What's new

Closed Tanong ng mga kabataan talaga bang masama ang pagmumura?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,218
Points
2,570
502015166_univ_lsr_xl.jpg

“Sanay na sanay na akong makarinig ng nagmumura kaya ’di na ako nagugulat. Parang normal na lang ’to.”—Christopher, 17.

“Noong bata pa ako, palagi akong nagmumura. Napakadali nitong makasanayan pero napakahirap namang ihinto.”—Rebecca, 19.

Quiz
  • Ano ang epekto sa iyo kapag naririnig mong nagmumura ang iba?
    • Wala lang—normal na ito sa akin.

    • Nakakailang—pero tanggap ko na.

    • Nakakainis—hindi ko talaga matanggap.
  • Nagmumura ka ba?
    • Hinding-hindi

    • Minsan

    • Madalas
  • Sa palagay mo, seryosong bagay ba ang pagmumura?
    • Oo

    • Hindi
Kung bakit ito mahalaga
Para sa iyo, seryosong bagay ba ang pagmumura? ‘Hindi naman,’ baka sabihin mo. ‘Maraming ibang bagay sa mundo na mas dapat problemahin. At saka, lahat naman ng tao ay nagmumura!’ Pero totoo ba talaga iyan?

Sa maniwala ka o hindi, maraming tao ang umiiwas sa paggamit ng masasamang salita. May mga alam kasi sila na hindi alam ng iba. Halimbawa:

  • Kapag nagmumura ka, mahahalata ang totoong pagkatao mo. Ipinakikita ng iyong pananalita kung ano ang nasa loob mo. Kapag nagmumura ka, ipinahihiwatig nito na wala kang pakialam sa damdamin ng iba. Ganiyan ba talaga ang pagkatao mo?

    Sabi ng Bibliya: “Ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • Kapag nagmumura ka, papangit ang tingin sa iyo ng iba. Sinasabi ng aklat na Cuss Control: “Nakadepende sa paraan ng pagsasalita natin kung sino ang magiging mga kaibigan natin, kung igagalang tayo ng mga kapamilya at katrabaho, ang kalidad ng ating ugnayan sa iba, kung paano tayo makaiimpluwensiya sa iba, kung makakakuha ba tayo ng trabaho o promotion, at kung paano tayo pakikitunguhan ng mga hindi natin kakilala.” Sinasabi rin nito: “Tanungin ang sarili kung posible kayang mas gaganda ang iyong kaugnayan sa iba kung hindi ka nagmumura.”

    Sabi ng Bibliya: ‘Alisin ninyo ang mapang-abusong pananalita.’—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • Kapag nagmumura ka, hindi ka kasing-cool na gaya ng inaakala mo. Sa kaniyang aklat na How Rude!, sinabi ni Dr. Alex Packer: “Nakakasawang pakinggan ang mga taong laging nagmumura.” Idinagdag niya na kung puro pagmumura ang nasa bokabularyo ng isa, “hindi iyon kakikitaan ng unawa, talino, dunong, o empatiya. Kung ang pananalita mo ay burara, malabo, at limitado, tiyak na magiging ganoon din ang iyong pag-iisip.”

    Sabi ng Bibliya: “Huwag lumabas ang bulok na pananalita mula sa inyong bibig.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang puwede mong gawin
  • Magtakda ng tunguhin. Sa loob ng isang buwan o mas maikli pa, subukang huminto sa pagmumura. Puwede mong ilista sa isang chart o kalendaryo ang iyong pagsulong. Pero para patuloy mong maabot ang iyong tunguhin, baka higit pa ang kailangan mong gawin. Halimbawa:

  • Iwasan ang mga libangang magpapasok ng masasamang salita sa iyong pag-iisip. Sinasabi ng Bibliya: “Ang masasamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na mga ugali.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi lang mga tao ang kabilang sa mga “kasama” kundi pati na rin ang mga libangan—mga pelikulang pinapanood mo, mga video game na nilalaro mo, at ang musikang pinakikinggan mo. Sinabi ni Kenneth na 17 anyos: “Napakadaling sabayan ang kantang gusto mo at kalimutang may mga mura sa lyrics nito—dahil lang sa maganda ang beat nito.”

  • Ipakitang matured ka. Ang ilan ay nagmumura dahil iniisip nilang magmumukha silang adulto. Pero kabaligtaran ang totoo. Sinasabi ng Bibliya na nasanay na ng mga matured na tao ang “kanilang mga kakayahan sa pang-unawa na makilala kapuwa ang tama at ang mali.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi nila ibinababa ang kanilang mga pamantayan para lang magpa-impress sa iba.
Ang totoo, ang pagmumura ay parang polusyon na nagkakalat ng maruruming kaisipan. Laganap na iyan sa mundo! “Huwag ka nang dumagdag pa,” ang mungkahi ng Cuss Control. “Gawin mo ang iyong buong makakaya para mabawasan ang maruruming pananalita. Gaganda ang pakiramdam mo sa iyong sarili, at gaganda rin ang tingin sa iyo ng iba.”

