What's new

Closed Kailan ang katapusan ng mundo?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
502016161_univ_sqr_xl.jpg

Ang sagot ng Bibliya
Para malaman kung kailan ang katapusan ng mundo, mahalagang maunawaan kung paano ginagamit ng Bibliya ang terminong “mundo” o “sanlibutan.” Ang salitang Griego na koʹsmos, na karaniwang isinasalin na “sanlibutan,” ay kadalasang tumutukoy sa sanlibutan ng sangkatauhan, lalo na sa mga taong hiwalay sa Diyos at salungat sa kaniyang kalooban. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung minsan, ang koʹsmos ay tumutukoy sa sistema ng lipunan ng tao.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Ano ang “katapusan ng mundo”?
Ang pananalitang “katapusan ng mundo,” na lumilitaw sa maraming salin ng Bibliya, ay maaari ding isalin na “katapusan ng sistema ng mga bagay,” o “katapusan ng panahon.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Hindi ito nangangahulugan ng pagkapuksa ng lupa o ng lahat ng tao, kundi ng katapusan ng sistema ng lipunan ng tao.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Itinuturo ng Bibliya na “ang mga manggagawa ng kasamaan ay lilipulin” upang magkaroon ng masayang buhay sa lupa ang mabubuting tao. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pagkapuksang ito ay mangyayari sa “You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.,” na magtatapos sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kailan ang katapusan ng mundo?
Sinabi ni Jesus: “May kinalaman sa araw at oras na iyon ay walang sinuman ang nakaaalam, kahit ang mga anghel sa mga langit kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinabi pa niya na ang pagdating ng wakas ay di-inaasahan, “sa oras na hindi ninyo iniisip.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kahit na hindi natin alam ang eksaktong araw at oras, nagbigay si Jesus ng “tanda,” o mga pangyayari, na magpapakilala sa yugto ng panahon na hahantong sa katapusan ng mundo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tinatawag ng Bibliya ang yugtong ito bilang ang “panahon ng kawakasan,” “panahon ng wakas,” at “You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; Biblia ng Sambayanang Pilipino; You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

May matitira pa ba makalipas ang katapusan ng mundo?
Mayroon. Naririto pa rin ang lupa, sapagkat sinasabi ng Bibliya na “hindi ito makikilos hanggang sa panahong walang takda, o magpakailanman.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) At ang lupa ay mapupunô ng mga tao, gaya ng pangako ng Bibliya: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ibabalik ng Diyos ang mga kalagayan ayon sa kaniyang orihinal na layunin:

 

Attachments

May kataposan ang mundo dahil din sa mga taong walang deciplina sinisira ang ating kalikasan kaya unti unti na itong nasisira at gugunaw
 
May kataposan ang mundo dahil din sa mga taong walang deciplina sinisira ang ating kalikasan kaya unti unti na itong nasisira at gugunaw
Magugunaw Ba ang Mundo?

Ang sagot ng Bibliya


Hindi. Hindi magugunaw ang mundo at hindi rin ito papalitan. Itinuturo ng Bibliya na nilikha ng Diyos ang lupa para tirhan magpakailanman.

  • “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • “Itinatag [ng Diyos] ang lupa sa mga tatag na dako nito; hindi ito makikilos hanggang sa panahong walang takda, o magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • “Ang lupa ay nananatili maging hanggang sa panahong walang takda.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

  • “Siya . . . na Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito; siya na nagtatag nito nang matibay, na hindi niya nilalang na walang kabuluhan, na nag-anyo nito upang tahanan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Tuluyan bang masisira ng tao ang lupa?
Hindi hahayaan ng Diyos na tuluyang masira ng tao ang lupa dahil sa polusyon, digmaan, o iba pang bagay. Sa halip, ‘ipapahamak niya ang mga nagpapahamak sa lupa.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Paano niya iyon gagawin?

