What's new

Closed Peace talk: bakit mahalaga na maituloy

Status
Not open for further replies.
PEACE TALK: BAKIT MAHALAGA NA MAITULOY
Ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front (NDFP) ay naglalayong tapusin ang armadong tunggalian na nagaganap sa pilipinas sa pagitan ng GRP at ng CPP-NPA-NDFP sa pamamagitan ng paglutas sa armadong tunggalian.

Bakit ba may armadong labanan?
Kahirapan, kawalan ng soberanya, kawalan ng tunay na pag unlad, pang aapi at pagsasamantala ang mga dahilan kung bakit may armadong labanan.

Ang usapin sa peace talk ay hindi lamang para sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal. Ito ay naka ugat sa bawat interes ng mamamayan. Ang kawalan ng lupa ng magsasaka at ang kawalan ng pilipinas para sumandig sa sarili niya industriya.

Naging maingay sa balita ang pagkansela na naman ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front (NDFP) at Gobyerno ng Pilipinas (GRP) na naganap sana nitong Hunyo 28 matapos I kansela ito ni Duterte sa kadahilanan na pag aaralan muna nila ang nilalaman na usapang pangkapayapaan at ang pagkonsulta sa publiko nito.

Pero ang totoo, sa ikalimang round ng usapan, nakatakda na sanang lagdaan ng dalawang panig ang pinaka puso o mahalagang kasunduan hinggil sa mga repormang sosyo-ekonomiko, ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser). Ang pinakamahalaga na dapat mapagkasunduan Bukod sa pagbibigay-daan sa isang sabayang unilateral ceasefire sa magkabilang panig, magbebenepisyo sana dito ang milyun-milyong Pilipinong magsasaka at manggagawa. Ang kasunduan na hindi inilalathala at ibinabalita ng media.

Kasama sa lalagdaan sanang CASER:
  • Libreng pamamahagi sa lupaing agrikultura para sa mga magsasaka, manggagawang bukid, at mangingisda;
  • Nakatakdang mabilis na ipapamahagi ang lupain sa mga benepisyaryong matagal nang pinagkakaitan ng karapatan nila sa lupa;
  • Lalawak ang sakop ng repormang agraryo para sakupin ang mga plantasyon at malalaking komersiyal na mga sakahan na sakop ng iba’t ibang iskema na pinatupad para iwasan ang repormang agraryo;
  • May mga hakbang na ipapatupad para ipagbawal ang mapagsamantalang pangungutang at pangangalakal sa agrikultura;
  • Magkakaisa sana ang NDFP at gobyerno ng Pilipinas (GRP) sa pangangailangan para sa pambansang industriyalisasyon at pagpaplano para sa pagpapaunlad ng mga industriyang Pilipino;
  • Gagawa sana ng mga hakbang para masigurong matitigil ang mga dayuhang pamumuhunan na di-papabor sa pambansang ekonomiya;
  • Mapoprotektahan sana ang local na mga industrialist at maliliit na empresa;
  • Pahahalagahan sana ang pagsasabansa ng pampublikong mga yutitlidad tulad ng kuryente, tubig at langis;
  • Pumayag na sana ang dalawang panig na tumukoy ng susing mga industriya na iindustriyalisa;
  • Kikilalanin sana ang kahalagahan ng mga union at mga konseho ng mga manggagawa.
Ipinipilit pa rin ni Duterte ang kanyang mariin kahilingan na itigil ang pangongolekta ng rebolutionary tax ng armadong grupo sa mga minahan ng malalaking negosyante. Ibig lang ba sabihin nito na mas pinoprotektahan pa niya ang interes ng mga dayuhan minahan at negosyante kesa ituloy ang usapan pangkapayapaan na para sa atin naman mamamayan Pilipino at sa bansa ang kagandahan nito.

Matapos ang paglagda sa Caser, nakatakda na sanang pag-usapan ang mga repormang pampulitika at konstitusyonal.

Sino nga ba mamamayan ang ayaw matapos ang matagal na armadong labanan at magkaroon ng kapayapaan kung ang pagkakasunduan pala dito ay para sa ikabubuti at tunay na ikauunlad ng pilipinas? Bakit ang mga kaliwang grupo pa ang nagsusulong nito na dapat ay tungkulin mismo ng pamahalaan gobyerno na maibigay sa mamamayan ang mga interes at kagalingan nito.?

“Buo ang responsabilidad ni Pangulong Duterte sa pagkabigo ng mga usapan sa mga repormang sosyo-ekonomiko dahil sa mabilis niyang pagtalikod at pagtindi ng pandarahas sa mga puwersang rebolusyonaryo at mga mamamayan,” sabi ni Julieta de Lima, tagapangulo ng NDFP Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms.
 
Last edited:
Ang kalagayan po ng pilipinas ngayon ay hindi natin masasabi na itinakda ng tadhana, kundi kusang darating at mangyayari kahit na nabubuhay pa si FM ngayon. Darating talaga ito mangyayari na magiging pahirap ang kalagayan ng pilipino.

Dahil ang bansa natin ay nasa mala kolonyal na kalagayan o kontrol ng dayuhan. Meron patakaran o polisiya ang mga dayuhan kung paano sila makakapaghari sa internasyunal na kalakalan. Kung paano sila manunupil sa mga 3rd world country para pagbagsakan ng kanilang kalakal at samantalahin ang kahirapan para mandambong ng super yaman.

Ito ang neoliberalization na patakaran ng mga dayuhan tulad kung paano babaratin ang sahod, kontraktwalisasyon, mataas na buwis. Kasama na dito ang pagdidikta sa gobyerno para sa privatization ng mga pampublikong pagaari, deregulation, pigilan tayo magkaroon ng sariling industriya at ibaon tayo sa utang para ang pilipinas ay umasa na lamang sa kanila.

Kung nabubuhay lang si Marcos ngayon wala din siya magagawa sa dikta ng dayuhan dahil puppet nga lamang sila at susunod lamang sila sa amo nila.
 
Kung nabubuhay lang si pangulong marcos ngayon at siya parin ang presidente , siguro mas mayaman pa ang bansa natin kaysa sa japan at lahat ng mga katulad mo ay nalipol na ts xD rofl

Alam mo ts yan kontraktualisasyon at privatization ay nagsimula noong napatalsik ng mga amo mo si pangulong marcos

XD rofl
 
^
A "dictator" who created a nutrition program where Filipino school children would receive free nutribuns.
A "dictator" who fired generals who were reported of abuse during martial law.
A "dictator" who declared martial law after series of bombings in the country.
A "dictator" who built infrastractures, bridges, and railways.
A "dictator" where the country had an airforce capable of courting a foreign country's president.
A "dictator" who was and still by today appreciated by Filipinos who have seen what he's built for the country and refuse to fall for the media's too one sided stories all the time.
 
Beri wel sed
 
Well si Arroyo madami din projects, should I consider her not corrupt?
 
^
A "dictator" who created a nutrition program where Filipino school children would receive free nutribuns.
A "dictator" who fired generals who were reported of abuse during martial law.
A "dictator" who declared martial law after series of bombings in the country.
A "dictator" who built infrastractures, bridges, and railways.
A "dictator" where the country had an airforce capable of courting a foreign country's president.
A "dictator" who was and still by today appreciated by Filipinos who have seen what he's built for the country and refuse to fall for the media's too one sided stories all the time.
dictator para sa malaking bilang ng mahihirap pero hindi sa mga ka uri niya mayayaman, oligarch at crony niya
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top