https://phc.onl/#forbidden#/2Xu_V2MyswE
"NAKALIGTAANG PANAHON"
Parang kailan lang
Tayo ay mga bata pa
Habang akay-akay ng ating ina
Puno ng pagmamahal ni ama
Ngayon nauunawaan ko na
Mga bagay na noon bakit nga ba?
Mga tanong sa isipang bakit
Ngayo'y mga kasagutan nga'y nakamit
Napakarupok pala ng isip
Bakit kayang buwagin ng inip
Na noong bata pa lamang
Di pa naiisip ang ganitong ganap
Ngayon ay naunawaan ko na
Mga bagay na akala ko'y madali
Yun pala'y mas mahirap pa
Sa papilit kung ngumiti
Mga bagay na di sa atin maibigay
Imbes na umintindi, tayo pa ay umaangal
Imbes na intindihin, tayo pa ang maingay
Imbes na manatili, tayo pa ang tipong nag-iiwan
Sadya nga bang mapagbiro ang panahon?
Bakit ang pagkatuto ay ipinagkait ng pagkakataon?
Kung kailan habang bata pa
Ni minsan di tayo nagtaka
Ni hindi manlang sumagi sa ating isip
Ang mga makabuluhang panaginip
Na nananatili pa ring ala-ala
Ng mga kahapon na tila nalalathala
Sadya nga bang kumukupas ang panahon?
Gaya ng mga tao na natanda paglaon?
Wala bang paraan para magbalik sa nakaraan?
Wala nga ba? at nang muli nating maitama pa
Napakabagsik ng mga sandali
Mga tawa ko dating higit pa sa ngiti
Akala ko ay ganun lang kadali
May mga hirap pala silang kinukubli
Nayon ay nauunawaan ko na
Mga bagay na di na dapat at di na sana
Di na dapat pang nangyari't nagawa
At di na sana pa nagawi nang di na nawala
Pagkakataong maintindihan ang lahat
Ngayo'y akin nang nadarama sa pagtanda
Ganito nga ba ang patakaran ng ating tadhana?
Ang matuto sa ating unting pagkatanda
Kung gayun man ang nais ko lamang
Ay magkaroon ng silbi ang nagdaang araw
Kung kailan ako'y paslit pa lamang
Nananabik at nadadarang
Muli ay akin sanang magampanan
Ang misyong muling aking maintindihan
At sa darating pang umaga, muli ay aking maalala
Mga nakaligtaang panahon sa buhay nating nailathala
-madpro
"NAKALIGTAANG PANAHON"
Parang kailan lang
Tayo ay mga bata pa
Habang akay-akay ng ating ina
Puno ng pagmamahal ni ama
Ngayon nauunawaan ko na
Mga bagay na noon bakit nga ba?
Mga tanong sa isipang bakit
Ngayo'y mga kasagutan nga'y nakamit
Napakarupok pala ng isip
Bakit kayang buwagin ng inip
Na noong bata pa lamang
Di pa naiisip ang ganitong ganap
Ngayon ay naunawaan ko na
Mga bagay na akala ko'y madali
Yun pala'y mas mahirap pa
Sa papilit kung ngumiti
Mga bagay na di sa atin maibigay
Imbes na umintindi, tayo pa ay umaangal
Imbes na intindihin, tayo pa ang maingay
Imbes na manatili, tayo pa ang tipong nag-iiwan
Sadya nga bang mapagbiro ang panahon?
Bakit ang pagkatuto ay ipinagkait ng pagkakataon?
Kung kailan habang bata pa
Ni minsan di tayo nagtaka
Ni hindi manlang sumagi sa ating isip
Ang mga makabuluhang panaginip
Na nananatili pa ring ala-ala
Ng mga kahapon na tila nalalathala
Sadya nga bang kumukupas ang panahon?
Gaya ng mga tao na natanda paglaon?
Wala bang paraan para magbalik sa nakaraan?
Wala nga ba? at nang muli nating maitama pa
Napakabagsik ng mga sandali
Mga tawa ko dating higit pa sa ngiti
Akala ko ay ganun lang kadali
May mga hirap pala silang kinukubli
Nayon ay nauunawaan ko na
Mga bagay na di na dapat at di na sana
Di na dapat pang nangyari't nagawa
At di na sana pa nagawi nang di na nawala
Pagkakataong maintindihan ang lahat
Ngayo'y akin nang nadarama sa pagtanda
Ganito nga ba ang patakaran ng ating tadhana?
Ang matuto sa ating unting pagkatanda
Kung gayun man ang nais ko lamang
Ay magkaroon ng silbi ang nagdaang araw
Kung kailan ako'y paslit pa lamang
Nananabik at nadadarang
Muli ay akin sanang magampanan
Ang misyong muling aking maintindihan
At sa darating pang umaga, muli ay aking maalala
Mga nakaligtaang panahon sa buhay nating nailathala
-madpro
Attachments
-
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.