What's new

Closed Peace talk: bakit mahalaga na maituloy

Status
Not open for further replies.
PEACE TALK: BAKIT MAHALAGA NA MAITULOY
Ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front (NDFP) ay naglalayong tapusin ang armadong tunggalian na nagaganap sa pilipinas sa pagitan ng GRP at ng CPP-NPA-NDFP sa pamamagitan ng paglutas sa armadong tunggalian.

Bakit ba may armadong labanan?
Kahirapan, kawalan ng soberanya, kawalan ng tunay na pag unlad, pang aapi at pagsasamantala ang mga dahilan kung bakit may armadong labanan.

Ang usapin sa peace talk ay hindi lamang para sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal. Ito ay naka ugat sa bawat interes ng mamamayan. Ang kawalan ng lupa ng magsasaka at ang kawalan ng pilipinas para sumandig sa sarili niya industriya.

Naging maingay sa balita ang pagkansela na naman ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front (NDFP) at Gobyerno ng Pilipinas (GRP) na naganap sana nitong Hunyo 28 matapos I kansela ito ni Duterte sa kadahilanan na pag aaralan muna nila ang nilalaman na usapang pangkapayapaan at ang pagkonsulta sa publiko nito.

Pero ang totoo, sa ikalimang round ng usapan, nakatakda na sanang lagdaan ng dalawang panig ang pinaka puso o mahalagang kasunduan hinggil sa mga repormang sosyo-ekonomiko, ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser). Ang pinakamahalaga na dapat mapagkasunduan Bukod sa pagbibigay-daan sa isang sabayang unilateral ceasefire sa magkabilang panig, magbebenepisyo sana dito ang milyun-milyong Pilipinong magsasaka at manggagawa. Ang kasunduan na hindi inilalathala at ibinabalita ng media.

Kasama sa lalagdaan sanang CASER:
  • Libreng pamamahagi sa lupaing agrikultura para sa mga magsasaka, manggagawang bukid, at mangingisda;
  • Nakatakdang mabilis na ipapamahagi ang lupain sa mga benepisyaryong matagal nang pinagkakaitan ng karapatan nila sa lupa;
  • Lalawak ang sakop ng repormang agraryo para sakupin ang mga plantasyon at malalaking komersiyal na mga sakahan na sakop ng iba’t ibang iskema na pinatupad para iwasan ang repormang agraryo;
  • May mga hakbang na ipapatupad para ipagbawal ang mapagsamantalang pangungutang at pangangalakal sa agrikultura;
  • Magkakaisa sana ang NDFP at gobyerno ng Pilipinas (GRP) sa pangangailangan para sa pambansang industriyalisasyon at pagpaplano para sa pagpapaunlad ng mga industriyang Pilipino;
  • Gagawa sana ng mga hakbang para masigurong matitigil ang mga dayuhang pamumuhunan na di-papabor sa pambansang ekonomiya;
  • Mapoprotektahan sana ang local na mga industrialist at maliliit na empresa;
  • Pahahalagahan sana ang pagsasabansa ng pampublikong mga yutitlidad tulad ng kuryente, tubig at langis;
  • Pumayag na sana ang dalawang panig na tumukoy ng susing mga industriya na iindustriyalisa;
  • Kikilalanin sana ang kahalagahan ng mga union at mga konseho ng mga manggagawa.
Ipinipilit pa rin ni Duterte ang kanyang mariin kahilingan na itigil ang pangongolekta ng rebolutionary tax ng armadong grupo sa mga minahan ng malalaking negosyante. Ibig lang ba sabihin nito na mas pinoprotektahan pa niya ang interes ng mga dayuhan minahan at negosyante kesa ituloy ang usapan pangkapayapaan na para sa atin naman mamamayan Pilipino at sa bansa ang kagandahan nito.

Matapos ang paglagda sa Caser, nakatakda na sanang pag-usapan ang mga repormang pampulitika at konstitusyonal.

