan ng Diyos ay binubuo ng apat na Hebreong katinig, na katumbas ng YHWH o JHVH, at isinasaling “Jehova” sa Tagalog.

Lumilitaw ang pangalan ng Diyos sa orihinal na Hebreo at sa maraming salin

2019005_univ_cnt_1_md.jpg
Dead Sea Psalms Scroll Unang siglo C.E., HEBREO


2019005_univ_cnt_2_md.jpg
Salin ni Tyndale 1530, INGLES


2019005_univ_cnt_3_md.jpg
Bersiyong Reina-Valera 1602, SPANISH


2019005_univ_cnt_4_md.jpg
Union Version 1919, CHINESE

KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PANGALAN NG DIYOS
Mahalaga ito sa Diyos mismo. Walang nagbigay sa Diyos ng pangalan; siya mismo ang pumili nito. Sinabi ni Jehova: “Ito ang aking pangalan hanggang sa panahong walang takda, at ito ang pinakaalaala sa akin sa sali’t salinlahi.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa Bibliya, mas maraming ulit na lumilitaw ang pangalan ng Diyos kaysa sa mga titulo niyang gaya ng Makapangyarihan-sa-lahat, Ama, Panginoon, o Diyos. Mas madalas din itong lumitaw kaysa sa iba pang personal na pangalan, gaya ng Abraham, Moises, David, o Jesus. Isa pa, kalooban ni Jehova na makilala ang pangalan niya. Sinasabi ng Bibliya: “Upang malaman ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Mahalaga ito kay Jesus. Sa panalanging tinatawag na Ama Namin o Panalangin ng Panginoon, tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na idalangin sa Diyos: “Pakabanalin nawa ang iyong pangalan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Si Jesus mismo ay nanalangin sa Diyos: “Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pangunahin sa buhay ni Jesus ang pagluwalhati sa pangalan ng Diyos, kaya sinabi niya sa panalangin: “Ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan at ipakikilala ito.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Mahalaga ito sa mga nakakakilala sa Diyos. Naunawaan ng sinaunang mga lingkod ng Diyos na ang proteksiyon at kaligtasan nila ay nauugnay sa natatanging pangalan ng Diyos. “Ang pangalan ni Jehova ay matibay na tore. Doon tumatakbo ang matuwid at ipinagsasanggalang.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) “Ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay makaliligtas.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipinapakita ng Bibliya na ang mga naglilingkod sa Diyos ay makikilala sa kaniyang pangalan. “Sapagkat ang lahat ng mga bayan, sa ganang kanila, ay lalakad bawat isa sa pangalan ng kaniyang diyos; ngunit tayo, sa ganang atin, ay lalakad sa pangalan ni Jehova na ating Diyos hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

ANG ISINISIWALAT NG PANGALAN NG DIYOS
Ito lang ang pangalang nagpapakilala sa Diyos. Ayon sa maraming iskolar, ang pangalang Jehova ay nangangahulugang “Pinangyayari Niyang Maging Gayon.” Nilinaw ng Diyos na Jehova ang kahulugan ng pangalan niya nang sabihin niya kay Moises: “Ako ay Magiging Gayon sa Anumang Ako ay Magiging Gayon.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya ipinapakita ng pangalan ng Diyos na hindi lang siya Maylikha ng lahat ng bagay. Ipinahihiwatig din nito na pinangyayari niya ang kaniyang sarili o ang kaniyang mga nilalang na maging anuman na kailangan para matupad ang kaniyang layunin. Kung inilalarawan ng mga titulo ng Diyos ang kaniyang posisyon, awtoridad, o kapangyarihan, tanging ang pangalan niya ang kumakatawan sa kung sino siya at kung ano ang kaya niyang maging.

Ipinapakita ng pangalan ng Diyos na interesado siya sa atin. Ipinahihiwatig ng kahulugan ng pangalan ng Diyos na mahal niya ang kaniyang mga nilalang, kasama na tayo. At dahil ipinaalám ng Diyos ang pangalan niya, ibig sabihin, gusto niyang makilala natin siya. Bago pa man natin ito itanong sa kaniya, ipinakilala na niya ang pangalan niya. Maliwanag, gusto ng Diyos na makilala natin siya, hindi bilang isang misteryoso at malayong bathala, kundi isang tunay na Persona na puwede nating lapitan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ipinapakita ng paggamit natin sa pangalan ng Diyos na interesado tayo sa kaniya. Para ilarawan, kung may gusto kang maging kaibigan, baka hilingin mo sa kaniya na tawagin ka sa pangalan mo. Pero paano kung ayaw niyang gawin ito? Baka maisip mo kung talaga nga bang gusto niyang mapalapít sa iyo. Ganiyan din pagdating sa Diyos. Sinabi ni Jehova sa atin ang kaniyang pangalan, at gusto niyang gamitin natin ito. Kapag ginagawa natin iyan, ipinapakita natin kay Jehova na gusto nating mapalapít sa kaniya. Ang totoo, napapansin niya ang mga nagpapahalaga o “palaisip sa kaniyang pangalan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang pag-alam sa pangalan ng Diyos ang unang hakbang para makilala siya. Pero hindi sapat iyan. Kailangan nating makilala ang Persona sa likod ng pangalang iyan. Dapat nating malaman kung anong uri siya ng Diyos.

