What's new

Closed Iba talaga nagagawa ng social media!

Status
Not open for further replies.

-simplice-

Forum Expert
Joined
Jun 10, 2018
Posts
6,073
Reaction
2,210
Points
2,214
Nawawalang Kapatid

Malaki ang naitutulong ng facebook sa paghahanap ng taong matagal mo nang gustong makita, o di inaasahang makita ngunit may importanteng papel pala sa buhay mo. Maaaring dating kaklase, mga kalaro, titser, at minsan mga kamag-anak

- - -

Nakita ko ang litrato ng aking tatay sa facebook. Gamit ito bilang isang profile pic. Akala ko may FB account na siya, e matagal na siyang namatay. Grade 6 pa lang ako nang magkasakit siya ng Colon Cancer at makalipas lang ang anim na buwan ay iniwan na niya kami. Ang FB account pala ay hindi pagmamay-ari ng aking tatay. Ito ay sa isang lalaking taga Cagayan de Oro, 28 taon gulang at may sarili nang pamilya.

Nagkaroon ako ng malaking interes sa pag-alam kung sino ang taong ito. Kaya naman ay ako na ang nag-add sa kanya bilang kaibigan sa facebook. Dito ko natuklasan, kamag-anak ko pala siya. Ngunit hindi ko siya nawawalang pinsan, tiyuhin at lalong lolo. May isang kaibigan ang nagtanong sa kanya kung sino ang nasa litrato. Sagot niya ay 'siya ang yumao niyang tatay'. Siya pala ang unang anak ng tatay ko. Siya pala ang panganay kong kapatid.

Walang nakakaalam ng tungkol dito. Hindi ko alam kung lihim ba ito ng tatay ko. Wala namang naikwento ang nanay ko sa amin noong mga bata pa kami. Hindi na ako nagkalakas ng loob na sabihin pa sa nanay ko ang mga nalaman ko. Marahil ayoko na rin siyang saktan, ayoko na siyang mag-isip pa. Sa edad na 56, di na tamang bigyan pa siya ng sama ng loob. Hindi ko na din ito ikinuwento sa nakakabata kong kapatid, kilalang Kuya Kool sa blog na ito. Hindi na rin ako nagkalakas ng loob na kausapin pa ang panganay kong kapatid. Hahayaan ko na lang na parang walang nangyari. Hindi naman naapektuhan ang buhay namin sa loob ng 13 taon, na walang alam tungkol dito.

Wala akong naramdamang galit. Hindi rin sumama ang loob ko sa tatay ko. Ang aking lang, naging masaya akong natuklasan ko ang mga ito.

-galing naman... muka sya mabait na tao medyo nakakapaiyak ng konti pero oh, okey!... parang tears of joy lang!hahaha...
 
Pero ang weird ng profile pic mo eh sa iyong ama? samantalang personal fb mo iyon di ba?. I guess relevant naman yung story.
 
Pero ang weird ng profile pic mo eh sa iyong ama? samantalang personal fb mo iyon di ba?. I guess relevant naman yung story.

medyo nga, baka namis lang nya ama nya kaya prof. pic nya yun tapos di sila nagkikita kasi nga may ibang pamilya yun ama nya dun lang nakafocus attention sa second family!
 
Bat kaya nya gagamitin ung pic ng tatay niyo kung di naman siya kinilala nito.?
Pero okay narin atleast nalaman mo.

I think.. Baka alam nya na may kapatid siya sa labas di nya mahanap hanap ayun ngtry nya ilagay pic. ng kanila ama baka sakali may makakilala..
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top