What's new

Help Mag-aapear ba sa nbi o police clearance pag di ka nakabayad sa globe postpaid? makukulong ba ako?

Zanejm

Eternal Poster
Guys, may concern po ako. Need advices po. Ano po kasi, nakapag avail ako ng globe broadband postpaid with phone. Eh hindi ako nakapag bayad. Disconnected ako until now. And my balance is still growing. Nakakainis nga eh!

May kasalanan din naman ako kasi di ko binasa yung papel na pinapermahan sa akin. Ewan kung kontrata na ba yun o ano. Wala naman kasing sinabi yung agent na nag alok sa amin. Masyadong naexcite kami dat time. At ngayon, sising-sisi ako bat ako nag-avail ng postpaid sa globe. Guys, wag kayo gumaya sakin.

Ngayon, sabi ng agent ng globe pag di ako nagbayad, lalaki ng lalaki yung bill ko at pakakasuhan daw ako. Gusto ko na nga eterminate yung account ko pero ang laki ng termination fee. Di ko ako makaunsubscribe. Ito talaga ang nakakapagpabigat ng damdamin ko ngayon. Ano po dapat ko gawin? Idededma ko lang po ba ito? Wala na talga ako balak magbayad kasi yung balance sa bill ko di ko naman napakinabangan kasi disconnected ako. Pero lumalaki bill ko. Tulong po.
 
Di aman daw makukulong pero kapag needed mo magloan s Sss Or Pagibig ay d ka makakaloan...ganyan din kc naging sitwasyun ko.
Panget naman ng sitwasyon mo hahaha
Bat naman ako nakapag loan naman sa sss at naaprove pa housing loan ko sa pag-ibig. Wala naman kinalaman si Globe sa mga government agency.
 
Hello po ako den po pwede po ba makahingi ng advice? Parang ganyan din po case mg sakin kaso sakin sa smart po tapos nag avail ako ng plan. Di ako nakakabayad gawa ng nag pandemic pero nakakapaghulog ako tapos lumaki yung bill ko ng 109k. Pwede po kaya ako makulong?

Kamusta ung sayo? Anong nangyari? Same bill tayo. And may mga emails from debt collectors na. Medyo worried.
 
Hello..
ako naman po PLDT.

Nunng nagpakabit ako.. sabi sa akin pwede ko ipalipat o iterminate ung account basta walang outstanding balance .

bago kami umalis ng bahay ipapalipat ko ung wifi kaso di available sa lugar namin... so binayaran ko ung bill that month in advance ..kahit wala pang bill.. at tumawag sa Customer service para sabihin na nagadvance ako ng payment pati reference number.. tapos i-terminate na nila.. nagulat na lang ako na may natawag sa akin kasi meron daw akong utang tapos ngaun may nageemail sa akin na lawyer daw.. kakasuhan daw ako.

ang sa akin. ma-late nga ng 1 hr sa pagbabayad disconnected agad.. tapos deretso payment pa din kahit putol??? tapos pina terminate ko na un connection namin.. walang nakatira sa bahay..

bakit deretso ung bill?

walang sinabi sa akin ung agenct na ganun. basta pinapirma ako na un daw permiso ko na magiinstall sila ng wifi sa bahay ko under my name.
 
Almost same tayo ng issue. Pero sa Smart naman.

Binayaran ko din bills ko at nagpa-disconnect (permanent disconnection) na ako. Mind you sa mismong Smart Service ko pa to ginawa as in in-person. May mga papers akong sinagutan na for permanent disconnection. 2019 ito nangyari.

Tapos nagka-pandemic habang nasa probinsya ako. Mantakin mo halos 1 yr ako natingga sa probinsya dahil sa travel restriction at bigla ako makaka-tanggap ng email na may utang ako.

Nung makabalik ako sa Manila, 4 times ko yata binalikan yung Smart office na ayusin nila yung issue kasi nakapag-settle na ako at sa system nila nakalagay na nakapag-apply na ako ng permanent disconnection.

Kainis na Smart yan. Negligence nila pero tayong nag-settle ng account natin ang nagkaka-issue. Ni-record ko lahat sa isang papel nangyari para hindi ko makalimutan in case na mapunta sa worst case scenario.
 
Back
Top