Ang gobyerno ng tao, na hindi kayang magprotekta sa lupa, ay papalitan ng Diyos ng isang perpektong You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang Kahariang iyon ay pamamahalaan ni Jesu-Kristo, ang Anak ng Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Noong nasa lupa si Jesus, ipinakita niya na may kapangyarihan siya sa kalikasan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bilang Hari ng Kaharian ng Diyos, lubusang pamamahalaan ni Jesus ang lupa at kokontrolin niya ang mga elemento nito. Ibabalik niya ang lupa sa dating kalagayan nito gaya ng sa hardin ng Eden noon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Hindi ba itinuturo ng Bibliya na masusunog sa apoy ang lupa?
Hindi. Ang maling paniniwalang iyon ay karaniwan nang dahil sa maling pagkaunawa sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., na nagsasabi: “Ang mga langit at ang lupa sa ngayon ay nakalaan sa apoy.” Tingnan ang dalawang mahahalagang punto na tutulong sa ating maintindihan ang pananalitang iyon:

  1. Ginagamit ng Bibliya ang mga terminong “langit,” “lupa,” at “apoy” para tumukoy sa iba pang bagay. Halimbawa, sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ang buong lupa ay nagpatuloy na iisa ang wika.” Ang “lupa” rito ay tumutukoy sa lipunan ng tao.

  2. Ipinapakita ng konteksto ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. kung ano ang ibig sabihin ng langit, lupa, at apoy na binanggit dito. Ang pananalita rito ay ikinumpara ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. sa Baha noong panahon ni Noe. Napuksa ang sanlibutan noon, pero hindi naglaho ang planeta natin. Sa halip, tinangay ng baha ang marahas na lipunan ng tao, o “ang lupa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Winasak rin nito ang isang uri ng “langit”—ang mga taong namamahala sa lipunang iyon. Kaya masasamang tao ang nawala, hindi ang planeta natin. Nakaligtas si Noe at ang pamilya niya sa pagkapuksa ng sanlibutang iyon at tumira sila sa lupa pagkatapos ng Baha.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Gaya ng Baha, ang pagkapuksa, o “apoy,” sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ng masasamang tao, at hindi sa planetang Lupa. Nangako ang Diyos ng “bagong langit” at “bagong lupa” kung saan “tatahan ang katuwiran.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang “bagong lupa,” o bagong lipunan ng tao, ay pamamahalaan ng “bagong langit,” o bagong gobyerno—ang Kaharian ng Diyos. Sa pamamahala ng Kahariang iyon, ang lupa ay magiging isang mapayapang paraiso.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Nilikha ang earth para saan?
Kulungan ng mga anghel..diba anghel tayo ikinulong lang dito dahil sa di matatawarang nagawa natin kasalanan sa langit..kung saan ang buhay ng tao sa earth ay panandalian lang..
 
Nilikha ang earth para saan?
Kulungan ng mga anghel..diba anghel tayo ikinulong lang dito dahil sa di matatawarang nagawa natin kasalanan sa langit..kung saan ang buhay ng tao sa earth ay panandalian lang..
ang lupa ay nilalang ng Diyos para maging tirahan ng tao magpakailanman. Pupunuin ito ng masunuring mga tao, aalagaan nila ito at mabubuhay sila roon nang walang hanggan.
 
paano kung sinakop tayo ng alien?
Hindi totoo ang alien.
Ganto sabi ng bible: Ang Bibliya ay nagbababala na si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ay may layon na iligaw ang sangkatauhan. Sinasamantala nila ang mapanglaw at walang pag-asang kalagayan ng sangkatauhan upang mag-alok ng kaakit-akit, ngunit huwad, na mga solusyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya naman, ang Bibliya ay nagbababala: “Sa huling mga yugto ng panahon ang ilan ay hihiwalay mula sa pananampalataya, na nagbibigay-pansin sa nagliligaw na kinasihang mga kapahayagan at mga turo ng mga demonyo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Heb.12:26 Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa: datapuwa't ngayo'y nangako siya, na nagsasabi, Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa, kundi pati ng langit.
12:27 At itong salita, Minsan pang, ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig.

Di ba nayayanig ang lupa,ibig sabihin mawawala to pati nga langit nayayanig din parihas pala sila mawawala.
 
Science?? Ang biblia kumpleto kung siyensya ang pag uusapan... Ang ibon ginaya ng siyensya eroplano...at marami pang ibang bagay na kinopya sa kalikasan... Ang pinaka kalalimlaliman at ang kataas taasan wala pa siyensya ang nakaka alam.. Napaka liit na porsyento pa lng ang nalalaman ng siyensya..
 
Ang paglalang sa 7 araw sa genesis, ito siyensya na... Unang araw hindi ibig sbhin 24 oras sa atin mundo kundi isang araw sa Diyos.. 1000 taon sa atin.. Kaya maraming nagpapaliwanag na 24 oras lng ang unang araw ng paglalang iba sa scientist di naniniwala sa genesis kc hindi nman tlga 24 0ras lng ang bawat isang araw n mga paglalang.
 
