What's new

Closed Unlock bootloader and root lg v20 h990ds

Status
Not open for further replies.

speedstar1

Addict
Joined
Jul 12, 2018
Posts
86
Reaction
19
Points
85
Disclaimer: Para po sa mga susubok nitong tutorial, wala po ako pananagutan kung may masamang mangyari sa unit nyo. Lahat po ng nabanggit ko dito ay base sa tutorial na sinundan ko sa XDA developers. Maging maingat lang po at basahin maigi ang tutorial bago subukan ang mga mababanggit na commands. Maaaring masira o ma-brick ang inyong device kung magkakamali kaya po huwag madaliin ang proseso ng root. Kung medyo naguguluhan o nakukulangan sa instructions ko, sundan lang po ang original tutorial sa XDA na nilagay ko na rin sa baba.

Known issues base from experience:
- pagkatapos ng root, tuwing magrereboot o power on ang unit, lalabas ang error na nagsasabing corrupted ang device. normal lang po ito dahil custom kernel na ang laman ng unit at hindi ito kinikilala ni LG. hintayin lang po at tutuloy ang pagboot ng device

- Base sa experience ko naghahang ang unit ko kapag nagsasaksak ako ng OTG drive. so far wala pa ako mahanap na fix para dito.

Tutorial Sources:
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Downgrade tutorial
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Install ADB and Fastboot Tutorial
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Downloads:
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
- You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Requirements:
- Windows PC
- Good quality USB Type C cable

Pre-root procedures:
1. Kung may antivirus ka na umaandar sa computer, i-turn off muna ito bago simulan ang mga susunod ng procedure

2. Kung hindi pa naka enable ang developer options sa phone mo, pumunta sa settings > about phone > common > software info. Pindutin na ilang beses ang build number hanggang lumabas ang developer options.

3. Sa developer options, hanaping ang USB debugging at buksan ito.

4. Pumunta sa drive C: ng computer at gumawa ng folder na pangalanan natin android. dito sa folder na ito natin ialalagay lahat ng kailangang files na gagamitin.

5. Install ang ADB and FASTBOOT tools. base sa installer na nasa itaas, sundan ang instructions kung saan ito ma-i-install. Install din ang LG Mobile Drivers.

6. Bago lahat subukan muna natin kung gagana yung adb at fastboot tools. Magbukas ng command prompt at pumunta sa folder kung nasaan ang adb at fastboot. sa akin nasa drive D:/Android.

7. Ikabit ang phone sa computer gamit ang usb cable. bago ikabit siguraduhin naka on ang usb debugging sa developer options

8. Sa command prompt na binuksan, i-type ang "adb devices" at tingnan kung lalabas ang device mo. may lalabas dapat na LGH990????????? device. kung hindi ito lumabas tingnan maigi kung tama ang location ng adb tools mo o naka on ang debugging options

9. Kung naka on ang SD card encryption. i-turn off ito at alisin din ang secure startup pin. Settings > General > Fingerprints and Security

10. Kung gumagamit ka ng launcher tulad ng smart o nova, alisin muna ito ang gamitin ang stock launcher ni LG. Nagkaroon ng error ang phone ko ng nagroot ako na naka smart launcher

11. Gumawa ng backup ng phone sa computer gamit ang LG Backup

12. Mag-data factory reset para masiguro na walang errors na lumabas. Settings > General > Backup and Reset > Factory Data Reset

13. Extract sa isang folder ang Dirty Santa files at kopyahin ang laman ng folder na ito sa folder ng ADB and Fastboot tools

14. Kopyahin ang TWRP at h990_kernel file sa SD Card. Siguraduhin na hindi ilagay sa kahit anong folder ang zip at img file sa SD card

15. Mag-install ng Terminal emulator sa phone. Ginamit ko Termius na mahahanap sa google app store

Bootloader unlock and Root Procedures: (Be very careful)
1. Alamin ang software version at android security ρá†ch level ng iyong device. Pumunta sa settings > about phone > common > software info. yung sa akin V10h-AME-XX ang version at January 1, 2018 ang ρá†ch level.

2. Kung ang ρá†ch level ay 2017 to 2018 ang year, kailangan natin i-downgrade ang firmware ng phone sa lumang firmware na meron ρá†ch level na 2016. Kung nasa 2016 ρá†ch level at ang version ay 10a or 10b, skip na ang step 3.

