What's new

Closed Paano gumawa ng "a bit advance" program using python?

Status
Not open for further replies.

mo0nfang

Addict
Joined
Feb 20, 2016
Posts
126
Reaction
14
Points
116
Mga sir... newbee pa po ako sa Programming... Gusto ko gumawa ng desktop program (
NOT some web type of thing like extensions, add-on or similar na gumagamit ng javascript)

Halos lahat ng python tuts sa YøùTùbé ang ineexplain ay kung paano nagwo-work ang syntax, variables, numbers, strings, operators, loops, functions, arrays, classes, objects, etc... (halos napag-aralan ko na lahat ng ito) tapos dun na mag-eend ung buong tutorial.

Tiningan ko ito You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., lahat ng nabanggit ko sa taas (syntax, variables, etc.) ay kapareho lang ng nasa site.

Paano ko gagawin ung desktop program gamit ang mga to?

Gusto ko gumawa ng desktop program using Pyhton rather than just those basic stuff like "print "Hello World", calculate these and that, if... yes, do that, else... do this" stuff which is what I mostly see on YøùTùbé tuts.

Eto ung program na gusto ko gawin:

May pinipuntahan ako isang site (di ko na babanggitin) ng madalas. Madami ako inoopen na link dun. Kaso, naglalagay ung admin ng URL shortener sa bawat link sa site..."urlshrotener.com/before_the_actual_link" kaya, ineerase ko muna ung ibang characters dun sa actual link para diretso nako sa actual link.

Ang gagawin ng program:

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. (ginuhitan ko ng yellow ung mga character na idedelete)

1. When I run the program, may window na lalabas at may start button sa gitna.

2. Pag inopen ko browser (Chrome), at pumunta sa "examplesite.com, then pag kinlick ko ung start button... then eerase nya ung first 44 character sa URL. Tapos na.

Nakagawa nako ng [GUI](You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) na nakuha ko [dito](You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). Pero di ko na alam anung susunod na code ilalagay.

Gusto ko po matuto magprogramming (specifically in Python) beyond basic level... ayoko na puro lang add, multiply, divide, subtract, print "hello World" ang magagawa.
 
Last edited:
haha mukhang alam ko yang site na yan TS pr0n site ba yan?

gumawa din kasi ako ng simpleng script na i hindi niya isasali ang first 45 chars at i eerase ang %2F na character.
kaso ang ginawa ko walang GUI. Cmd lang need.

bale ang mangyayari punta ka sa site tapos copy link address tapos i run ang script sa cmd tapos i paste ang link tapos enter. automatic na tatanggalin niya ang first 45 chars tapos yung iba pang char na di need.

naka loop yung script ko kaya copy kang lang address tapos paste at enter sa cmd.
 
eto TS explain ko nalang.

ilista muna natin mga gagawin.

  1. punta sa site
  2. right click video at copy link adress
  3. run script at i paste ang link
  4. gagawin ni script i a output niya ang link address na wala na yung mga hindi kailangan na characters
  5. copy natin ang output at i paste sa address bar
ngayon ang gagawan mo lang ng code diyan ay ang #4 (pwede rin ang 5 kung tinatamad ka mag copy.)

eto ang mga kailanga mong malaman sa python:

input(), string indexing at slicing, replace method at optional : (pyperclip module )

sa python kung gusto mong humingi ng input galing sa user need mo ang input() function.

ex.
Code:
 name = input('Enter your name: ')

ngayon pag ni run mo yan ang output niya ay:

Code:
 Enter your name:

pag nag enter na yung user ng name niya ma iistore yan ngayon sa variable na 'name'

at pwede mo ng gawin ang mga gusto mo sa input ni user.

i explain ko ngayon ang indexing at slicing.

ang string sa python ay may index o yung bilang ng every element ng string.

ex. ang string na 'Hello World'.

0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
H e l l o W o r l d

bale may index din ang 'space'.

kunwari inistore mo yung 'Hello World' sa variable na a:

Code:
 a = 'Hello World'

at ginawa mo to :

Code:
 print(a[0])

kukunin niya ngayon yung index 0 ng string na 'Hello World' at yun yung i piprint niya.

eto ang output:

Code:
 'H'

dahil ang kinuha mo lang ay yung pinaka una niyang index ang index 0

tandaan mo lang na kung gusto mo kunin ang index ng string kailangan mo yung variable at yung index ng string. at yung index na gusto mo ilalagay mo sa loob ng bracket [ ]. bale bibilangin mo siya ng mano mano.(meron ding way na hindi mano mano pero di ko na ituturo dito.)

tandaan mo din na lagi ang bilang ay mag sisimula sa 0 sa index. ang length ng string na 'Hello World' ay 11 pero ang index niya hanggang 10 lang.

ngayon yung slicing naman

sa python ang string ay pwede mo ring hatiin ex.

