What's new

Closed "unang pasabog ng mga linyang may iba't ibang uri ng tunog"

Status
Not open for further replies.

PHC-Aimee

Honorary Poster
Joined
Apr 2, 2018
Posts
121
Reaction
341
Points
136
Babala! Bago pumasok sa eskwela,tayo ay pumila at awitin muna natin ang pambansang awit ng pilipinas habang itinataas ang asul,dilaw,pula at puting tela ng ating bandila.


"Ang dula ng aking nobela"


Hindi ko alam kung saan ako magsisimula,kung tama ba ang gamit kong balarila at kung ito ba ay tula o parirala.

Ako ay nakatingin sa mga tala habang naaalala ang kanyang mukha ,ngunit ako ay nabahala ng malaman niyang ako ay isang dukha,kaya naman ako ay kanyang binalewala.

Walang tigil ang aking pagluha na para bang baha, sa bigla niyang pagkawala ang lahat ay naglaho na parang bula.


Ang dati kong makulay na buhay ay nawalan na ng sigla at ngayon ay palagi nalang tulala.



Phcorner pinili kong pangalawang tahanan upang ibahagi ang aking mga nalalaman at sa paglikha ng iba't ibang uri ng kasulatan.

Ako ay napaiyak subalit ako ay nagagalak sa maiinit na yakap ng ako ay inyong tinanggap.

Phcorner nananatiling matatag mag mula ng ito ay itinatag tuloy tuloy na ang pamamayagpag,halos lahat ng kailangan ninyong malaman nandito na at kanilang inilatag,basahin niyo lang ang mga nilalaman ng kanilang mga pahayag.


Phcorner malaki na ang naiambag,patuloy na nagliliwanag at walang sinumang makakabasag sa tibay ng kalasag.


Mga sundalong hindi umuurong patuloy na sumusulong at tumutulong.


Credits and thank you to all Admins,Staffs,Contributors,Veterans,and to all the members of phcorner.God bless you all...

Special credit:
I salute to Boss Draft you are the best craft.

More power to this site...PHC-Aimee
 
galing ni ts...
rare na tong mga ganitong makakata sa filipino... :)


maraming salamat po boss hindi naman po talaga ako makata ako po ay isang dalagita na mahilig lang po gumawa ng Iba't ibang uri ng talata.
 
Last edited by a moderator:
Ano Ka ba talaga ? Makata?nakatuklas Ng bagong paraan SA pag pagana Ng langit?spiya Ng globobo?nag hahanap Ng atensyon?alin SA nabangit
 
Talaga nga nmng makata. Ang pahayag o gustong ipaliwanag ay tinatago sa salita. Isang mapagmahal sa tahanang sinilungan naalala ko tuloy ang aking pinagmulan na ngayo'y namamaalam. Dun ay walang harang maging sino ka man.
 
Ano Ka ba talaga ? Makata?nakatuklas Ng bagong paraan SA pag pagana Ng langit?spiya Ng globobo?nag hahanap Ng atensyon?alin SA nabangit

Ito po ang aking kasagutan sa iyong katanungan mahal na kamahalan.

Ako po ay isang hamak na anak na ipinanganak,at lagi nalang palpak.
Gusto ko pong umiyak ng malaman
kong meron na siyang kabiyak.
Subalit ang luha ko ay tumigil na sa pagpatak,pero kahit puso ko ay nabiyak,
itutuloy ko parin po ang aking pagsusulat, gamit ang aking panulat na yari sa pakpak ng uwak.
Kailangan ko rin pong hasain ang aking utak para po makapagtanim ng panibagong aanihin na bulaklak. Maraming salamat po sa iyong komento sana po kayo ay nakuntento dito sa ginawa kong manuskrito.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top