Sino nga ba mamamayan ang ayaw matapos ang matagal na armadong labanan at magkaroon ng kapayapaan kung ang pagkakasunduan pala dito ay para sa ikabubuti at tunay na ikauunlad ng pilipinas? Bakit ang mga kaliwang grupo pa ang nagsusulong nito na dapat ay tungkulin mismo ng pamahalaan gobyerno na maibigay sa mamamayan ang mga interes at kagalingan nito.?

“Buo ang responsabilidad ni Pangulong Duterte sa pagkabigo ng mga usapan sa mga repormang sosyo-ekonomiko dahil sa mabilis niyang pagtalikod at pagtindi ng pandarahas sa mga puwersang rebolusyonaryo at mga mamamayan,” sabi ni Julieta de Lima, tagapangulo ng NDFP Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms.
 
Last edited:
Alam mo problema?Pag walang trabaho reklamo,pag may trabaho reklamo pa rin.Maliit sahod reklamo.Pinirmahan endo reklamo.Matuto kayo,nsa tao yan paano sya dumeskarte.Site ko sayo example:4 kami magkakapatid..papa ko trabaho sa minisipyo casual.Nagpapanday kahit anu.anu,nagmamatador sa weekend.2 kami nkapagtapos sa private school bqcalaureate degree.Maraming proffessional sa amin nagtataka panu nagawa ng papa ko yun.So masasabi nsa tao yan sa determinasyon.
lahat ng tao nagsisikap walang tao tamad dahil tayo lahat ay kailangan magtrabaho para mabuhay. Hindi lahat ng tao ay sinuswerte sa buhay.
Tumitingin tayo sa pangkalahatan pagsasaayos ng buhay ng lahat ng pilipino.. Hindi indibidwal na pagunlad o pagiging makasarili. Wala sila pinagkaiba sa mga kapitalistang ganid sa tubo para yumaman kahit may apakan.

Hindi mo na kailangan magsumikap para mapaayos ang buhay. Sapat na kung may trabaho ka. Kulturang ibinaon sa atin para lalo tayo magsumikap na paglingkuran sila sa atin pagsusumikap doon nila nakukuha ang super tubo nila.
Hindi lahat ng tao ay kaya makamit ang inabot niyo opansariling pagunlad ibaiba ang katangian at kaalaman ng tao.. Hinahangad nila ang ang pagkkapantay pantay na pagunlad ng bawat isa. Hindi sa pagyaman ng iilan lang kundi paano mabuhay ng matiwasay ang lahat.. Pagiging makasarili ang nagiging dahilan ng pagkakahati ng bawat pilipino
 
Wala kasi diskarte sa buhay mga npa, ang gusto mangyari isubo sa kanila ang magandang oportunidad
hindi po pangkabuhayan ng npa ang nakasalalay dito.. Tagap ng mga yan ang kahirapan nila. Isinusulong nila ay hindi para sa kanila, para sa pangkalahatan na kabuhayan at magiging totoo kaunlaran narin ng bansa.
Hindi ang pagunlad na ipinamamalita ng media. Umuunlad daw ang ekonomiya, pero sino nga ba ang umuunlad ang mamamayan o silang namumuhunan? Pagunlad ito hindi ng mamamayan
 
Ano kayo bayani? pucha mga salot lang kayo ng lipunan pati mga inosenteng mamamayan namamatay sa kagagawan ninyong pakikibaka kuno?? Hindi na makatuwiran yan ginagawa ninyo, may kanya kanya tayong suliranin sa buhay nakakaraos mga mamamayan sa kabila ng kahirapan, wala sa kamay ninyo ang ikauunlad ng bansang pilipinas
 
Wala po sa kamay nila ang ikauunlad ng pilipinas, nasa manggagawa ito at magsasaka.
Ano pat nakikibaka kayo? hindi naman nakikisampatya sa inyo ang buong sambayanan, bagkus itinuturing kayong mga salot, tagawasak ng kabuhayan at tagapaslang ng mga inosente.
 