Code:
a = 'Hello World'

print(a[:5])

output:

Code:
 'Hello'

ang nangyari dito [:5] kukunin niya ang index 0 1 2 3 4 at hindi kasama ang 5.

index 0 ay 'H' index 1 ay 'e' index 2 ay 'l' ... etc.

ngayon naman kung gusto mo lang ma print ay 'World' bibilang ka ngayon. sa example ko dun sa taas ang 'W' ay nasa index 6 kaya ang gagawin mo kukunin mo ang index 6 hanggang index 10.

Code:
 print(a[6:])

hindi mo na kailangan i lagay yung index ng huling letter dahil automatic na pag wala kang nilagay sa right part ng slice i pprint niya na yun hanggang dulo.

ex pag nag lagay ka ng number sa right part

Code:
 print(a[6:10])

output niya ay

Code:
 'Worl'

ang basa dito sa part nato a[6:10] print niya yung index 6 but not including index 10.

kung gusto mo matuto pa sa string indexing at slicing search mo nalang.

ngayon naman ang replace method

ay string sa python ay meron ding method. isa dito ay replace method. search mo nalang din kung ano pa ang ibang methods ng string sa python.

ang ginagawa ngayon ng replace ay papalitan niya yung string ng panibagong string na binigay mo.

ang replace method ay 3 argument : old, new at max (old, new lang kailangan natin)

a.replace('old string', 'new' string)

bale ganito gagamitin ulit natin yung ex na a = 'Hello World'

Code:
a = 'Hello World'

a.replace('Hello', 'Hi')

ayan madali lang intindihin i rereplace lang ang 'Hello' at gagawing 'Hi'

note: kailangan ang old argument ay kagaya sa string na binigay natin.

dahil pag ginawa mo a.replace('hello', 'Hi') hindi siya gagana. dapat uppercase din ang 'h' sa hello world na binigay natin.( a.replace('Hello', 'Hi') )

ngayon try mo gawin yung gusto mo gamit yung mga natutunan mo dito.

ex yung sa url : You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

gamitin mo yung indexing at slicing bilangin mo yung every letter at magsimula ka sa 0.

index 0 1 2 3 ay 'http' hanggang umabot ka sa 'e' ng example.com

gagamitin mo ngayon yung slicing

Code:
url =  'http://ouo.io/s/123asd4f/?s=https%3A%2F%2Fexample.com/' 

print(url[42:])

output:

Code:
 example.com/

yung dalawang %2F naman sa dulo i replace mo ng '/'

ex.

Code:
a = example.com/something%2F-something%2F

a.replace('%2F', '/')
 
ex yung sa url : https://phcorner.net/#forbidden#/s/123asd4f/?s=https://example.com/

gamitin mo yung indexing at slicing bilangin mo yung every letter at magsimula ka sa 0.

index 0 1 2 3 ay 'http' hanggang umabot ka sa 'e' ng example.com

gagamitin mo ngayon yung slicing

Code:
url =  'https://phcorner.net/#forbidden#/s/123asd4f/?s=https%3A%2F%2Fexample.com/'

print(url[42:])

output:

Code:
 example.com/

yung dalawang %2F naman sa dulo i replace mo ng '/'

ex.

Code:
a = example.com/something%2F-something%2F

a.replace('%2F', '/')

Galing! Salamat.
 
Galing! Salamat.
:)kung gusto mo ma padali pa pwede ka gumamit ng while loop para laging nag aask ng input kada tapos mong mag convert tapos pyperclip na module para automatic ma copy yung na convert mo na string.

kung gusto mo pag aralan python suggest ko basahin mo yung python crash course at automate the boring stuff with python na book hanap kalang kay google meron dun pdf.

tapos pag alam mo na basics pwede kana mag start ng web scraping.
sa web scraping ang isa sa pwede mong gawin parang i analyze mo yung isang page ex. home page tapos kukunin mo lahat ng link ng video dun at iconvert tapos pwede mo ring gamitan pa ng module na automatic bubuksan yung mga links sa browser.

mas ok pag may goal ka na project dahil yun yung motivation mo para matuto.:)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top