What's new

Closed Leptospirosis alert: (please share)

Status
Not open for further replies.

rayan 18

Honorary Poster
Joined
Oct 21, 2014
Posts
204
Reaction
77
Points
137
Age
30

LEPTOSPIROSIS: Nakamamatay
Anong Gagawin Kapag Lumusong Sa Baha?

Mula kay"Doc Willie Ong"

ANG leptospirosis ay isang sakit na galing sa ihi ng daga.
Saan nakukuha ang leptospirosis? Kapag may sugat ang iyong paa at lumusong ka sa baha, posibleng pumasok ang leptospirosis bacteria sa iyong katawan. Makukuha rin ito sa maruming putik.

Ang sintomas nito ay ang matinding pananakit ng katawan. Nakararanas din ng paglalagnat at paninilaw ng mata. Lumalabas ang sintomas ng leptospirosis pagkaraan ng 5 hanggang 14 araw pagkalusong sa baha.

Matindi ang komplikasyon nito. Puwedeng masira ang bato, atay, puso, baga at utak. Kadalasan ay ang bato ang tinatamaan at umaabot ang sakit sa kidney failure at dialysis. May 20% ang namamatay.

Paano iiwas sa leptospirosis:
1. Huwag lumusong o maligo sa baha. Umiwas sa putikan at maruruming swimming pool.
2. Magsuot ng bota at gloves bago lumusong sa baha.
3. Kung hindi makaiwas sa baha, maglinis agad ng paa at katawan. Maglagay ng alkohol sa lahat ng nabasang parte ng katawan.
4. Ikontrol ang daga sa bahay at kapaligiran.
6. Gamutin ang sugat sa paa at kamay. Marami ang nagkakaroon ng alipunga sa paa dahil sa baha. Lagyan ito ng anti-fungal cream.

Pag-iwas sa leptospirosis:
- Para sa mga lumusong sa baha, uminom ng 2 capsule ng Doxycycline 100 mg capsule bawat araw. Gawin ito ng 4 na araw.
Ito’y binibigay bilang proteksyon laban sa leptospirosis. (Bawal ang doxycycline sa 8 year old bata at buntis.) Kumonsulta sa doktor.

Kung nagkaroon na ng sintomas ng leptospirosis, pumunta agad sa ospital. Kailangan kang mainiksyunan ng antibiotic sa loob ng 4 na araw ng pagkakasakit. Take care po.


Ps. Fan po ako ni Dr Ong!
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top