1. Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as:

    All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Trivia Talaga bang salita ng diyos ang bibliya?

Discussion started by Gentleman007, Sep 8, 2018.

  1. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established

    [​IMG]

    Maaasahan mong natatangi ang Salita ng Diyos, at ganoon nga ang Bibliya. Bilyun-bilyong kopya nito ang naimprenta na sa daan-daang wika. Ang karunungan sa Bibliya ay may kapangyarihang magpabago sa mga tao.—Basahin ang You must be logged in to view this contentYou must be logged in to view this content.

    Alam natin na mula sa Diyos ang Bibliya dahil tumpak ang sinasabi nito tungkol sa mangyayari sa hinaharap. Walang sinumang tao ang makagagawa niyan. Kunin nating halimbawa ang aklat ni Isaias. Isang kopya nito na ginawa mahigit isang siglo bago ipanganak si Jesus ang natagpuan sa isang kuweba malapit sa Dagat na Patay. Sinasabi nito na ang lunsod ng Babilonya ay hindi na titirhan. Unang nangyari ang hulang iyan maraming taon pagkatapos ng ministeryo ni Jesus sa lupa.—Basahin ang You must be logged in to view this contentYou must be logged in to view this content.

    Paano isinulat ang Bibliya?
    Ang Bibliya ay isinulat sa loob ng mga 1,600 taon. Iisa ang tema na isinulat ng mga 40 manunulat nito at hindi ito nagkakasalungatan. Paano nangyari iyon? Ginabayan sila ng Diyos.—Basahin ang You must be logged in to view this content.

    Kung minsan, nakikipag-usap ang Diyos sa mga manunulat ng Bibliya sa pamamagitan ng mga anghel, pangitain, o panaginip. Karaniwan nang inilalagay ng Diyos ang kaisipan niya sa isip ng manunulat at hinahayaan niya itong pumili ng gagamiting mga salita sa paghahayag ng mensahe ng Diyos.—Basahin ang You must be logged in to view this contentYou must be logged in to view this content.
     
  2. Ang Lupit

    Ang Lupit Forum Veteran Established

    sabi mo ts ang biblia ay galing sa dios.

    tanong po saan po mababasa sa biblia na ang biblia ay inangkin ng dios na kanyang salita o galing sa kanya?

    kung ang biblia po ay galing sa dios. ang lahat ba ng laman nyan ay salita o galing sa dios?
     
  3. Jomsiie

    Jomsiie Addict Established

    BiBLE is the living words of GOD.
     
  4. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established

    “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay, sa pagdidisiplina sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging lubos na may kakayahan, lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.”—You must be logged in to view this content.
     
    PHKiD and tobderone like this.
  5. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established

    Kaisipan ba ng Diyos ang Laman ng Bibliya?


    Ang sagot ng Bibliya

    Maraming manunulat ng Bibliya ang nagsabi na galing sa Diyos ang isinulat nila. Pansinin ang ilang halimbawa:

    • Haring David: “Ang espiritu ni Jehova ang nagsalita sa pamamagitan ko, at ang kaniyang salita ay nasa aking dila.”—You must be logged in to view this content.

    • Propeta Isaias: “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoon, si Jehova ng mga hukbo.”—You must be logged in to view this content.

    • Apostol Juan: “Isang pagsisiwalat ni Jesu-Kristo, na ibinigay ng Diyos sa kaniya.”—You must be logged in to view this content.
     
  6. Ang Lupit

    Ang Lupit Forum Veteran Established

    ts sabi mo ang biblia ay mula sa dios. hindi ko po tinatanong kung kinasihan. malinaw ang tanong ko po

    uulitin ko
    tanong po saan po mababasa sa biblia na ang biblia ay inangkin ng dios na kanyang salita o galing sa kanya?

    kung ang biblia po ay galing sa dios. ang lahat ba ng laman nyan ay salita o galing sa dios?

    ang TIMOTEO 3:16, 17 ay malaking problema mo jan kung totousin dahil pati ang mga error sa biblia pati biblia ng katoliko na iba sa inyo ay lalabas na kinasihan din paki sagot po ng deretso
     
    Boogeyman1721 likes this.
  7. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established

    Alam mo ba ang ibig sabihin ng kinasihan?
     
  8. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established


    Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos.. yan ang sagot ko.
     
  9. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established

    Alam mo ba kung ilang kasulatan ang nasa bible?
     
  10. Ang Lupit

    Ang Lupit Forum Veteran Established

    ts pakisagot po ang tanong ko. ang timoteo po kung totousin ay sulat yan ni pablo. malinaw po ang tanong at uulitin ko po.
    tanong po saan po mababasa sa biblia na ang biblia ay inangkin ng dios na kanyang salita o galing sa kanya?

    kung ang biblia po ay galing sa dios. ang lahat ba ng laman nyan ay salita o galing sa dios?

    napaka semple po ng tanong ko.
     
