What's new

Closed Sey ng experts: araw-araw na pagligo, sanhi ng iba’t ibang sakit!

Status
Not open for further replies.

Miz_Me

Contributor
Joined
Apr 6, 2017
Posts
11,206
Reaction
4,452
Points
2,660
Age
26
Nabasa ko sa isang site.

PARA sa mga bet na bet ang tubig at halos dalawa hanggang tatlong beses kung maligo kada araw, naku po! Alam ba ninyong may negative effect ito sa ating katawan? Ang akala nating pagligo, araw-araw, na nakaugalian na natin ay may masama rin palang dulot sa atin!



Ayon kay Dr. Elaine Larson, infectious-disease expert mula sa Colombia University, ang pagligo nang sobra ay nakaaapekto sa ating balat, nakada-dry ito at nakaka-c r a c k kung saan maaaring pumasok ang mikrobyo sa ating katawan. Aniya, kaya naliligo ang mga tao araw-araw ay dahil naniniwala silang mababawasan ang posibilidad na magkaroon sila ng sakit.


Gayunman, bagaman, totoo ito at nakaaalis talaga ng body odor, hindi rin ito nakabubuti sa ating katawan. Sa pag-aaral ni Dr. C. Brandon Mitchell, assistant professor ng dermatology sa George Washington University, dahil daw sa pagligo, araw-araw, ang natural oil sa ating katawan ay natatanggal, maging ang good bacteria na sumusuporta sa ating immune system. Dagdag pa niya, ang pagligo nang isa hanggang dalawang beses ay kadalasang sapat na para sa karamihan, aniya, “ang araw-araw na pagligo ay hindi na kinakailangan”.


Bagaman, sa pag-aaral noong January, sa nakaraang taon, ang paglinis nang sobra-sobra ay nakada-damage sa healthy bacteria at bugs na nakatira na sa ating katawan. Ang mga researcher naman sa University of Utah ay nagsagawa ng analisasyon sa kanilang mga residente kung saan natuklasan nilang ang mga tao roon ay may highest diversity of bacteria at genetic functions.


Anila, ang mga Westerner ay sobrang malilinis sa katawan na nakaaapekto na sa populasyon ng mga mikrobyo. Hindi rin naman masabi kung gaano kadalas dapat naliligo ang mga tao. Pero, malinaw na okey lang kung hindi ka nakaliligo araw-araw, kahit siguro once a week o twice a week na ‘di ka maligo, eh, keri lang dahil may negative effect din pala ito sa atin.
 
ang tanong saan ba ginawa ang pag-aaral na yan, ni consider ba nila na iba-iba ang panahon sa bawal bansa? sa kanila siguro ok lang na di maligo ng kahit isang buwan pa lalo na kapag winter o malamig ang panahon, dito sa atin bihira lang ang mga taong di naliligo sa isang araw lalo na yung mga nagtatrabaho sa mga maiinit na areas.. kung di ka man magkakasakit dahil sa bihira ka lang maligo paano naman yung iba na nakakasalamuha mo tiyak sila ang magkakasakit sa body odor mo
 
"ang natural oil sa ating katawan ay natatanggal, maging ang good bacteria na sumusuporta sa ating immune system"

kahit ilang beses ang pinoy maligo automatic lalabas na sa katawan nya ang natural oil dahil sa pababago-bago ang panahon at kadalasan mainit dito sa pilipinas kaya mabilis pagpawisan ang mga tao dito..eh sila namamawis ba lagi gaya natin?
 
thanks good information. i agree na sa fact na ang sobra naman ay talagang masama, but we can not compare their culture on us, dahil nasa tropical country tayo hindi maiiwasan na ang solution sa sobrang init ay pagligo ng madalas to the point swimming actually nasakop din tayo ng west kaya may impluwensiya pa din silang naiwan sa atin, ang katunayan may mga pinoy na sobrang matagal maligo.

di masama ang kalinisan, sa bahay, sa paligid, at mismong sa sariling hygiene. hindi ako agree na once or twice lang a week pa ah na ligo, ge nga kaya niyo bayon? huwag niyo isama mga pulubi ah ibang uspana iyon.

pero ito ang ilan sa mga tips na napagaralan ko para hindi naman madamage ang natural oil at protection ng skin.