26c71c936d.jpg

Ang
mga SAKSI NI JEHOVA ay may kakaibang paniniwala tungkol sa nalalapit na muling pagparito ni Cristo na siya ring ARAW NG PAGHUHUKOM. Para sa kanila ang LUPA o ang DAIGDIG na ito ay hindi masisira kundi ito’y magiging BAGONG PARAISO. At madalas na iya’y makikita natin sa kanilang mga publikasyon (BANTAYAN at GUMISING at iba pang mga aklat). Isang makulay at napagandang paraiso na kung saan ang mga tao ay maligaya, maamo ang mga hayop, at isang napakagandang daigdig na kung tawagin nga nila’y BAGONG KALAKARAN.

At siyempre upang makahikayat ng tao at patunayan na ang paniniwala nilang ito’y totoo, sila’y gumagamit din ng Biblia, bagamat walang mababasang tuwiran o diretsahan sa Biblia tungkol sa isang BAGONG PARAISONG DAIGDIG, ay may mga talata silang ginagamit na tumutukoy daw dito, narito ang isa:

Ecclesiastes 1:4 “Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”

Ginagamit nila ang talatang ito upang patunayan na ang mundong ito diumano ay hindi WAWASAKIN ni JEHOVAH at ito’y gagawing isang BAGONG PARAISO.

6300a030e9.jpg

Kaya nga ang mga matatapat na mga SAKSI raw na hindi kabilang sa 144,000 [mga tanging tao lamang na aakyat sa langit] ay magmamana ng LUPANG PARAISONG ito, at may ginagamit din sila siyempreng talata:

Mateo 5:5 “Mapapalad ang maaamo: sapagka't MAMANAHIN NILA ANG LUPA.”

Na iniuugnay din nila sa talatang ito:

Awit 37:29 “MAMANAHIN NG MATUWID ANG LUPAIN, at tatahan doon magpakailan man.”

Subalit kahit ang mga kaibigan nating mga SAKSI NI JEHOVAH ay hindi tututol na sa Biblia ay WALANG SALUNGATAN o WALANG KONTRADIKSIYON.

Bakit po natin nasabi iyon? kasi may sinabi ang PANGINOONG JESUCRISTO na ganito eh:

Mateo 24:35 “ANG LANGIT AT ANG LUPA AY LILIPAS, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.”

Kung ang LUPA AY LILIPAS sabi ni Cristo, bakit sabi sa Ecclesiastes 1:4 ang LUPA AY MANANATILI? Hindi ba lalabas niyan na KINONTRA NI CRISTO ang sinabi sa aklat na iyon?


Subalit gaya nga ng ating nasabi na, na sa Biblia kailan man ay hindi magkakaroon ng KONTRADIKSIYON.

Samakatuwid ang tinutukoy ni CRISTO na LUPANG LILIPAS ay iba sa LUPANG sinasabi sa Ecclesiastes na LUPANG MANANATILI. Kasi nga kung sasabihin na pareho sila ng LUPA na tinutukoy lalabas ngayon na ito’y isang NAPAKALAKING SALUNGATAN o KONTRADIKSIYON.

Kaya ating liwanagin, alin ba iyong LUPA na binabanggit ni Cristo na lilipas, at papaano ba ito lilipas?

2 Pedro 3:10 “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, AT ANG LUPA AT ANG MGA GAWANG NASA LUPA AY PAWANG MASUSUNOG.”

2 Pedro 3:7 “Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ANG LUPA, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay ININGATANG TALAGA SA APOY, NA ITINATAAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM AT NG PAGLIPOL SA MGA TAONG MASAMA.”

Maliwanag kung gayon na ang lupang tinutukoy ni Cristo na lilipas ay ang DAIGDIG na ito na ating tinitirhan ngayon, ito ay WAWASAKIN ng Diyos sa pamamagitan ng PAGSUNOG dito, na ito nga ay magaganap sa ARAW NG PAGHUHUKOM o iyong PAGLIPOL SA LAHAT NG TAONG MASAMA.

At ang sinabing ito ni Apostol Pedro ay suportado mismo ng Panginoong Diyos, ganito ang sabi sa aklat ng Propetang si Zefanias:

Zefanias 1:2 “AKING LUBOS NA LILIPULIN ANG LAHAT NA BAGAY SA IBABAW NG LUPA, SABI NG PANGINOON.”

Zefanias 1:3 “Aking lilipulin ang tao at ang hayop; aking lilipulin ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, at ang mga katitisuran na kasama ng mga masama; at aking ihihiwalay ang tao sa ibabaw ng lupa, sabi ng Panginoon.”

