What's new

Closed Isang malawak na kaisipan!

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Joined
Jun 10, 2018
Posts
6,073
Reaction
2,210
Points
2,214
Wala akong pasok kahapon. Wala akong ginawa kundi ang matulog lang sa sofa ng sala at magbasa ng mga blogs. Salamat nila You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., mga bloggerna nagtyagang basahin ang mga sulat ko, at kahit papaano ay may mga nakausap ako sa pamamagitan ng kanilang mga komento sa aking mga entrada. Hindi ko kasi kayang walang kausap. Hindi ko matiis, para akong mababaliw. Buong araw lang ako dapat sa bahay, pero dahil sa nangangati ang aking mga paa ay dimapot ko din ang susi ng kotse para magikot-ikot lang.

másáráp gamitin si 'Barney'. (Barney po ang pangalan ng kotse) Magaan ang manibela kaya madaling isingit. Malambot din ang clutch kaya hindi nakakangawit. May mabangong amoy, minsan apple o cherry, pero naka new car scentito ngayon. Parang bago pa rin ang itsura nang Toyota Vios dahil alagang-alaga. Meron itong matingkad kulay pula na nakakapukaw talaga ng attention.

Sa pagkakaalala ko ay patungo ako ng Market Market ngunit nagbago ang isip ko. Bigla kong naalala na birthday ni Mama Mary kaya naman nagtext na lang ako kay cøøkíé na magpunta sa Baclaran. Doon na lang kami magsisimba. Sa Bayani Rd. ako dumaan, baka kasi matrapik ako sa Service Rd. Lumabas ako sa Gate 3 ng Fort Bonifacio at bumaba sa SLEX patungong Magallanes diretso paBaclaran. Mabilis lang ang byahe. May trapik pero parang ang bait sakin ni Lord, nawawala agad ang trapik pag ako ang dumadaan.

Maraming tao sa Baclaran. Maraming nagsimba at nag-alay ng bulaklak. Hindi muna ako pumasok ng simbahan dahil naghintay pa ako kay cøøkíé. Naisip ko na baka natrapik si cøøkíé di tulad kong sinuwerte. Pagdating ni cøøkíé ay nakapagpark ito malapit mismo sa simbahan. Mas maswerte pala sya kasi konti lang ang lakad. Ang parking ko doon sa puno malapit sa labasan ng tao at bakod.

Sabay kaming pumasok ng simbahan. Hawak kamay pa kami. másáráp talaga magsimba kapag kasama mo ang mahal mo. Inspired ako magkwento kay Lord nang mga pangarap at nais ko. Nagalay din kami ng bulaklak na dala ni cøøkíé pagtapos ng misa.

Paglabas ay hinatid ko si cøøkíé sa kotse niya. Yun kasi ang unang madadaanan bago sa sasakyan ko. Sinabihan ko siya na sa MOA na lang kami magdinner at nauna na siyang umalis. Pagtungo ko sa aking parking ay nawawala si Barney. Nawawala ang kotse. Imposibleng mangyari yun dahil dala ko naman ang susi. Sobrang nagpapawis ako at nanlalamig sa kaba. Eh bigay lang yun ng kumpanya at hindi ko pa tapos hulugan. May 3 taon pang natitira para mapasakin talaga ang sasakyan. Halos di ako makagalaw sa pwesto ko. Ang daming taong nadadaanan akong tulala. Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin. Wala na akong nakikita, parang nababalot ng puting liwanag ang paligid. Wala na din akong marinig kundi ang palakas na palakas na tunog ng kampana. Tinakpan ko na ang aking tenga dahil hindi ko na makayanan ang lakas ng tunog. Nagring ang cellphone ko, si cøøkíé tumatawag. Nagtatanong kung saan kami magkikita. Bigla akong natauhan! Pawis na pawis sa sofa ng sala. Hay.. Panaginip lang pala!

-yun feeling na parang totoo lahat ngyari yun pala imahinasyon lang pala.. hahaha!
 
Uso na yan may twist sa dulo para sirain ang kwento sa bandang dulo. Tipong kukunin/pupukawin ang intensyon mo tapos dismayado ka sa huli hahaha :):)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top