1.huwag lalampas ng sampung minuto hanngat maari sa pagligo, yung iba binabaabd pa sabon lalo sobrang babango na sabon at shampoo better kung may gugo pa at less perfumes ang gamitin sa katawan ,nako sisipsipin kasi iyan ng balat at my chemical ang tubig natin kasama iyan, kaya mahilig sa swimming pool front din sa bacteria iyan tad tad pa ng ihi at laway sipon ng mga tao, lalot public pool di naman araw araw palit tubig kundi dag dag lang at chlorine pa more. at bilang protection kung mapapansin niyo nagkukulubot ang balat natin kapag sobrang babad sa tubig. iyan mga coz ng dry skin.
2.mahalaga ang paginom palagi ng 8-10 na tubig araw araw. kaya bago maligo uminom muna isang baso. may naitutulong ito. naniniwala ako na halimbawa di maiwasan wala ka apyong tapos taatkbo ka sa ambon or medyo mahinang ulan better inom ka tubig madami bago ka sumugod.
3.mga pagkaing nakakatulong sa healthy skin.
4. moisturizer hanggat maari gumamit ng natural, naaalala ko nooon nangingintab kami dahil sa langis ng niyog, very natural na lotion. ngayin kasi machemical na ang lotion sa dami ng formula at sobrang babango iyon dapat iwasan.
5. make ups sa mga babae hay nko lalot kung tamad maglinis,
Acne cosmetica occurs when oils from your makeup collect in and clog your pores, so thick liquid or cream products are more often culprits than are lighter products like powders. ... But with a good skin care routine and quality makeup products, you can help prevent negative reactions. totoo ito eh. no more explanations.

6.iwasan unhealthy diets, fastfoods, junks, processes foods, etc. alam niyo nayan iniignore lang másáráp eh.

alam ko madami pang kulang dito, pero it's just proper care, di niyo kayang maligo sa loob ng isang araw, at hindi natin dapat ikumpara at i apply ang nature nila sa nature na mayroon sa atin, damage ntural oil ?naiiwasan iyon at naibabalik din in a ntural ways.
 
maligo ka man araw araw o hindi,darating ang panahon na mamatay rin ang tao...haha
tulad ng paninigarilyo,kadalasan nga mas nauuna pa yung non smoker kesa smoker..
my point here is nasa destiny na yan ,kung kailan ka magkakasakit at mamatay,lol

P.S :kaya maligo nalang,kakahiyang naamoy ng iba na mabaho ka,hehe
 
puna punas lang, mahal tubig dito eh hahaha.:)
Oo nga sir, wala namang namamatay sa hindi paliligo araw-araw basta make sure lang na napupunasan ang dapat linisin sa ating katawan araw-araw:)
 
Last edited by a moderator:
Sa malamig na lugar baka okay lang yan di maligo ng buong araw
Tama sinabi ni boss Kratos , sa may malalamig na klema ginawa ang pagaaral na iyan,kaya siguro nasasabi nila yan ay upang ma justify ang hindi pagligo ng buong araw sa kanila hahahaha xD

Pero sa atin araw araw pagpapawisan so araw araw minu minuto lumalabas ang oil sa balat so okay lang maligo kahit tatlong beses pa sa buong araw

Habang tinatype ko ito, nalabas na oil sa mukha ko ang init kasi dito sa kinalalagyan ko
 
Sa malamig na lugar baka okay lang yan di maligo ng buong araw
Tama sinabi ni boss Kratos , sa may malalamig na klema ginawa ang pagaaral na iyan,kaya siguro nasasabi nila yan ay upang ma justify ang hindi pagligo ng buong araw sa kanila hahahaha xD

Pero sa atin araw araw pagpapawisan so araw araw minu minuto lumalabas ang oil sa balat so okay lang maligo kahit tatlong beses pa sa buong araw

Habang tinatype ko ito, nalabas na oil sa mukha ko ang init kasi dito sa kinalalagyan ko
Natawa ako sa last message mo sir, nag-o-oily face ka na dyan sa kinalalgyan mo init kasi, hahahah:)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top