What's new

Closed Perfect life

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Joined
Jun 10, 2018
Posts
6,073
Reaction
2,210
Points
2,502
Sa Facebook may Perfect Life

Matagal ko nang hindi nakikita ang kaibigan kong si Kris. Sobrang hanga ako sa kanya dahil ibang-iba na siya mula noong hayskul. Sa facebook ko nalalaman lahat ng nangyayari sa kanya dahil sa wala na kaming oras para magkita at makapagusap pa. Nagtapos kami ni Kris sa isang pampublikong paaralan sa Pasay. Paaralan malapit sa mga squat at estero. Maraming estudyante pero hindi seryoso sa pag-aaral. Sa bawat section ay merong 60 na estudyanteng nagsisiksikan sa isang classroom. Noong hayskul ay matalino daw kami ni Kris, nasa section 1 kami mula first year. Ngunit sa mga panahon na yon, hindi tulad ko na sinuswerte ay hirap at nagsusumikap lang si Kris sa pag-aaral. Kailangan niyang ulitin ang mga uniform niyang polo para makapasok sa paaralan. Inuulit nya rin ang kanyang dalang face towel halos 3 beses siguro sa isang linggo. Butas ang kanyang mga sapatos na nagiisa lang mula pa noong 3rd year kami hanggang sa makatapos sa hayskul. Naglalakad lang siya mula paaralan pauwi sa kanila. Minsan lang din siya bumili sa canteen dahil wala siyang baon. Kapag may lakad ang mga magkakaklase ay hindi siya nakakasama dahil mapapagastos ito. Kadalasan ay kami na lang magkakaibigan ang nagaambag para kay Kris dahil sa mabait naman ito at másáráp kasama.

Ibang-iba na si Kris ngayon. Mula sa kanyang FB ay nakikita ko ang kanyang maunlad ng pagbabago. Nagulat ako na nagpost siya ng BB pin sa FB status niya. Ibig sabihin ay may blackberry na siya. Panay din ang travel niya, palawan, Bohol, Vigan, atbp na nakikitta ko sa mga facebook photos niya. Madalas din siya magStarbucks, lagi kasing naguupdate ang foursquare niya. Kung dati ay hindi siya makasama sa lakad ng mga magkakaklase, ngayon ay siya na ang nagyayaya. Lagi siyang may bagong fb status na kailangan niya ng kasama para manood ng sine, bumili ng gamit o di kaya ay tumambay lang. Sa madaling salita, umasenso na talaga si Kris na siyang kinatuwa ko naman. Sobrang pangarap ko din na makaalis siya sa paghihirap dahil sa alam ko naman ang mga pinagdaanan niya. Masaya ako para sa kanyang Perfect Life.

Isang araw ay nagkita kami ni Kris. Siya ang nagyaya at nagplano. Kumain kami sa Italllianissa may Gateway. Doon kami nagkakwentuhan sa mga pangyayari sa aming buhay. Sinabi ko na ang trabaho ko ay pagmeMedrep, binigyan na ako nang kumpanya ng sasakyan at medyo malaki naman sa sinasahod ko. Naikwento ko rin sa kanya na pangarap kong magkalaptop, at blackberry tulad niya dahil di pa ako nakakaroon ng mga iyon. Pero laking gulat ko ng siya na ang nagkwento. Maswerte daw ako sa trabaho at malaki ang sahod ko di tulad niya. Naiinggit siya sa sasakyan ko na ibinigay naman ng aking kumpanya. Ang kanyang mga pagtratravel at gamit, laptop at cellphone, ay utang niya lang daw mula sa kanyang credit card.

Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan sa mga kuwento niya. Ang kanya palang Perfect Life ay sa Facebook lang pala.
 
Nakaka misled din talaga ang f@cebook, pag ako nagpost lahat nagugulat at manghang-mangha yun ay dahil bibihira lang ako magpost hahaha.
 
Nakaka misled din talaga ang f@cebook, pag ako nagpost lahat nagugulat at manghang-mangha yun ay dahil bibihira lang ako magpost hahaha.

ah... okey! Ako kasi di kasi mahilig magpopost sa fb e, huling post ko ata e 2011 pa, kapag lang may nagtatag saka lang ngkaron ng post, bihira lang kasi ako magbukas dito lang ko nakakpagpost ng ganito... hahahah!
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top