What's new

Closed Sakit nito?

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Joined
Jun 10, 2018
Posts
6,073
Reaction
2,210
Points
2,214
Kung may bagong member ang pamilya nyo, pananakit ba ang isasalubong mo sa kanya? Halimbawang nanganak ang nanay mo, pahihirapan mo ba muna yung baby bago mo sya matanggap bilang kapatid? "Kapatid", hugot sa salitang "patid" na ang ibig sabihin ay "putol". Sa salitang "putol" hugot ang "utol". Ang kapatid ay kaputol. Ang bawat kaputol ay nagsisilbi din bilang kadugtong. Kadugtong na inaasahang magpapatibay sayo. Pero pano kung ang mga kinikilala mong mga kadugtong, kaputol, at kapatid ang mismong PAPATID SA BUHAY MO?
20180804_144748.png

Tang ina ng mga fraternity. Oo, may ilan ding kabutihan na umuusbong galing sa kanila. Oo, may pakinabang minsan ang pagiging "kabrod". Oo, minsan pader mo ang fraternity na pwedeng sandalan. Pero minsan gumigiba ang pader na dumadagan sa mga nakasandal. Mas maraming paligro kesa pakinabang. At ang ilang kabutihan na umuusbong ay kayang-kaya lunurin ng balde-baldeng dugo na umaagos sa bawat neophyte.

Wala nang pag asa na bumalik pa sa pagiging tunay na kapatiran ang fraternities sa Pilipinas. Maraming magpapanggap at sasabihing "iba kami", pero kung nananakit at nagpapahirap din sila, ano nga ba ang kinaiba nila? Kung proteksyon ang inaalok nila, hindi ba ibig sabihin lang na kaduwagan ang pagpasok dyan? Putang ina wag na nilang gamitin ang salitang "kapatiran". Tawagin na lang nilang "kabodyguardan". Baket mo nga ba kakailanganin ng proteksyon kung wala kang kaaway. Hindi ba ang pagsali sa fraternity pa nga minsan ang dahilan kung baket ka nagkakaron ng kaaway? Nagiging obligado ka na awayin din ang mga kalaban nila sa pataasan ng ihi. At idadawit ka sa rambol dahil para sa kanila yun ang pakikisama.

Hindi lang sa mga frat members lumalagpak ang pagkakamali tuwing may namamatay sa hazing. Kung tutuusin, hindi sila ang may awak ng buhay mo. Ang pagkakamali ay nagmumula sa desisyon ng isang tao na pasukin ang huwad na kapatiran. Kung may nanliligaw sayong fraternity, itanong mo muna sa sarili mo, kailangan mo ba talaga yan sa buhay mo? Kung kapatiran talaga yan, baket kailangan saktan ka bago ka matanggap, at baket kailangan saktan ka kung sakaling gusto mong kumalas? At baket kailangan babuyin ang katawan pati na pagkatao mo? Para ba matutunan mo kung pano din mangbaboy ng mga susunod sayo?

Baket nga ba bago ka hampasin ng paddle sasabihan ka ng
"hold your balls"? 'E diba yung sumasali sa fraternity mga wala namang balls?
 

Attachments

yes po sir... maraming salamat po... pero nag research ako about sa brotherhood namin about sa history at rituals medyo naiilang ako at against sa faith ko
 
Ang religion ay brotherhood o kapatiran ang kundisyones para makasali ay pananampalataya at gawa
Walang paddle paddle
 
Last edited:
Bakit kailangan dyan ng paddle haha. Para malaman ba kung gano ka katapang? Hindi ko maintindihan. Di ba madami ng namatay dyan?
 
Di naman natin maiintindihan yan habang di pa tayo kasali. Pero pag nasaloob ka na, magegets mo na rin yan. Pero gets ko yung ibanh tests nila like yung mental tsaka commitment. Pero yung paddle tsaka suntok, di ko alam kung para saan yun

At tsaka yung stigma sa mga fraterneities na mga violent daw, basagulero daw, si marcos may pakana niyan. Yung tungkol sa bawal gumawa ng grupo na may 2 or more na tao.
 
Kung ganon may sakit pala sa utak si m∆®©°$ pengeng sapatos bag at alahas hihi..dagdagan mo na din ng pera. Dami pera na nasa ibat ibang panig ng mundo

BTW..naintndihan ko na kung bakit kelangan ng paddle para maging kulay bioleta ang hita.
 
Kung ganon may sakit pala sa utak si m∆®©°$ pengeng sapatos bag at alahas hihi..dagdagan mo na din ng pera. Dami pera na nasa ibat ibang panig ng mundo

BTW..naintndihan ko na kung bakit kelangan ng paddle para maging kulay bioleta ang hita.
Ano po ba significance nung pag violet ng hita?
 
siguro naging kultura narin ang pagpapadle sa mga new members sa frat.. way back from the history talagang meron na yan...
 
Mali lang pagkakaintindi mo sis. You know why merong initiation? Para sa matatag na pundasyon. Frat girl din ako. Tandaan mo lang, "hindi kayo magkadugo". Yon lang sis. Hahaha. Basta. Hindi ko na hahabain pa ang explanation ko. :)
 
Mali lang pagkakaintindi mo sis. You know why merong initiation? Para sa matatag na pundasyon. Frat girl din ako. Tandaan mo lang, "hindi kayo magkadugo". Yon lang sis. Hahaha. Basta. Hindi ko na hahabain pa ang explanation ko. :)

.. hahah! mali ba?! Di ko kasi alam e, copy paste lang kasi yan.. :D), kaya di ko din po naman naintindihan mga nakasaad diyan medyo malalim e, wala din ako balak intindihin yan... mahal ko pa katawan ko.. kayo na bahala magpaliwanag sa lahat! hahaha!
 
malalim, makatotohanan malaman at makabuluhan. sharing insights freely here at phc somehow do relates and helps to enlightened others mind. thanks TS!
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top