3. Pumunta sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. at idownload ang tamang firmware version. malalaman ito gamit yung software info na nakuha kanina, sa akin may AME meaning ang region nya Africa kaya dinownload ko yung H990ds10b_00_OPEN_AME_DS_OP_1103.kdz na merong date na December 23, 2016. Kailangan ito para gumana yung pang-unlock ng bootloader gamit ang dirty santa exploit. Gamitin ang LGUP software para madowngrade ang device sa lumang firmware. Sundan lang po ang tutorial na nilagay ko sa itaas.

4. magbukas ng command prompt at pumunta sa directory ng adb at fastboot. i-type ang "RUNMEFIRST.bat"
(hindi kasama ang quote symbols) huwag ito isara.

5. magbukas ulit ng bagong command prompt at pumunta ulit sa location ng adb at fastboot tools. i-type ang "step1.bat" (hindi kasama ang quote symbols) at hintayin na makapagtype ulit sa command prompt na ito

6. kapag pwede na ulit magtype, i-type naman ang "run-as con" (hindi kasama ang quote symbols). kung may lumabas na "unknown package error" ibig sabihin mataas ang firmware version mo at kailangan mo ito i-downgrade. kung wala naman error proceed sa next step

7. Sa parehong command prompt ulit. i-type ang "chmod 0777 /storage/emulated/0/* " (hindi kasama ang quote symbols)

8. Sa phone buksan ang napiling terminal emulator tulad ng termius at i-type ang "id" (hindi kasama ang quote symbols)

9. Kung may lumabas na untrusted_app sa terminal, proceed sa next step otherwise ulitin ulit mula umpisa

10. Sa parehong terminal emulator sa phone, i-type ang "applypatch /system/bin/atd /storage/emulated/0/dirtysanta" (hindi kasama ang quote symbols)

11. Bumalik sa naunang command prompt kung nasaan natin nilagay ang RUNMEFIRST.bat at hintayin na sabihin nito na i-run ang step2.bat

12. Magbukas ulit ng ikatlong command prompt at pumunta ulit sa location ng abd and fastboot tools. i-type ang "step2.bat" (hindi kasama ang quote symbols) at hintayin matapos.

13. Magbukas ng ikaapat na command prompt at i-type ang "fastboot flash recovery twrp-3.0.2-1-h990.img" (hindi kasama ang quote symbols) at hintayin ito matapos.

14. Sa ikaapat na command prompt i-type ulit ang command na nabanggit sa step 13. maghintay ng 1 minute pagkatapos itype ang command. Pagkatapos ulitin ulit ang command sa step 13 at maghintay ulit ng 1 minute

15. Alisin na ang cable sa phone at alisin ang baterya. Maghintay ng 5 segundo at ibalik ulit ang baterya

16. Magboot sa TWRP recovery. Pindutin at i-hold ang volume down button at pindutin at i-hold ang power button hanggang lumabas ang LG logo. paglabas ng LG logo, sandaling (split second) bitawan ang power button at pindutin ulit at i-hold ito

17. Kapag may lumabas na "Delete all user data and reset all settings?" piliin ang YES na dalawang beses

18. Kapag nasa TWRP na, press cancel kapag tinanong ng password at i-swipe right to allow system modifications

19. Sa TWRP pwede gumawa ng backup at pagkatapos magbackup, press WIPE tapos swipe to factory reset.

20. Click format data at i-type ang YES para magsimula ang formatting

21. Balik sa main menu at press MOUNT at i-check ang external sd card. Pagkatapos ng mount balik ulit sa main menu

22. Press INSTALL at pumunta sa external sd card. Piliin ang H990_kernel_0.2.4.zip na nilagay. pagnatapos, balik sa main menu at press ulit ng INSTALL, bumalik sa sd card at piliin naman ang magisk file (ito pinili ko na way ng root pero pwede din SUPERSU)

23. Balik ulit sa main menu at press REBOOT

24. May lalabas na red triangle at nakalagay phone is corrupted, huwag mag-alala at normal ito, hintayin lang na magtuloy ang boot

25. Congrats at rooted na LG v20 H990DS mo, pwede ka magdownload ng ROOT Checker sa app store para malaman kung rooted na device mo


Salamat sa pagbasa ng aking tutorial sana makatulong ito
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top