What's new

Closed Usapang rice.

Status
Not open for further replies.
simula ng ma opo si duterte nag shortage at nagmahal ung bigas bigla. kumakain na kasi ung mga adik kaya nag ka ubosan na ng bigas, tssss.. dapat e finish nalng ehh :)
 
Kain na lang daw kayo ng may bukbok na rice sabi gobyerno para makatipid. :):):)
 
Last edited by a moderator:
dami rereklamo tungkol sa bigas, bigas lang ata,h alam nilang pagkain. bili nalang sila canton tyaka monay. busog na sila jan,
 
eto nanaman, basta nagmahal ang bigas sisi nanaman. Di mo ba alam yung mga rice traders itinatago nila sa bodega yung sako sakong bigas tapos ilalabas nila sa market pag sobrang mahal na para kumita cla? kaya ang sabi ng presidente ipaparaid nya yang mga warehouse na yan, kung may alam kang negosyanteng nagtatago ng mga bigas pwede mo ireport, o baka ang gustu mo yung plastic na bigas galing china?
 
Ugatin natin ang problema at ito ang solusyunan.
Masisipag ang magsasaka pero mahirap parin
= dahil sila ay napagsasamantalahan. Walang lupa, nangungupahan lang ng lupa, walang suporta ang gobyerno sa agrikultura. Kaya ang kinikita nila ay kulang pa pambayad sa mga inutang nila.

Bakit hindi ito pinapaunlad ng gobyerno?
- dahil ang gobyerno ay kontrolado ng dayuhan kapitalista at ang mga nakaupo sa gobyerno ay mga panginoon maylupa..
Dahil ang gusto ng mga dayuhan kapitalista ay pagtaniman ang lupa natin na para sa pangangailangan nila at hindi para sa pangangailangan natin.. Kaya ang bigas na dapat tayo ang nag eexport ay tayo pa ang kinukulang. Dahil kontrolado ang gobyerno ng dayuhan, papaasahin tayo sa produktong dayuhan. Sa ganoon paraan naman kumikita ang mga nanunungkulan.

Sana naintindihan niyo kung bakit ayaw nila paunlarin ang agrikultura sa bansa. Kung bakit 21st century na tayo kalabaw at araro parin ang gamit ng magsasaka natin

Kung naghahanap kayo ng solusyon sa problema ito. Patayin ang ugat ng paghihirap ng pilipino.. Paalisin ang mga dayuhan monopolyo, tanggalin ang mga kurap na ginagawang negosyo ang pagupo sa gobyerno at bawiin ang lupa na inangkin ng mga panginoon may lupa. Simulan ang sariling industriya ng pilipino.

Magagawa lamang ito kung babaguhin natin ang sistemang umiiral ngayon sa bansa ang kapitalismo tungo sa sosyalismo. Ang pagaalis sa mga private ownership papuntang pag aari ng lahat ng mamamayan.
 
Wag nyong diyusin ang gobyerno. Sisihin nyo at kalampagin ang gobyerno kapag naghihirap kayo dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Wag nyong ipasa sa iba ang sisi. Walang mangyayari kapag iba ang sinisi nyo dahil gobyerno lang ang may kapangyarihang solusyonan ang mga problemang yan. Kapag diniyos nyo ang gobyerno na parang hnd sya gumagawa ng mali, hindi yan magbabago. Dapat nating batikusin at magprotesta laban sa gobyerno. Yan mismo ang paraan para magimprove. Yan ang ginagawa ng mga mayayamang bansa sa Europe.

Hindi umuunlad ang mga bansa walang mga oposisyon, raliyista at basta na lang sumasang ayon sa kahit anong gawin gobyerno nila.

Uulitin ko. Dapat binabatikos ang gobyerno. Hindi yan dinidiyos.
 
kumain nalang tayo ng kamote at mais kesa bigas. Parang nuong World War II lang. Oh diba, mas sê×ÿ at payat pa mga tao nuon. Iboycott ang bigas. Hahaha.
 
Kapag kumakain ka ng alternative food sa halip na staple food habang ang mga ibang bansa sobra sobra ang pagkain, ibig sabihin naghihirap ang bansa.
 
Magagawa lamang ito kung babaguhin natin ang sistemang umiiral ngayon sa bansa ang kapitalismo tungo sa sosyalismo. Ang pagaalis sa mga private ownership papuntang pag aari ng lahat ng mamamayan.
Nanonood ka ba ng world news o nakapagbasa ng world history? Ang mga bansang sosyalista gaya ng Venezuela, nagugutom ngaun at walang makain. Mas mahal pa ang halaga ng toilet paper kesa currency nila.

Mga mga bansang nag embrace ng capitalism, milyon milyon ang naiahon na sa kahirapan gaya ng India.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top