Same rules applied,pag madaming daga pakainin ng durarat.Yung rason mo tagal na nyan.Pag madame ipis,mag.spray ng baygon.Same rules yan lang iaplay di na kelangan ng buritsi paawa epek.
hindi ganyan kadali na ihahalintulad mo sa ipis daga ang ipis though mahirap patayin basta na spray na insecticide kahit nakaka takbo pa lumilipad pa nga kalaunan mamatay din and tatawag ka lang pest control ubos yang daga at ipis pero kapag rebels ang kalaban sino tatawagin? saka pag tinawag sila sila rin magkakasugat worst baka may casualties pa tapos ako baka madamay sa gulo nila baka nga di na ako sikatan ng araw for sure sira bahay namin sira kabuhayan

history says it all 50yrs na till now ongoing parin ang war government vs rebels
 
lahat ng tao nagsisikap walang tao tamad dahil tayo lahat ay kailangan magtrabaho para mabuhay. Hindi lahat ng tao ay sinuswerte sa buhay.
Tumitingin tayo sa pangkalahatan pagsasaayos ng buhay ng lahat ng pilipino.. Hindi indibidwal na pagunlad o pagiging makasarili. Wala sila pinagkaiba sa mga kapitalistang ganid sa tubo para yumaman kahit may apakan.

Hindi mo na kailangan magsumikap para mapaayos ang buhay. Sapat na kung may trabaho ka. Kulturang ibinaon sa atin para lalo tayo magsumikap na paglingkuran sila sa atin pagsusumikap doon nila nakukuha ang super tubo nila.
Hindi lahat ng tao ay kaya makamit ang inabot niyo opansariling pagunlad ibaiba ang katangian at kaalaman ng tao.. Hinahangad nila ang ang pagkkapantay pantay na pagunlad ng bawat isa. Hindi sa pagyaman ng iilan lang kundi paano mabuhay ng matiwasay ang lahat.. Pagiging makasarili ang nagiging dahilan ng pagkakahati ng bawat pilipino
mali ka may taong tamad at isa na ako dun
and isa na ako sa maswerte na sinasabi mo na hindi lahat ng tao swineswerte

continuous yung blessings sakin ng diyos but still tamad ako so was just saying mali ka na walang tamad na tao --tulad sa laro naglalaro na nga lang ako tamad pa kaya use ako ng bot lage ganun ako ka tamad ultimo pag scroll ng light novel use parin ng bot lol

i say hindi lahat ng tao ay tulad mo mag isip still agree ako some na sinasabi mo
 
Ibig ko po sabihin na lahat naman ng tao kailangan kumilos naghahanap ng pagkakakitaan o trabaho para mabuhay. Hindi naman ito para iasa mo lang sa diyos dahil kailangan mo rin naman kumilos.
 
Ginawa nyo kumplekado,as i said kung ayaw nyo umunlad.Bumalik kayo sa nkalipas,huwag kayo mamuhay sa kasalukuyan.Nahalata tuloy kayo kung sinu kayo.
 
mga magsasaka at mangagawa na kilala ko masasaya naman lahat sila, di nila kailangan ang NPA

anu ba pinaglalaban ng NPA? = pansariling interest
 
mga magsasaka at mangagawa na kilala ko masasaya naman lahat sila, di nila kailangan ang NPA

anu ba pinaglalaban ng NPA? = pansariling interest

kasi nakakaadik talaga ang may kapangyarihan, sandata at idelohiya na nakakalason at kahirapan ang ginagawang katwiran para makahimok...
 
So anu gusto mo palabasin?
hindi natin kailangan ang mga dayuhan at local na kapitalista gaya ni henry sy, ayala, lucio tan para umunlad ang isang bansa. Dahil alam naman natin na sila lang din ang yumayaman at hindi ang mamamayan. Pero ang manggagawa at magsasaka ang gumagawa ng ikinaunlad nila. Pero sila parin itong dukha.
anu ba pinaglalaban ng NPA? = pansariling interest
pinaglalaban nila ang mawala ang pansariling interes..

Dahil kung makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo,
...hanggang may apakan kana iba,
...hanggang may pinagsasamantalahan kana
...hanggang may apihin kana,
...hanggang agawin mo na ang pag aari ng iba.

