What's new

Closed "itanggi ko man, ginusto naman kita ng lubusan"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
Chou the 9k critical punch man
Free speech poetry requested by: unknown


"Itanggi ko man, ginusto naman kita ng lubusan"


Ang pagpili, sa mga pagkakataong ayaw mong aminin
Halintulad na lamang sa mga larong nakahilig
Na kahit ilang bese ko mang itong sabihin
Na di ko gusto ang karakter na piliin

Madalas na rin sa mga rason
Kung bakit minsan ko nang kinamuhian ngayon
Ang karakter na na labis kong sinubukan
Sinubok-subukan ko nang kalimutan

Subalit, dumarating sa punto na
Halos sila'y nakapili na
Na tila ba ako na lamang ang natitira
Kundi ang balikan ang ayaw ko, tila walang magagawa

Ang pag-ibig ko ay para lamang si chou
Isa sa labis kong iniiwasan sa mundong ito
Kung bakit sa dinami-rami ng pagkakataon
Tila ba ako'y pinaglalaruan ng panahon

Ang pag-ibig, ay para ring isang laro
Maraming seryoso, madami ding mapaglaro
May mmga mabait, magalang at matino
May mga ilang *****, mapanghusga at di matino

Laro? sa tingin mo ba ang laro'y basta na lamang paglaruan?
Di ba maaaring seryusuhin nang ating mapagtagumpayan?
Upang sa gayon, matuto tayong tumayo at manalo
Anumang mangyari binigay natin ang lahat kahit matalo

Hindi ko lubos maisip kung bakit kay rami ng sumusuko
Napakaaga pa lamang pero give up na ang yung puso
Napakaraming paraan gamitin mo ang iyong pag-iisip
Samahan mo ng dedikasyon, pati pintig ng iyong ******

Lagyan mo ng puso, dun mo malalaman ang totoo
Ang totoong gusto mo, ang totoo sa mga ayaw mo
Dahil kahiit anong pilit mong sabihing HINDI
Lalabas at lalabas pa rin yung totoong OO sa pagtanggi

Ganyan na ganyan ang pag-ibig ko ngayon
Kahit anuman ang pilit ko na makalimot
ITANGGI KO MAN ito hanggang sa kasalukuyan
Lalabas pa rin ang katotohanang GINUSTO NAMAN KITA NG LUBUSAN


-madpro



https://phc.onl/#forbidden#/EN4IEPwMGlM
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top