What's new

Closed What evidence is there that god exists?

Status
Not open for further replies.
C'mon guys. Faith is the only key na para guminhawa ang ating buhay and di para mapunta sa impyerno. Mapupunta tayo sa langit.
 
Pananampalataya

Kahulugan: “Ang pananampalataya ay siyang tiyak na pag-asa sa mga bagay na hinihintay, ang maliwanag na patotoo ng mga katunayang hindi nakikita.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang tunay na pananampalataya ay hindi ang pagiging mapaniwalain, alalaong baga’y, ang pagiging handang maniwala sa isang bagay na walang matatag na katibayan o dahil lamang sa gusto ng isa na maniwala dito. Ang tunay na pananampalataya ay nangangailangan ng saligan o batayang kaalaman, kabatiran sa ebidensiya, at pati na ng taos-pusong pagpapahalaga sa kung ano ang ipinakikita ng ebidensiya. Kaya, bagaman imposibleng magkaroon ng tunay na pananampalataya kung walang tumpak na kaalaman, sinasabi ng Bibliya na “sa pamamagitan ng puso” ang isa ay nananampalataya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Mahalaga pa ba ang mga gawa kung ang isa nama’y may pananampalataya?

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ang pananampalataya, kung walang mga gawa, ay patay sa ganang sarili. Sa kabila nito, ang isa ay magsasabi: ‘May pananampalataya ka, at ako nama’y may gawa. Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa gawa, at ako naman sa pamamagitan ng aking mga gawa’y ipakikita sa iyo ang aking pananampalataya.’ Hindi ba’t si Abraham na ating ama ay inaring-matuwid sa pamamagitan ng mga gawa matapos niyang ihandog ang kaniyang anak na si Isaac sa ibabaw ng dambana? Nasaksihan ninyo kung papaanong ang kaniyang pananampalataya ay gumawang kasuwato ng kaniyang mga gawa at sa pamamagitan ng mga gawa ang pananampalataya niya’y pinasakdal. Kaya nga, kung papaanong ang katawan na walang espiritu ay patay, gayon din ang pananampalatayang walang mga gawa ay patay.”

Paglalarawan: May nanliligaw na binata sa isang dalaga, at sinasabi ritong minamahal niya ito. Subali’t kung hindi naman niya ito niyayayang pakasal, ipinakikita ba niya na ang kaniyang pag-ibig ay talagang lubus-lubusan? Sa gayon ding paraan, sa pamamagitan ng mga gawa ay naitatanghal natin ang pagiging-totoo ng ating pananampalataya at pag-ibig. Kung hindi natin sinusunod ang Diyos hindi natin siya tunay na iniibig at wala tayong pananampalataya sa pagiging-matuwid ng kaniyang mga daan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa kabila nito hindi tayo magiging karapatdapat sa kaligtasan ano man ang ating gawin. Ang buhay na walang-hanggan ay isang kaloob mula sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, at hindi isang kabayaran sa ating mga gawa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Tama ba na magargument sa mga catholics na may mali sa kanilang kakaibang pananampalataya? Because parang paganism kasi ang catholic eh.
 
Bakit ba hanggang ngayon ang evolution ay hindi matanggap ng tao dahil kaya takot siyang sundin ito dahil takot siya sa dios
Or dahil wala siyang alam at hindi nya naiintindihan ang mga bagay2x tungkol sa theory of evolution

Sa kung sino man ang mag sibing hindi totoo ang evolution dapat may scientific evidence ka na nagpapatunay na mali ito hindi yung nabasa mo lang sa isang lumang libro na sinulat lang ng mga lumang tao na naka tira sa desirto
 
hindi naman naten kelangan na questionin ang ibang tao about jan. kung alam mo kung ano mas nakakabuti sayo at paniniwalaan mo dun ka. gumawa na lang tayo ng mabuti at wag bantayan ang gawa ng iba.
 
Bakit ba hanggang ngayon ang evolution ay hindi matanggap ng tao dahil kaya takot siyang sundin ito dahil takot siya sa dios
Or dahil wala siyang alam at hindi nya naiintindihan ang mga bagay2x tungkol sa theory of evolution

Sa kung sino man ang mag sibing hindi totoo ang evolution dapat may scientific evidence ka na nagpapatunay na mali ito hindi yung nabasa mo lang sa isang lumang libro na sinulat lang ng mga lumang tao na naka tira sa desirto

Marami ako ebidensya paps gusto mo ba?
 
Maraming patunay na si kristo ay umiral sinabi nya ang tungkol sa Dios kaya may Dios talaga na nagdesign ng lahat.
 
Dapat Ko Bang Paniwalaan ang Ebolusyon?
1102015829_univ_lsr_xl.jpg


KUNG BAKIT ITO MAHALAGA

Kung totoo ang ebolusyon, walang layunin ang buhay. Kung totoo ang paglalang, makakakita tayo ng kasiya-siyang sagot sa mga tanong tungkol sa buhay at kinabukasan.

ANO ANG GAGAWIN MO?

Pag-isipan ang senaryong ito: Nalilito si Alex. Naniniwala siya sa Diyos at sa paglalang. Pero deretsahang sinabi ng biology teacher niya na totoo ang ebolusyon, at na salig ito sa maaasahang pagsasaliksik ng siyensiya. Ayaw ni Alex na magmukha siyang ignorante. ‘Tutal,’ ang sabi niya sa sarili, ‘kung napatunayan na ng mga scientist ang ebolusyon, sino naman ako para kuwestiyunin sila?’

Kung ikaw si Alex, tatanggapin mo ba ang ebolusyon dahil lang sa sinasabi ng mga aklat na totoo ito?

MAG-ISIP MUNA!

