What's new

Closed Nahihirapan akong mag-resign..help please!

Status
Not open for further replies.

IzanamiUchiha

Addict
Joined
Jul 23, 2018
Posts
20
Reaction
1
Points
65
Hindi ko na patatagalin pa, I'm turning 28 yrs. old this year 2018, pinagreresign na ko ng gf ko 12yrs na kami nasa japan kasi siya at gusto niya pumunta na ako dun,nihihirapan akong mag-resign kasi:

1. Ok na ko sa work ko,above minimum naman with good boss.
2. Magaan na ang trabaho kasi may weeks na parang nasa bahay ka lang nag-aantay ng sweldo kahit walang ginagawa, buwan pa nga kung minsan na-sweldo ako ng nakaupo lang.
3. Malapit lang sa bahay ang office 15-20mins.lang ang biyahe.
4. Paalis alis ang boss out of the country, tapos nakakadiskarte pa extra kita.
5. Napamahal na ko sa work kasi 8yrs.na ko sa company.
6. Nasanay na ko sa routine ko kaya diko maisip paano mag-resign
7. At higit sa lahat kasama ko pamilya ko.


Give me some good advice...nahihirapan talaga ako huhuhu
Ang gusto ko kasi dito kami sa Pinas magsama ng gf ko, para di na ako mag-resign. Mas malaki lang kasi ang sweldo sa japan. Teacher pala ang gf ko.

Salamat sa mga magrereply.
 
nasa sayo naman yan ts kung ano pipiliin mo eh, kasi its either gf mo or work mo yan, kung papakasalan mo naman ung gf mo na nasa japan eh mas magandang desisyon un kase pagmumulan pa ng away nyo yan kung bakit ayaw mo umalis sa work mo, pwede rin naman na sabihin mo sa gf mo ung sitwasyon mo, siguradong maiintindihan ka nyan at mkakapagarrive kayo sa mas magandang option
 
Hagis mo yan gf mo hahaha
Hirap maghanap ng trabaho
At bihira ang ganyan kagandang kalagayan sa trabaho

Magusap kayo ng masinsinan ng gf mo tungkol sa kalagayan mo.

Sayang ang trabaho ts. Gf madali lang makahanap hahaha
 
i resign mo ung gf mo kung hindi ka nya kayang intindihin..dito sa pilipinas ang hirap makahanap ng trabaho pero ikaw na may trabaho na sa ibang bansa at stable na sa buhay sasayangin mo paba..practical first before love..just saying..
pero syempre ts..its up to you.
ika nga ng iba " to gain love you must sacrifice"
 
nasa sayo naman yan ts kung ano pipiliin mo eh, kasi its either gf mo or work mo yan, kung papakasalan mo naman ung gf mo na nasa japan eh mas magandang desisyon un kase pagmumulan pa ng away nyo yan kung bakit ayaw mo umalis sa work mo, pwede rin naman na sabihin mo sa gf mo ung sitwasyon mo, siguradong maiintindihan ka nyan at mkakapagarrive kayo sa mas magandang option
Yun na nga Sir gusto niya na magpakasal kami, then tinapat ko siya sabi ko hindi pa ako ready next year, madami pa akong i-aadjust, naintindihan niya nmn daw pero kinabukasan inaway na ko. kaya di kami ok ngayon. para sa kanya hindi daw ako ready magpakasal, ang sinabi ko lang naman eh next year hindi pa ako ready, pero sa 2020 ready na ako..kasi biglaan yung pagkasabi niya, kaya ang time frame ko to be ready is until next year.
 
i resign mo ung gf mo kung hindi ka nya kayang intindihin..dito sa pilipinas ang hirap makahanap ng trabaho pero ikaw na may trabaho na sa ibang bansa at stable na sa buhay sasayangin mo paba..practical first before love..just saying..
pero syempre ts..its up to you.
ika nga ng iba " to gain love you must sacrifice"
qoute ko lang po sir, dito lang po ako sa Pinas nagtatrabaho, si gf nasa japan teacher.
 
