1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Sleeping problem i need your opinions or suggestions, please.

Discussion started by Serenitylove, Sep 10, 2018.

  1. Gusto kong makatulog ng 9 or 10 pm kase may pasok ako the next day (nag-aaral parin po ako), kaya lang kahit anong pikit, baliktad ng unan at position, hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok. 3am-5am ako palagi nakakatulog. Kaya ang nangyayari, kung hindi ako late sa 7:30 ko na pasok, hindi ko na talaga napapasukan. Kaya palagi akong dropped sa subjects ko na pang umagahan. To be honest, magwawalong taon na po ako sa kolehiyo. Hindi naman ako **** sa katunayan, yong mga pangafternoon ko na subjects ay 2 to flat 1 pero kulang na kulang pa din talaga. Nakatanggap na din ako ng warning galing sa dean ko before enrollment na panghuling chance ko na to. Another 2 drops or failures ay hindi na nila ako tatanggapin. Minsan pumapasok ako kahit walang tulog. Kaya ang pinoproblema ko lang talaga ay tulog ko. Naging routine ko na yata maging zombie eh. Para akong nagaaddik na wala namang tinitira. Need ko na ba magtake ng sleeping pills? May masasuggest ba kayo about sa problema ko? Yong seryoso po na sagot kelangan ko. Maawa po kayo. Haha. Salamat.


    =================================
    Kakaloka ang mga sagot ng iba. Hahaha. Pero maraming salamat po sa mga sumagot. Every comment niyo ay binabasa ko. Hindi ko kayo mareplyan lahat, but I want you to know na sobrang appreciated ko po ang mga suggestions and opinions ninyo. :*
     
    Last edited: Sep 12, 2018
  2. Meowxx

    Meowxx Honorary Poster Established

    Pill kuys
     
    Serenitylove likes this.
  3. adema

    adema Eternal Poster Established

    sa sleeping habit mo po yan ts. yung body clock na tinatawag...
     
    natanyel and Serenitylove like this.
  4. Ylorcan_2018

    Ylorcan_2018 Addict Established

    magkaron ka po ng peace of mind para marelax isip mo at makatulog ng mahimbing
    i hope makatulong advice ko.
     
    Weyapapapa, Tatros1 and Serenitylove like this.
  5. Sa ipinoin ko lang po na change po yung body clock niyo. Kung anong oras po kayu matulog dahil po kasi nakasanayan niyo na po na matulog ng 3-5am same din po tayo dati ang ginawa ko lang po ay nag paka bored po ako walang gadgets tapos dinapuan na ako ng antok hangang nag dahan dahan na iyon na makaka tulog na ako ng 10pm
     
    Tatros1 and Serenitylove like this.
  6. adema

    adema Eternal Poster Established

    maski ako around 3-4am nakakatulog kaya kung may need ko matulog ng 9pm, makakailang ikot muna ko bago makatulog...inde ko namamalayan 3am na pala...:emoji_laughing:
     
    Serenitylove likes this.
  7. Wala ka sigurong ginagawa kaya di napapagod katawan mo try mo galawin yung katawan mo para mapagod ka at madaling antukin pag dating na matutulog kana.
     
  8. djdoolky76

    djdoolky76 PHC Master Established

    baka maingay ang TV at radyo sa bahay niyo? :emoji_joy: :emoji_thinking: subukan mo din patayin ang ilaw para comportable kang makatulog
     
    Tatros1 likes this.
  9. adema

    adema Eternal Poster Established

    yun pa palang isa. yung mga gadgets. may nabasa ako tungkol sa paggamit ng gadgets bago matulog...
     
  10. Try mo mag take sleeping pills every 9 or 10.. Hayaan mong mag adjust yung body mo sa oras nang pagtulog kahit minimal hours makatulog sa time na 9 or 10..
    Kung hindi talaga pacheck ka sa specialist..
     
  11. Black_01

    Black_01 Eternal Poster Established

    Hirap nyan madame ah....baka palagi ka naka babad sa gadget madame kaya hindi ka maka tulog .
     
  12. adema

    adema Eternal Poster Established

    korek. jogging kunware sa gabi. pagod ka nun...heheh
     
  13. Bakasyon ka sa lugar na walang technology or limited lang kagaya ng walang internet, 100% working to kahit mga 4 days lang, punta ka sa mga kamag-anak mo, gumana to sakin :emoji_thumbsup:
     
    amnairj likes this.
  14. Maeganda24

    Maeganda24 Addict Established

    Nagcut din ako ng classes before dahil dyan. :emoji_confounded: Hmm. Iwas phone pag nakahiga na. Iwas muna ng coffee. Or if wala talaga. Try mo magreset ng bodyclock. Mag allnighter ka or whatever. Pigilan ang antok hanggang 9-pm. Haha.
     
  15. iwas gadgets po muna mam tapos basa ka lang ng libro, pampaantok yan e o makinig sa classical music
     
  16. Maeganda24

    Maeganda24 Addict Established

    Listen to music. Yung classical instrumentals. Or ASMRs ng nature (rain, birds etc)
     
    matakeru21 and PHC Chan like this.
  17. navenz_01

    navenz_01 Addict Established

    pag gabi Ts medyu refrain na rin siguro ng pagamit ng cp yung bluelight kasi na eneemit ng smartphone nakaka disrupt ng tulog, patayin din ang ilaw kung matutulog pwede din naman yung mga dimlight lang, pag nasa bed nah huwag na gumamit ng cp. Regarding sa pills last option na yun TS and one thing huwag basta2x mag take ng any pill consult first sa Physician. Pills may cause dependency mahirap na atsaka bata kapa TS. Etrain mo sarili TS muna:) kaya yan
     
    Last edited: Sep 10, 2018
  18. 30mins or an hour bago matulog wag ka na gamit gadgets..
    Pero nasa tao talaga yan, iba iba sleeping habits e.
    For your case.. take ka na pills
     
  19. Gmlorenz

    Gmlorenz Eternal Poster Established

    iwasan ang pag experment ng bagong payload maam, instead of payload subukan mong e linis yung isipan nyo mag meditate kayo ..
     
  20. idim mu yung lights ng gadget mo tapos try mo gumising ng 5am hanggang 8pm sure ako bagsak ka niyan nga 1 week mu gawin .... masasanay kana .... ganyan din problem ku dati ngayun normal na kaya lang minsan need pigilan si antok dahil may gagawin pa :) ....

    or try off lights tapos pikit pikit mu mata mu :) and wag mag isip ng kung anu anu :)
     
    qwerty_mhigs and Serenitylove like this.
  1. PHCorner uses cookies to help personalise content and tailor your experience. By continuing to use this site, you are consenting to our use of cookies. Accept Learn More
    Dismiss Notice