What's new

Closed Ang tatlong payo

Status
Not open for further replies.

Rick Sanchez

Honorary Poster
Joined
Apr 29, 2018
Posts
303
Reaction
49
Points
143
Age
46
Take time to read kase this is my first post here in this forum..
Lagi ito yung kwento samen ni papa nung bata pa kami ng mga kapatid ko kaya gustong gusto namin tong paulit ulitin sakanya.. at first ayaw pa ni papa then makuklitan siya samen kaya ikukwento na niya.

So? tapos na yung intro ko kaya ito na yung story
ANG TATLONG PAYO
Sa isang malayong kaharian may isang prinsesa na napakaganda, sa sobrang ganda ng naturang prinsesa hindi mo pwedeng lapitan ng walang pahintulot sa hari. Sa kabila ng karangyaan ng mga royal family ay sa nasasakupan nilang mga baryo marami ang naghihirap, marami yung namamatay nalang sa gutom at marami din yung napapabayaan yung mga sarili nila. Kasama dito si Aga, si aga ay isa lamang sa mga taong di mariwasa. Isang araw napagdesisyonan ni aga na ibenta nalang ang natitirang kambing na alaga niya halos lahat ng madaanan niya di siya pinapansin hanggang sa may nakasalubong siyang matanda. sinabihan si aga na "anak, bibilhin ko yang alaga mo kapalit ng tatlong payo" sa unang banggit ng matanda hindi agad naniwala si aga sa sinabi nito kaya nagtanong siya "ano naman pong gagawin ko sa mga payo nyo?" mapangiti ang matanda sabay sabi ng "ibibigay ng diyos lahat ng gusto mo kung maniniwala ka sa mga ito".
Nagkasundo si aga at ang matanda at dahil sa maunawain si aga ay inuna niya ang kapakanan ng matanda bago ang sakanya. "ang unang payo ay WAG KANG MATUTULOG" "ang pangalawa ay MAGING MAPAGKUMBABA KA" "at ang huli ay WAG MONG IKAHIYA KUNG SINO KA". Umuwi ng bahay si aga ng parang walang nangyari at iniisip pa niya kung saan siya kukuha ng makakain.
Nagpunta siya sa isang palengke malapit sa palasyo nakikita niyang naguusap ang mga tao tungkol sa asawa ng prinsesa "ilang beses na siya magaasawa ah, halos lahat ng mga nagiging asawa ng prinsesa namamatay sa gabi ng kasal nila".
Sa sobrang pagmamadali ng hari na makahanap ng taong magiging asawa ng prinsesa ay nagpatipon ang hari sa palasyo at nagbigay siya ng mga pagsubok. Dahil matanda na ang hari ay gusto niyang makita na maayos ang kanyang anak bago ito pumanaw.
Sumali si aga sa pagtitipon na ito at maayos niya namang nakuha ang kamay ng prinsesa kaya ikinasal na agad sila sa patnubay ng hari. Kung hindi siya mamamatay kagaya ng mga huling napangasawa ng prinsesa siya talaga ang magiging tagapag mana ng mga ari-arian ng hari.
Kinagabihan... Inaya ng matulog ng prinsesa si aga at pumunta sa kanilang kwarto.
Naalala ni aga yung payo ng matanda sakanya na wag matutulog. kahit antok na antok na siya ay nakabantay sa gilid niya ang isang patalim kung sakaling may mangyaring masama. ginawa niya lahat ng makakaya niya upang hindi iya makatulog at saktong alas tres ng gabi ay may lumabas na isang napakalaking sawa sa kwarto ng prinsesa, ito pala yung alaga ng prinsesa na pumapatay na mga naging asawa nito. kinuha niya yung patalim sabay saksak sa sawa hanggang sa mamatay ito.
kinabukasan maganda ang gising ni aga dahil nasa isip niya na sakanya ng yung mana ng hari kaya naging maganda ang relasyon ni aga at ng prinsesa. at dahil sa pangalawang payo ay kahit na mayaman na siya ay hindi parin na nabuhay ng marangya naghanap parin siya ng trabaho na kahit maliit lang hanggang sa lumaki ng lumaki ang kanyang suweldo at napunta siya sa daungan ng barko kasama ang mga mayayaman na tao pero hindi kita sa itsura ni aga na mayaman siya dahil ang nasa isip niya ay "maging mayaman hindi magmukhang mayaman". Isang araw habang naguusap usap sila ng mga katrabaho niya nabanggit ni aga ng dadalhan ng asawa nyang prinsesa si aga ng baon. Pinagtatawanan siya ng mga katrabaho niya naisip ulit ni aga ang pangatlong payo na wag ikahiya ang sarili mo kaya ipinagmayabang niya ang asawa niya ay prinsesa hanggang sa nauwi sila sa pustahan "ipupusta ko ang lahat ng mga kayamanan ko" "ipupusta ko lahat ng mga yate ko" sabi ng mga katatrabaho ni aga.
hinintay nila ang pagdating ng asawa ni aga.
Nagulat sila sa nakita nila na may karwahe pa na nakasagala sa prinsesa at totoo nga ang sinasabi ni aga na prinsesa yung asawa niya at ayun napunta sakanya ang mga ariarian at mga yate ng kanyang mga katrabaho...

wakas~


 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top