ANO ANG PANGALAN NG DIYOS? Ang pangalan ng Diyos ay Jehova. Ito lang ang pangalang nagpapakilala sa Diyos bilang Persona na kayang tumupad ng kaniyang layunin

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Hindi nilikha ng uniberso ang sarili nito; hindi puwedeng basta na lang ito lumitaw. Ang isang bagay ay hindi puwedeng magmula sa wala. Kung walang umiiral bago pa ang uniberso, wala sanang uniberso ngayon. Mahirap maintindihan iyan. Pero tiyak na mayroong isa, na dati nang umiiral at hindi bahagi ng uniberso, na lumikha ng lahat. Ang Maylikha na iyan ay ang Diyos na Jehova—ang espiritung persona na makapangyarihan at marunong sa lahat.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyos: “Bago naipanganak ang mga bundok, o bago mo iniluwal na waring may mga kirot ng pagdaramdam ang lupa at ang mabungang lupain, mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda ay ikaw ang Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ibig sabihin, dati nang umiiral ang Diyos. Pagkatapos, “nang pasimula” ay nilalang niya ang pisikal na uniberso.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Attachments

Binuo ang pangalang yan ng mga masorite.kahit mas tama ang YHWH pinili nilang gamitin ang jehovah sa dahilang mas kilala ito noon sa madaling sabi naki-uso sila at sa paglipas ng panahon natanggap na ito ng tao at nailagay na sa mga salin ng biblia.pero sa umpisa binuo lang yan.

Ito ang malinaw nilang pag-amin

Screenshot_2018-09-12-00-19-57.png
 

Attachments

Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.

Deuteronomio 12:32
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

......
ang sabi sa Biblia , wag daw dadagdagan at babawasan ang Salita Niya ..kung ano yung nakasulat , yun lang dapat ..

walang mababasang YAHWEH o JEHOVAH o ano man yan na Pangalan ng Dios na gawa-gawa ng tao sa Biblia ..

idinagdag lang yan ng mga manlolokong pastor

Ama dapat ang itawag sa Ama, Dios sa Dios at hindi YAHWEH o JEHOVAH..

kabastusan na tatawagin mo yung tatay mo sa Pangalan lang ..
 
dapat pala hindi na isinalin sa ibat ibang wika ang bible para wala na madagdag na letra. hirap sigurong basahin
 
dapat pala hindi na isinalin sa ibat ibang wika ang bible para wala na madagdag na letra. hirap sigurong basahin

Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan.

Deuteronomio 12:32
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

....
pwede naman itranslate .. ang sabi kasi ng Dios yung iniuutos Niya daw ang isasagawa ..
itrinanslate lang naman, yun parin naman yun .. utos Niya parin naman yun .. katunayan nga e kaloob o bigay pa ng Espiritu Santo ang nagsasalita ng ibang wika na mga utos Niya

At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain.

Gawa 2:4
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)


... ang ibig ko lang naman sabihin .. kung YHWH nga yang nakasulat. . wag na dagdagan pa ng vowels para lang mabigkas .. at wag na silang mas marunong pa sa Dios .. yun nga lang ang ibinigay Niyang pangalan, bakit dadagdagan pa
 
sir flex, halimbawa gusto kong mangaral at may libo libo akong tagapakinig at may magtanong kung may nakasulat na pangalan ang Diyos. may mairerekomenda ho ba kayo kung paano ko bibigkasin sa kanila ang YHWH? o isa isa ko na lng sila lalapitan para sila na lng bumasa. kasi kung ako bka huawei maging dating sa pandinig nla.
 
sir flex, halimbawa gusto kong mangaral at may libo libo akong tagapakinig at may magtanong kung may nakasulat na pangalan ang Diyos. may mairerekomenda ho ba kayo kung paano ko bibigkasin sa kanila ang YHWH? o isa isa ko na lng sila lalapitan para sila na lng bumasa. kasi kung ako bka huawei maging dating sa pandinig nla.

Exodo 3
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

13 At sinabi ni Moises sa Dios, Narito, pagdating ko sa mga anak ni Israel, at sasabihin ko sa kanila, Sinugo ako sa inyo ng Dios ng inyong mga magulang; at sasabihin nila sa akin: Ano ang kaniyang pangalan? anong sasabihin ko sa kanila?

14 At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.

15 At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.

:):):) yan po ang sabi ng Biblia.. yan po ang Pangalan Niya..

wag niyo pong pproblemahin kung anong pangalan Niya, kasi hindi Niya naman po pinapaproblema sa atin .. pero kung ipipilit nyo po talaga , ayan po ang sabi ng Biblia

ngayon po, kung tatawag tayo o mananalangin tayo sa Panginoong Dios , eto naman po ang turo ni Kristo :) ayon po sa Biblia

Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.