    Boogeyman1721 likes this.
  11. Ang Lupit

    Ang Lupit Forum Veteran Established

    paki sagot po ng tanong ko. hindi ko po tinatanong kung ilan ang kasulatan ang nasa bible. ang tanong ko ay kung inangkin ng dios ang bible. dahil yan ang madalas o laging sinasabi na ang biblia DAW ay salita ng dios o galing sa dios
     
    Boogeyman1721 likes this.
  12. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established

    Sinabi na nga ng writer eh na kinasihan ng Diyos ang lahat ng kasulatan.. ibig sabihin ang 66 na aklat ng bible ay galing sa Diyos... lahat ng impormasyon na nakalagay sa bible ay inamin nya na galing sa Diyos... so, pinasulat iyon ng Diyos kay pablo.
     
    leobb3 likes this.
  13. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established

    Ang Bibliya ay “kinasihan ng Diyos.” (You must be logged in to view this content) Sa anong paraan? Ang Bibliya mismo ang sumasagot: “Ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos habang ginagabayan sila ng banal na espiritu.” (You must be logged in to view this content) Upang ilarawan: Maaaring magpagawa ng sulat ang isang negosyante sa kaniyang sekretarya. Nilalaman ng sulat na iyon ang mga kaisipan at tagubilin ng negosyante. Samakatuwid, sulat niya talaga ito, hindi ng sekretarya. Sa katulad na paraan, nilalaman ng Bibliya ang mensahe ng Diyos at hindi ng mga lalaking sumulat nito. Kaya ang buong Bibliya ay tunay na “salita ng Diyos.”—You must be logged in to view this content.
     
  14. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established

    Binigyan tayo ng Diyos ng kakayahan na mag isip o common sense... kaya para sakin malinaw na yan... ewan ko lang sa iba na naghahanap ng butas sa salita ng Diyos
     
  15. Ang Lupit

    Ang Lupit Forum Veteran Established

    hindi mo parin talaga sinagot. sabi ko sayo napaka semple ng tanong ko. at sabi ko rin sayo na ang timoteo ay malaki ang problema mo jan. alam ko kayong mga jw ay inaangkin ang ibang version ng biblia na salita din ng dios. paano ang biblia na 73 ang laman ltaliwas ito sa 66 ng mga prostetante. at my biblia pa na 83 ang laman?
     
  16. Ang Lupit

    Ang Lupit Forum Veteran Established

    o asan parin jan sa nilatag mo na inangkin ng dios na ang biblia ay kanyang salita o galing sa kanya? eh ang nilalatag mo ay kinasihan. taliwas ito sa tanong ko na inaangkin mo naman na ang biblia kamo ay galing sa dios?
     
  17. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established


    ang bible sakanya yan.. pag isipan mo ito gagabayan ba ng kanyang holy spirit ang mga writer nito kung hindi sakanya ang bible?
    Hindi nya inangkin ito... sakanya ito bakit naman aangkinin ng Diyos ang isang bagay na hindi naman sakanya hindi ba?
     
    KLBS likes this.
  18. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established

    Kaya nga may mga manuscript para makita kung alin sa mga yan ang talagang salita ng Diyos eh,., alm mo ba yung mga codex? Pag aralan mo yun
     
  19. Gentleman007

    Gentleman007 Addict Established

    Ang paraan para maunawaan ang salita ng Diyos ay kapakumbabaan kapag wala yan hindi mo talaga mauunawaan yan... tapat pusong tao lang ang makakaunawa nito at makakaalam ng katotohanan,. hindi ang mga taong mapagmataas na may tanong na may halong panunubok o parang sya lang ang magaling at may alam.. salamat,
     
    regie0002 and Jhaybi like this.
  20. Ang Lupit

    Ang Lupit Forum Veteran Established

    ts. ni screenshot ko to kasi nakaligtaan ko. sabi mo galing sa dios kc pinasulat kay pablo. eh kagaya nalang nito na sariling salita ni pablo walang kinalaman ang dios dito eh

    1 cor 7:25
    Ngayon, tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon: nguni't ibinibigay ko ang aking pasiya, na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan.

    yan ba kinasihan ng dios ang sariling salita TAKE NOTE sariling salita ni pablo?
     
Tags:
  1. PHCorner uses cookies to help personalise content and tailor your experience. By continuing to use this site, you are consenting to our use of cookies. Accept Learn More
    Dismiss Notice