What's new

Closed Duwag o matapang

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Joined
Jun 10, 2018
Posts
6,073
Reaction
2,210
Points
2,214
Sabi nila ang mga Pilipino ay sadyang masiyahin. kahit pa naghihirap, maraming problema at walang kasiguraduhan sa pangaraw-araw na paamumuhay ay nakukuha pang tumawa at magpatawa.

Ang mahirap sa pagiging masiyahin at nagpapatawa ay tinatago nila ang kanilang tunay na nararamdaman. Nagpapatawa sila para malihis ang atensyon sa problema at kung minsan ay sinasadyang magpakasaya. Pero ang higit na mahirap ay kung kailan mo malalamang sila ay seryoso na pala.

Ang totoo, karamihan sa kanila ay nagpapatawa para hindi mahalatang malungkot din sila. Tinatago ang pangamba at pagaalala.

Sa inyong palagay, ang mga taong ito ay duwag ba o matapang? Duwag dahil ayaw nila ipakita ang kanilang tunay na nararamdaman o matapang dahil kaya nilang itago ang sakit na kanilang dala-dala?

-yan tayo e.. kahit ano problema tinatawanan lang!
 
Para sa'king palagay, siya ay MATAPANG dahil sa nakayanan nyang labanan ang
hirap at problemang kinakaharap basta't may tiwala at pananalig sa Poong Maykapal.
 
Kasi nga baliw tayo hahaha...di tulad ng ibang bansa ex. Japan kapag may problema may tendency silang magsuicide...pero tayo tawa lang remedy sa mga problems.
 
Hindi sa matapang o duwag, likas na talaga sa pinoy ang palangiti o palatawa..
Siguro dahil sa klase ng kultura
At kung science naman siguro dahil sagana sa sinag ng araw na naabsorb natin sa araw-araw, tayong mga pilipino daw ay loaded ng vitamin D na nabibigay satin ng natural boost ng serotonin or the happiness hormone, dahil sa ating strategic geographic na lokasyon malapit sa ekwador, at dahil din sa carbohydrate at protien-rich na klase ng pagkain natin na may serotonin

Biologically tayong mga pilipino talaga ay likas na masiyahin.
 
Dipress na tawag dyan.

Bakit dipress?!

yes it is... hahahah!
 
Bakit dipress?!

yes it is... hahahah!
Maraming pangyayari at bagay kasi sating mga pilipino ang nakapagpapatawa, siguro malakas lang talaga ang sense of humor ng mga pilipino kumpara sa ibang lahi, kasi may humor tayo halos sa lahat ng pangyayari at bagay

Tulad kahapon natawa talaga ako sa sigaw ng kunduktor , kasi nakasakay nako , sa jeepney ako palang mag isa ang pasahero ,eh rush our, alam mo naman kapag rush our unahan sa pagsakay sa jeepney, habang nangyayari ang paguunahan babae at lalake parang nakikipag buno makasakay lang sa jeepney, sigaw yong kunduktor ng put* parang survival of the fittest elimination of the unfit, hahaha hagalpak ako ng tawa langya
 
Last edited:

ay totoo ba yan.. wala pa kasi ako naeencounter na ganyan e sayo pa lang.. hahaha!
 
Kahit yung sa jeep yung simpleng:
Driver: Bababa ba?
Pasahero: Bababa!

Parang minions makipagusap hahaha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top