Langya minamanduhan ka niya ts, porket maganda kalagayan niya sa japan haha
Sakin di pwede yan ganyan
 
If i were you i choose my family first, marami pang dadaan sa buhay mo na girl saka kung naiintindihan ka nya dapat sumunod sya sa gusto mo ikaw ang lalake eh, eh pano pa kaya kung mag-asawa na kayo, and besides mas malaki ang kita nya sayo baka yan pa pagmulan ng di nyo pagkakaintindihan.
 
Last edited:
Your Job or The one you "love?"

Ganito yan ts:
Kung mahal mo siya, kahit mahirap gagawin mo para sa kanya. (Kung ikabubuti niyo naman pareho)

Kung mahal mo trabaho mo and hindi ka pa ready magsettle with your girlfriend, stay with your job. BUT, may possibility magkalamat pagsasama niyo. Kase baka isipin niya na mas pinili mo yong trabaho kesa sa kanya.

Siguro mas mabuting magisip ka ng paraan para mapagusapan niyo yan.
 
work 1st dina uso ang family 1st panu ka bubuo ng pamilya kung wala kang trabaho . walang pera = walang pamilya . sa panahon ngayon praktikalan . pupunta ka nga ng japan anung gagawen mo dun ? kala moba basta basta nakakapasok ng trabaho dun .
 
Yun na nga Sir gusto niya na magpakasal kami, then tinapat ko siya sabi ko hindi pa ako ready next year, madami pa akong i-aadjust, naintindihan niya nmn daw pero kinabukasan inaway na ko. kaya di kami ok ngayon. para sa kanya hindi daw ako ready magpakasal, ang sinabi ko lang naman eh next year hindi pa ako ready, pero sa 2020 ready na ako..kasi biglaan yung pagkasabi niya, kaya ang time frame ko to be ready is until next year.
Too bad Ts, feeling nya wala kang planong pakasalan sya..
 
Si gf na ba ang the one mo? I mean pangdambana na ba at pag dating mo sa Japan may stable job din bang sure na naghihintay para sayo? Kahit ano pa man ipayo naming lahat, kaw pa rin ang masusunod repa sa desisyon mo, choose wisely dahil mahirap ang buhay ngayon, tama sila sa taas mahirap naman talaga makahanap ng trabaho na ok ang swelduhan at convinience gaya ng description mo sa job mo.
 
If i were you i choose my family first, marami pang dadaan sa buhay mo na girl saka kung naiintindihan ka nya dapat sumunod sya sa gusto mo ikaw ang lalake eh, eh pano pa kaya kung mag-asawa na kayo, and besides mas malaki ang kita nya sayo baka yan pa pagmulan di nyo pagkakaintindihan.
Girl ka diba? para sayo ba ano masasabi mo? kasi sa part niya gusto niya na magsama na kami, kasal ganun, kasi may nakausap siya na friend niya dun sa japan na pagkasal na daw siya pwede na daw ako magpart time job dun sa japan. Napansin ko lang naman na parang biglaan yung gusto niya mangyari, naisip ko na na-hype lang siya dun sa balita ng friend niya.
 
work 1st dina uso ang family 1st panu ka bubuo ng pamilya kung wala kang trabaho . walang pera = walang pamilya . sa panahon ngayon praktikalan . pupunta ka nga ng japan anung gagawen mo dun ? kala moba basta basta nakakapasok ng trabaho dun .

Yun din ang punto ko, sabi niya nga pwde ako magpart time, pero di nanamn ganun kadali kahit nandun na ko siyempre need mo mag aral pa ng japanese language. Tapos kasi mas malaki sinisweldo niya na nafefeel ko na bka maging under ako, kakainin ko yung pride ko?nagets mo?syempre mas malaki sweldo niya eh alangan naman mag malaki ako sa kanya everytime na may away na mangyari, eh may mga pride tayong mga lalaki diba na gusto natin mas tayo yung nagpprovide kesa sa mga babae.
 
Too bad Ts, feeling nya wala kang planong pakasalan sya..
Yun na nga ang nangyari Sir, yun ang labas sa kanya..feeling niya wala akong balak pakasalan siya. Totoo naman yung sinabi ko na marami akong iaadjust, mentally, emotionally, financially din..kaya nasabi ko hindi pa ako ready next year.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top