What's new

Closed Wifi connected but no internet access

Status
Not open for further replies.

Max Pein

Forum Veteran
Pa help po mga masters kung paano ma solve to. Ngayon lang kasi to nangyari or kagabi lang talaga nagsimula. At first puro "Obtaining Ip Address" kapag mag try ako mag connect pero nagawan ko naman po siya ng paraan, yung modify network change DHCP to STATIC and manually input the ip address, kaya connected na po ako ngayon pero wala pong internet access.


FACT: Sa laptop po ako nakiki wifi. May mobile hotspot kasi laptop ko kaya nakaka connect ako sa mobile phone ko. At yung wifi galing sa kapitbahay namin (nakikiconnect lang) pero may internet access naman laptop ko (ito po gamit ko ngayon).

Ano po kayang nangyari sa mobile phone ko po bakit ayaw ng maka connect. Kagabi lang to nangyari eh sa tagal ko nang ginagawa to.


HELP please.
 
Last edited:
Kung gumagamit ka ng Pocket wifi/modem/router ganito ang nagyayari sa iyo.

Makaka connect ka talaga sa wifi dahil nag "STATIC IP" address ka. Minsan kasi may mga router maghihintay muna na ma recieve ang "EXTERNAL IP" galing sa ISP/Network mo bago mag assign ng mga "LOCAL IP" para sa mga connected devices nito pero dahil gumamit ka ng manual o "STATIC IP" address sa device mo. Hindi mo na hinintay na bigyan ng automatic assigned "LOCAL IP" ang device mo para maka connect sa WIFI. Naka connect ka nga sa WIFI mo pero hindi ibig sabihin naka connect ka na sa ISP/Network mo.

Kung direkta ka na naka connect sa internet sa pamamagitan ng mobile data ganito ang nangyayari sa iyo.

Nag assign ka ng sarili mong "EXTERNAL IP" na dapat sana ay ang iyong ISP/Network ang nagbibigay para sa iyo upang maka connect ka sa kanila.


Ang solusyon :

Kung hindi mo kabisado ang DNS, TCP/IP protocols huwag mo itong pakialaman at ibalik mo ito sa default settings pati na rin ang iyong Network APN name. Kung hindi pa rin bumalik ang internet mo at siniguradong ibinalik mo na sa dati ang mga pinakialaman mo na mga settings ay nasa ISP/Network o linya mo na ang problema. Tawagan mo na sila at baka may naputol na linya, maintenance at kung ano pang dahilan nila.
 
Dalawa lang ibig sabihin niyan kaibigan..
1..di sila ng bayad ng bill..kaya pinutulan..
2..nag palit na sila ng password..merong ganyang wifi sa amin..

Hindi din bro eh. Naka connect din kasi ako sa laptop ko sa wifi nila pero nakaka browse naman ngayon.
Yung mobile hotspot ng laptop ko dun naka connect yung mobile ko po. Connected pero no internet connection.
 
Oo bro. Unli sawa nga ako sa laptop ko eh. Paano pong sa hotspot ?

Ang layo mo pala bro.
lol lapit ng davao to digos di aabot ng 1hour sa motor btw try mo troubleshoot ang Hotspot mo sundin mo yung tut sa taas if no luck try mo alternative way like hotspot apps if ganun pa rin ba bro =)
 
Kung gumagamit ka ng Pocket wifi/modem/router ganito ang nagyayari sa iyo.

Makaka connect ka talaga sa wifi dahil nag "STATIC IP" address ka. Minsan kasi may mga router maghihintay muna na ma recieve ang "EXTERNAL IP" galing sa ISP/Network mo bago mag assign ng mga "LOCAL IP" para sa mga connected devices nito pero dahil gumamit ka ng manual o "STATIC IP" address sa device mo. Hindi mo na hinintay na bigyan ng automatic assigned "LOCAL IP" ang device mo para maka connect sa WIFI. Naka connect ka nga sa WIFI mo pero hindi ibig sabihin naka connect ka na sa ISP/Network mo.

Kung direkta ka na naka connect sa internet sa pamamagitan ng mobile data ganito ang nangyayari sa iyo.

Nag assign ka ng sarili mong "EXTERNAL IP" na dapat sana ay ang iyong ISP/Network ang nagbibigay para sa iyo upang maka connect ka sa kanila.


Ang solusyon :

Kung hindi mo kabisado ang DNS, TCP/IP protocols huwag mo itong pakialaman at ibalik mo ito sa default settings pati na rin ang iyong Network APN name. Kung hindi pa rin bumalik ang internet mo at siniguradong ibinalik mo na sa dati ang mga pinakialaman mo na mga settings ay nasa ISP/Network o linya mo na ang problema. Tawagan mo na sila at baka may naputol na linya, maintenance at kung ano pang dahilan nila.

Eh, wifi hotspot po ni laptop ang gamit ko po.
 
lol lapit ng davao to digos di aabot ng 1hour sa motor btw try mo troubleshoot ang Hotspot mo sundin mo yung tut sa taas if no luck try mo alternative way like hotspot apps if ganun pa rin ba bro =)

lol, di din kasi ako nasa centro ng davao bro. Malayo pa kami sa davao, 2 hours pa byahe.

Paano po ba mag troubleshoot ng hotspot ?
 
Bakit hindi mo na lang i-connect ng direct yung CP mo sa WiFi ng kapitbahy nyo kung connected naman yung laptop mo. Makikita mo naman sa laptop mo yung password nung WiFi.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top