What's new

Closed Tanong ng mga kabataan bakit dapat iwasan ang ****ograpya?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
502014198_univ_lsr_xl.jpg


TANONG NG MGA KABATAAN

Bakit Dapat Iwasan ang ****ograpya?
  • Kaya mo ba?

  • Mga maling akala at ang totoo

  • Kung paano iiwasan ang ****ograpya
Kaya mo ba?
Kapag nag-i-Internet ka, asahan mong makakakita ka ng ****ograpya. “Hindi mo na ’to kailangang hanapin,” ang sabi ng 17-anyos na si Hayley. “Kusa itong bubulaga sa iyo.”

Puwedeng matukso sa ****ograpya kahit ang mga determinadong umiwas dito. “Sabi ko sa sarili ko, mag-iingat ako, pero hindi ko rin nagawa,” ang sabi ni Greg, 18 anyos. “Hindi mo masasabing ’di ito mangyayari sa ’yo.”

Sa ngayon, mas madali nang ma-access ang ****ograpya. At mula nang mauso ang sexting, marami nang tin-edyer ang gumagawa at nagpapakalat ng sarili nilang ****ograpya.

Tandaan: Mas malaking hamon ang napapaharap sa iyo kaysa sa mga magulang o mga lolo’t lola mo noong kaedad mo sila. Ang tanong, Kaya mo bang umiwas sa ****ograpya?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang sagot ay oo—kung gugustuhin mo. Pero dapat, kumbinsido ka muna na masama ang ****ograpya. Tingnan natin ang ilang maling akala at kung ano ang totoo tungkol sa paksang ito.

Mga maling akala at ang totoo
Maling akala: Walang masamang epekto sa akin ang ****ograpya.

Ang totoo: Ang epekto ng ****ograpya sa iyong isip ay katulad ng epekto ng sigarilyo sa iyong bagà. Pinarurumi ka nito. Sinisira nito ang isang bagay na ginawa ng Diyos para magsilbing matibay at namamalaging buklod sa pagitan ng dalawang tao. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa katagalan, magiging manhid ka na sa kung ano ang tama at mali. Halimbawa, sinasabi ng ilang eksperto na ang mga lalaking laging nanonood ng ****ograpya ay mas malamang na maging manhid pagdating sa karahasan laban sa kababaihan.

502014198_univ_cnt_1_lg.jpg
Sinasabi ng Bibliya na may mga taong “nawalan na ng lahat ng pakiramdam sa moral.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Manhid na ang kanilang budhi kung kaya hindi na sila nakokonsiyensiya sa paggawa ng masasamang bagay.

Maling akala: Matuturuan ka ng ****ograpya tungkol sa ***.

Ang totoo: Kasakiman ang itinuturo sa iyo ng ****ograpya. Pinalilitaw nito na ang mga tao ay mga bagay lang na para sa pansariling kasiyahan ng isa. Kaya naman ayon sa isang pag-aaral, ang mga taong nakagawian na ang panonood ng ****ograpya ay malamang na hindi na masiyahan sa pakikipag-*** kapag nag-asawa na sila.

Inuutusan ng Bibliya ang mga Kristiyano na umiwas sa “pakikiapid, karumihan, pita sa sekso, nakasasakit na pagnanasa, at kaimbutan”—mga bagay na itinataguyod ng ****ograpya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Maling akala: Masyado lang konserbatibo ang mga umiiwas sa ****ograpya.

Ang totoo: Ang mga umiiwas sa ****ograpya ay may mataas na pangmalas sa ***. Para sa kanila, regalo ito ng Diyos para mapatibay ang buklod sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na nagpakasal at nagsumpaan sa isa’t isa. Ang mga may ganitong pangmalas ay malamang na higit na masiyahan sa pakikipag-*** kapag nag-asawa na sila.

Prangka ang Bibliya pagdating sa ***. Halimbawa, sinasabi nito sa mga asawang lalaki: “Magsaya ka sa asawa ng iyong kabataan ... Sa kaniyang pag-ibig ay lagi ka nawang magtamasa ng masidhing ligaya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kung paano iiwasan ang ****ograpya
Paano kung sa tingin mo ay napakalakas ng tuksong tumingin sa ****ograpya? Makatutulong sa iyo ang worksheet na “You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..”

Kaya mong iwasan ang tuksong tumingin sa ****ograpya. Kaya mo ring ihinto ang panonood ng ****ograpya kahit nasimulan mo na ito. Makikinabang ka nang husto kapag ginawa mo iyon.

Tingnan natin ang karanasan ni Calvin, na umaming nakagawian na niyang manood ng ****ograpya mula pa noong mga 13 anyos siya. “Alam kong mali ’yon,” ang sabi ni Calvin, “pero talagang ’di ko mapigilang tumingin. Pagkatapos naman, nagi-guilty ako. Nang bandang huli, nalaman ito ng tatay ko—at sa totoo lang, nakahinga ako nang maluwag! Sa wakas, may makakatulong na sa ’kin.”

Natutuhan ni Calvin kung paano umiwas sa ****ograpya. Sabi niya: “Napakalaking pagkakamali ang manood ng ****ograpya. Hanggang ngayon, pinagbabayaran ko ito dahil sumasagi pa rin sa isip ko ang mga larawang iyon. Kung minsan, naiisip ko kung ano kaya ang makikita ko kapag tumingin uli ako sa mga bagay na ’di ko dapat tingnan. Pero maiisip ko na napakasaya, napakalinis, at napakaganda ng kinabukasan ko kung gagawin ko ang nakalulugod kay Jehova.”
 

Attachments

Sisihin mo rin yung ibang girl na post ng post ng sus* tapos sasabihin i love God daw
 
ano po ang "OGRAPYA"?:)
sorry po noob lang:)
ang ****ograpya ay binibigyang-kahulugan bilang “paglalarawan ng erotikong paggawi sa mga aklat, larawan, estatuwa, pelikula, atb., na may layuning pumukaw sa seksuwal na paraan.”
 
Last edited by a moderator:
ANG TOTOO TUNGKOL SA ****OGRAPYA
BAWAT SEGUNDO: Halos 30,000 tao ang tumitingin sa ****ograpikong mga Web site.

BAWAT MINUTO: Ang mga gumagamit ng Internet ay nagpapadala ng mahigit 1.7 MILYON na ****ograpikong e-mail.

BAWAT ORAS: Halos DALAWANG video ng detalyadong paglalarawan sa ****ograpya ang inilalabas sa Estados Unidos.

BAWAT ARAW: Sa Estados Unidos pa lang, may average na DALAWANG MILYON na ****ograpikong pelikula ang nirerentahan.

BAWAT BUWAN: Halos 9 sa bawat 10 kabataang lalaki at 3 sa bawat 10 kabataang babae sa Estados Unidos ang nanonood ng ****ograpya.

BAWAT TAON: Kumikita ng tinatayang $100 BILYON (U.S.) ang industriya ng ****ograpya sa buong daigdig.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top