502015166_univ_cnt_2_xs.jpg
“Nakakasira sa iyong reputasyon ang pagmumura. Kung hindi ka makabuo ng mga pangungusap nang hindi nagmumura, ipinakikita lang nito na limitado ang bokabularyo mo.”—Jared.

502015166_univ_cnt_3_xs.jpg
“Puwede mong piliin kung paano ka magsasalita. Hindi ito laging madali, pero dapat ka munang mag-isip bago magsalita. Ang pagmumura ay isang masamang ugali na puwedeng ihinto.”—Jennifer.
 
Attachments

sa mga bata oo,,masama pakinggan,,sa ating may isip na,,normal na lang yung mag mura,,

pero mas ok mag mura yung bilihin,,haha
 
Puede gamitin yan sa kinauukulan pero kung hindi naman eh mali talaga.mura po ba ang salitang hangal?

Ezek.13:3 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga hangal na mga propeta, na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa, at walang nakitang anoman!

Yong mga propeta o mga pastor na nagsisisunod sa sarili nilang diwa...nagmumura po ba tayo pag tinawag natin silang mga hangal?

Dapat siguro alam natin ano yong pinagkaiba ng masakit na pananalita sa pagmumura anong salita ba na pag sinabi natin ay pagmumura na...ang alam ko kasing pagmumura ay yong PI na masama talagang sambitin pero yong mga masasakit na salita na sinabi ng mga apostol di naman masama na sabihin yon lalo na kung sa inuukulan talaga sasabihin.
Ano po ang itatawag natin dito sa mga ganitong mga pastor...hindi po tayo normal pag sinabi nating mababait ito:

Isa.56:11 Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.

Alam nyo po ba kung sino yang mga pastor na yan?

Rom.16:18 Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

Ayan po mga mandarayang pastor pala yan...kayo ng bahala kung anong salita ang itatawag nyo dyan...pinagloloko na nga tayo eh mabubuting salita parin ang itatawag...puro ka plastikan.
 
i think yung mura is yung mga vain words na sinasabi ng tao ngunit hindi naman talaga on purpose na tulad ng mga meaning yung mga words na masama

hindi ko nga alam kung bakit nagmumura ang tao hindi naman kailangan ng tao ang ganung walang kwentang mga salita napa isip tuloy ako before kung saan nag simula ang bad words as for us yung mga bad words natin mostly from spain idk san nakuha ng spain ang sakanila may nabasa akong articles they say yung badword starts with P in tagalog and B in english nanggaling daw sa isang convicted person ewan ko kung bakit pati ba naman taong murderer ginagaya ng mga na unang pilipino

now na mana natin yun and now we spout those nonsense evem though most of us don't really know what it means
 
Puede gamitin yan sa kinauukulan pero kung hindi naman eh mali talaga.mura po ba ang salitang hangal?

Ezek.13:3 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga hangal na mga propeta, na nagsisisunod sa kanilang sariling diwa, at walang nakitang anoman!

Yong mga propeta o mga pastor na nagsisisunod sa sarili nilang diwa...nagmumura po ba tayo pag tinawag natin silang mga hangal?

Dapat siguro alam natin ano yong pinagkaiba ng masakit na pananalita sa pagmumura anong salita ba na pag sinabi natin ay pagmumura na...ang alam ko kasing pagmumura ay yong PI na masama talagang sambitin pero yong mga masasakit na salita na sinabi ng mga apostol di naman masama na sabihin yon lalo na kung sa inuukulan talaga sasabihin.
Ano po ang itatawag natin dito sa mga ganitong mga pastor...hindi po tayo normal pag sinabi nating mababait ito:

Isa.56:11 Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.

Alam nyo po ba kung sino yang mga pastor na yan?

Rom.16:18 Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

Ayan po mga mandarayang pastor pala yan...kayo ng bahala kung anong salita ang itatawag nyo dyan...pinagloloko na nga tayo eh mabubuting salita parin ang itatawag...puro ka plastikan.

pastol po ang tinutukoy sa mga talatang nabanggit, hindi pastor.
 
San po bro.sa mga talatang nabanggit yong pastol kasi pastor naman yong nakalagay eh.
Isaiah 56:11 King James Version (KJV)
11 Yea, they are greedy dogs which can never have enough, and they are shepherds that cannot understand: they all look to their own way, every one for his gain, from his quarter.

ang tinutukoy po ay "shepherds" sa tagalog pastol. ang Pastor sa ingles ay "PASTOR" pa rin, nangangahulugan ng inordenahang lider ng isang kongregasyong kristiyano "tagapagturo".

kung ang pagbabasehan mo lamang ang ay tagalog na salin ng biblia na ginawa ng mga romano katoliko at di mo lubos na uunawain ikaw ay maaaring sumang ayon agad dito.
 
Ito bro.galing sa interlinear bible tama pa rin ang salin ng KJV sa tagalog ,hindi lang shepered ang meaning nyan:

Screenshot_2018-09-11-21-13-17.png

Ano ba yan...sege bro.goognyt...salamat.
 
Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top