Kadalasan, agad na sinasabi ng magkabilang panig sa usaping ito kung ano ang pinaniniwalaan nila, pero hindi naman talaga nila alam kung bakit nila iyon pinaniniwalaan.

  • May mga taong naniniwala lang sa paglalang dahil iyon ang itinuturo sa kanila sa simbahan.

  • May mga taong naniniwala lang sa ebolusyon dahil iyon ang itinuturo sa kanila sa paaralan.
ANIM NA TANONG NA DAPAT PAG-ISIPAN

Ang sabi ng Bibliya: “Bawat bahay ay may nagtayo, ngunit siya na nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Makatuwiran bang paniwalaan iyan?

1102015829_univ_cnt_2_md.jpg
Kapag sinabi nating walang lumalang sa buhay, para na rin nating sinabing walang nagtayo sa bahay na ito

SINASABI NG IBA: Lahat ng bagay sa uniberso ay resulta ng big bang.

1. Sino o ano ang sanhi ng big bang?

2. Alin ang mas kapani-paniwala—ang lahat ay nagmula sa wala o ang lahat ng bagay ay may pinagmulan?

SINASABI NG IBA: Ang tao ay nag-evolve mula sa hayop.

3. Kung ang tao ay nag-evolve mula sa hayop—halimbawa, mula sa unggoy—bakit napakalaki ng agwat ng talino ng tao at ng unggoy?

4. Bakit napakahirap maintindihan kahit ang mga “pinakasimpleng” anyo ng buhay?

SINASABI NG IBA: Ang ebolusyon ay totoo.

5. Nasuri ba ng taong nagsasabi nito ang mga katibayan?

6. Gaano karami ang naniniwala sa ebolusyon dahil lang sa may nagsabi sa kanila na naniniwala rito ang lahat ng matatalinong tao?

“Kung naglalakad ka sa kagubatan at nakakita ka ng magandang bahay, iisipin mo ba: ‘Wow! Tiyak na tamang-tama ang pagbagsak ng mga puno para mabuo ang bahay na ito’? Siyempre hindi! Hindi makatuwiran ’yan. Kaya bakit tayo maniniwalang nagkataon lang ang lahat ng bagay sa uniberso?”—Julia.

“Halimbawang may nagsabi sa ’yo na may sumabog sa isang imprentahan at na ang tinta ay tumilamsik sa mga dingding at kisame at nakabuo ng isang kumpletong dictionary. Paniniwalaan mo ba ’yon?”—Gwen.

BAKIT DAPAT MANIWALA SA DIYOS?
Pinapayuhan ka ng Bibliya na gamitin ang iyong “kakayahan sa pangangatuwiran.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ibig sabihin, ang paniniwala mo sa Diyos ay hindi lang dahil sa

  • EMOSYON (Basta nararamdaman kong may makapangyarihang persona)

  • IMPLUWENSIYA NG IBA (Relihiyoso ang mga tao sa lugar namin)

  • PANGGIGIPIT (Pinalaki ako ng mga magulang ko na maniwala sa Diyos—wala akong choice)
Sa halip, dapat na mayroon kang matibay na dahilan kung bakit ka naniniwala sa Diyos.

“Kapag pinakikinggan ko ang paliwanag ng titser namin kung paano gumagana ang ating katawan, wala akong kaduda-duda na talagang may Diyos. Bawat parte ng katawan ay may papel na ginagampanan, hanggang sa kaliit-liitang detalye, at kadalasan nang hindi natin namamalayan kung paano nagagampanan ang mga papel na iyon. Talagang kamangha-mangha ang katawan ng tao!”—Teresa.

“Kapag nakakakita ako ng mataas na building, barko, o kotse, itinatanong ko sa sarili ko, ‘Sino kaya ang gumawa nito?’ Kailangan ang matatalinong tao para makagawa, halimbawa, ng kotse, dahil ang dami-daming piyesa na kailangan para umandar ito. Kaya kung ang mga kotse ay nangangailangan ng disenyador, gayon din ang mga tao.”—Richard.

“Habang pinag-aaralan ko ang siyensiya, lalo akong nahihirapang maniwala sa ebolusyon. . . . Para sa ’kin, mas mahirap maniwala sa ebolusyon kaysa maniwala sa isang Maylalang.”—Anthony.

PAG-ISIPAN
Sa kabila ng maraming taon ng pagsasaliksik, ang mga siyentipiko ay wala pa ring mapagkasunduang paliwanag tungkol sa ebolusyon. Kung ang mga siyentipiko—na itinuturing na mga eksperto—ay hindi nagkakasundo tungkol sa ebolusyon, mali bang kuwestiyunin mo ang teoriyang ito?
 

Attachments

sorry baguhan lang sa forum :) di pa kabisado..may edited post ako sa taas....to answer your question!? maybe yes....mas plausible parin kasi yung evolution kung creationist ka than scientific naturalism..
naniniwala ka ba boss sa evolution?ibig mo ba savihin boss nagmula ka sa unggoy?peace question lang no opened
 
Ang patunay na may Diyos ay ang accurate na natutupad sa mga nailatag na at ipinagpauna nang mga propesiya na pawang naganap, nagaganap, at magaganap, at pinapaging ganap Niya.
 
If makaduterte ka wala kang diyos kundi si duterte lang, lahat kasi ng ginagawa nya "tama". :)
 
Last edited by a moderator:
In the scientific literature, the evidences that a God must exist are the following:

- The Big Bang Theory.
- Einstein's Theory of General Relativity.
- The ratio between the distance of Strong and Weak Nuclear Force.

In my humblest opinion, it's more significant and meaningful for everyone to act as if there is a God, rather than pushing the idea to everyone (specially non-believers) that God(s) really exist(s).
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top