Mateo 6:9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

....
ang tawag ni Kristo sa Dios ay Ama at hindi po YHWH ..
 
Last edited by a moderator:
sir flex, halimbawa gusto kong mangaral at may libo libo akong tagapakinig at may magtanong kung may nakasulat na pangalan ang Diyos. may mairerekomenda ho ba kayo kung paano ko bibigkasin sa kanila ang YHWH? o isa isa ko na lng sila lalapitan para sila na lng bumasa. kasi kung ako bka huawei maging dating sa pandinig nla.


Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.

Isaias 63:16
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

yan po ang Pangalan ng Dios mula ng una yan na ang itinatawag sa Kaniya ..
 
pano nman po yung YHWH? kalimutan na lng?

wala naman akong sinabing kalimutan nalang..katunayan e hindi ko nga tinututulan ang YHWH e, kasi nakasulat yan Hebrew e .. ang tinututulan ko lang kanina pa ay yung YaHWeH kasi dinagdagan lang ng Vowels para mabigkas ng mga manlolokong pastor..

pero ang itinuro ni Kristo na ipantatawag natin sa Dios ay "AMA" sa bagay na yun ay hindi natin nalilimutan ang Dios ..
ang salitang "Ama" kasi ay Pangalan, Noun sya pero common noun at hindi proper noun

...
tandaan mo po na kapag "Anak" ang tumatawag , ang tawag sa Dios ay "AMA"

...
hindi natin kailangang kalimutan yung YHWH .. pero hindi natin Siya tatawagin sa ganun .. Ama ang itatawag natin sa Kaniya dahil tayoy Anak Niya .. kaya ang tumatawag sa Kaniya na Jehovah o YahWeh, hindi Niya anak yun .. yung tatay mo nga lang dito sa lupa e, hindi mo tinatawag sa pangalan nya lang e kasi kabastusan yun..
 
sige hindi ko na lng tatawagin sa name nya na YHWH dahil mahirap bigkasin. pag may nagtanong isesenyas ko na lng. halos lahat pala ng words sa bible nadagdagan at nabawasan dahil sa pagsasalin sa ibat ibang wika. parang ayoko na tuloy
 
sige hindi ko na lng tatawagin sa name nya na YHWH dahil mahirap bigkasin. pag may nagtanong isesenyas ko na lng. halos lahat pala ng words sa bible nadagdagan at nabawasan dahil sa pagsasalin sa ibat ibang wika. parang ayoko na tuloy


nasa sayo naman po yun kung ano gusto mo itawag .. basta ayon sa aral ni Kristo .. ganito ang sabi Niya :)

Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.

Mateo 6:9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

....

pinoproblema mo po kasi kung ano ang itatawag mo sa Dios e .. ang sabi nga po ni Kristo ay AMA namin na nasa langit Ka ..

....

maghahalimbawa po ako: pagka tatawagin mo po ba ang tatay mo , tinatawag mo po ba sa pangalan nya? parang ganto "Pedro! patulong nga ako" hindi ba't kabastusan yun? .. kung anak ka, ang itatawag mo sa tatay mo ay papa o daddy o ano mang pwede itawag sa tatay ..

ganun din sa Dios .. kung Anak ka, ang tawag mo sa Dios ay Ama .. maliban nalang kung hindi ka anak
 
Last edited by a moderator:
sige hindi ko na lng tatawagin sa name nya na YHWH dahil mahirap bigkasin. pag may nagtanong isesenyas ko na lng. halos lahat pala ng words sa bible nadagdagan at nabawasan dahil sa pagsasalin sa ibat ibang wika. parang ayoko na tuloy

sir.. eto po ang pangalan ng Dios AYON SA BIBLIA :) pakibasa po

Sapagka't ikaw ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.

Isaias 63:16
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)




eto nalang po panuorin mo :)https://phc.onl/#forbidden#/dqZnCA8C8pg
at eto po :)
https://phc.onl/#forbidden#/-UOMZzTZbpM
 
Last edited by a moderator:
sabi nyo po kasi dinagdagan yung YHWH kaya naging YAHWEH at labag yon sa sinabi nya. dapat ata kung ano nakasulat sa hebrew yun ang gamitin para walang madagdag at mabawas. ano kaya sa salitang hebrew ang Ama, Diyos o Panginoon?
 
YHWH yan.. not Jehovah.
dahil walang vowels ang hebrew.
kaya yan nabigkas kasi nilagyan nila ng vowels at walang J sa Hebrew
 
sabi nyo po kasi dinagdagan yung YHWH kaya naging YAHWEH at labag yon sa sinabi nya. dapat ata kung ano nakasulat sa hebrew yun ang gamitin para walang madagdag at mabawas. ano kaya sa salitang hebrew ang Ama, Diyos o Panginoon?

bahala ka po ano gusto mong ipangalan :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.
Back
Top