Zefanias 1:14 “Ang dakilang kaarawan ng Panginoon ay malapit na, malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay sumisigaw roon ng kalagimlagim.”

Zefanias 1:15 “Ang araw na yaon ay kaarawan ng kapootan, kaarawan ng kabagabagan at kahapisan, kaarawan ng kawakasan at kasiraan, kaarawan ng kadiliman at kalumbayan, kaarawan ng mga alapaap at pagsasalimuot ng kadiliman,”

Zefanias 1:18 “Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ANG BUONG LUPAIN AY MASUSUPOK SA PAMAMAGITAN NG APOY NG KANIYANG PANINIBUGHO: SAPAGKA'T WAWAKASAN NIYA, OO, ISANG KAKILAKILABOT NA WAKAS, NILANG LAHAT NA NAGSISITAHAN SA LUPAIN.”

Kaya maliwanag na NAGKAMALI ng PAGKAUNAWA ang mga KAIBIGAN nating mga SAKSI NI JEHOVA. Maliwanag kung gayon na ang tinutukoy na LUPA NA MANANATILI ay HINDI ang DAIGDIG na ito, maliwanag na maliwanag na ang MUNDONG ITO AY WAWASAKIN AT WAWAKASAN NG DIYOS…ISANG MALINAW NA KATIBAYAN NA HINDI ITO ANG LUPANG TINUTUTUKOY NA MANANATILI SA Ecclesiastes 1:4.

Eh kung gayon ano iyong LUPANG MANANATILI na tinutukoy sa aklat ng Ecclesiastes na siya ring sinasabi na mamanahin sa Mateo 5:5 at Awit 37:29?

Hebreo 11:16 “NGUNI'T NGAYON AY NAGNANASA SILA NG LALONG MAGALING NA LUPAIN, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG SA LANGIT: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”

Ang LUPA o LUPAIN na sinasabing MANANATILI magpakailan man na MAMANAHIN ng mga MALILGTAS ay ang MAS LALONG MAGALING NA LUPAIN NA NASA LANGIT.

Hindi ang lupa o ang daigdig na ito ang ibibigay sa mga maliligtas upang kaniyang tahanan magpakailanman kundi ang BAGONG LANGIT at ang BAGONG LUPA ang BAYANG BANAL, ang BAGONG JERUSALEM.

Apocalypsis 21:1-4 “AT NAKITA KO ANG ISANG BAGONG LANGIT AT ANG ISANG BAGONG LUPA: SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM; AT ANG DAGAT AY WALA NA. AT NAKITA KO ANG BAYANG BANAL, ANG BAGONG JERUSALEM, NA NANANAOG MULA SA LANGIT BUHAT SA DIOS, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ANG DIOS DIN AY SASA KANILA, AT MAGIGING DIOS NILA: AT PAPAHIRIN NIYA ANG BAWA'T LUHA SA KANILANG MGA MATA; AT HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN; HINDI NA MAGKAKAROON PA NG DALAMHATI, O NG PANANAMBITAN MAN, O NG HIRAP PA MAN: ANG MGA BAGAY NANG UNA AY NAPARAM NA.”

Ito ang MALUWALHATING TAHANAN na MAMANAHIN ng mga TUNAY NA MALILIGTAS, nasa LANGIT ito ngayon, at mananaog ito pagdating ng ARAW NG PAGHUHUKOM, ang BAYANG BANAL, na siyang inihanda ng DIYOS upang TAHANAN ng TAO MAGPAKAILAN MAN.

Kaya nakalulungkot isispin na ang IPINAPANGAKONG KALIGTASAN ng mga SAKSI NI JEHOVA ay isang DAKO na sa KATOTOHANAN ay LILIPULIN ng Diyos, at hindi gagawing BAGONG LUPANG PARAISO, na gaya ng kanilang PANINIWALA na hindi naman mababasa sa BIBLIA.
 
Nakabasa lang ng magpakaylanman eh pinakahuluganan ng walang katapusan hindi nila alam na mayrong magpakaylanman na natatapos din.


Ang lupa ay nananatili hanggang sa paghuhukom dito rin natatapos ang kanyang magpakaylanman

Ang lupa ay nayayanig at maliwanag na ang mga bagay na nayayanig ay mawawala:

"Heb.12:27 At itong salita, Minsan pang, ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig, gaya ng mga bagay na ginawa, upang mamalagi ang mga hindi niyanig."
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top