Ganyan ang ugali ng mga kapitalista, makasarili. Gagawin nila ang lahat para marating nila ang tuktok ng kayamanan at kapangyarihan. Mabuti man yan o masama, may apakan man yan o pagsamantalahan. Pero kung susuriin natin wala sila kung wala ang manggagawa.. Yan po ang tinataglay ng makasarili.

Isinusulong nila ang interes ng nakararami uri sa lipunan.
Ang magsasaka para sa reporma sa lupa,
Ang manggagawa para sa pambansang industriyalisasyon,
Ang mga propesyunal, intelektwal at inventor para magamit naman ang kanilang kaalaman,
Ang maliliit na negosyanteng pilipino para matangkilik ang sarili natin produkto.

Pero sa panahon po ngayon kanino interes ang ibinibigay ng gobyeno at sino ang lubos na nakikinabang?
kasi nakakaadik talaga ang may kapangyarihan, sandata at idelohiya na nakakalason at kahirapan ang ginagawang katwiran para makahimok...
baka namulat lang sila sa katotohanan tungkol sa totoong kalagayan ng lipunan.
 
kasi nasa bawat isa sa lipunan ang ugat ng problema, sadya merong mga katangian na masama, maganda, atbp. nasa disenyo yan napara malaman natin ang bunga ng bawat desisyon at karanasan sa pagkakamali ng iba o sarili. nasa atin yan kung matututo tayo sa pait at sakit ng ginawa o nagawa nating desisyon at aksyon sa sarili at sa kapwa.
watak watak at bangay-bangayan o talangka ang karaniwan sa atin at gayun din naman ang kaugaliang bayanihan na sa simula pa ng lahing pilipino ay naipapamalas na...

ngayon sa estado ng panahon at lipunan meron tayo at sa mga masasakit na kalagayan na nakikita nyo sa paligid at social media... kayo na mismo magdesisyon sa sarili ninyo

tumahimik na lang at gumawa ng mga bagay na ikakaginhawa ng sarili, iba at magtulungan sa simple bagay bagay...
at sa tuwing may mga bagay na ginawa sa inyo ang kapwang pilipino na nakakasakit, hayaan ninyo na lang dahil di nila alam ang nagiging bunga nito sa kanila at sa ibang tao sa paligid nila...kayo na ang may alam, kayo na lang ang magadjust, mahirap ngunit dapat.. masaklap ngunit ang mga bagay na masama ay dahilan upang maging maayos at mabuti ang sarili at ang bansang pilipinas, magsimula tayo sa sarili-pamilya-kapwa-dayuhan
 
hindi natin kailangan ang mga dayuhan at local na kapitalista gaya ni henry sy, ayala, lucio tan para umunlad ang isang bansa. Dahil alam naman natin na sila lang din ang yumayaman at hindi ang mamamayan. Pero ang manggagawa at magsasaka ang gumagawa ng ikinaunlad nila. Pero sila parin itong dukha.
pinaglalaban nila ang mawala ang pansariling interes..

Dahil kung makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo,
...hanggang may apakan kana iba,
...hanggang may pinagsasamantalahan kana
...hanggang may apihin kana,
...hanggang agawin mo na ang pag aari ng iba.

Ganyan ang ugali ng mga kapitalista, makasarili. Gagawin nila ang lahat para marating nila ang tuktok ng kayamanan at kapangyarihan. Mabuti man yan o masama, may apakan man yan o pagsamantalahan. Pero kung susuriin natin wala sila kung wala ang manggagawa.. Yan po ang tinataglay ng makasarili.

Isinusulong nila ang interes ng nakararami uri sa lipunan.
Ang magsasaka para sa reporma sa lupa,
Ang manggagawa para sa pambansang industriyalisasyon,
Ang mga propesyunal, intelektwal at inventor para magamit naman ang kanilang kaalaman,
Ang maliliit na negosyanteng pilipino para matangkilik ang sarili natin produkto.

Pero sa panahon po ngayon kanino interes ang ibinibigay ng gobyeno at sino ang lubos na nakikinabang?

baka namulat lang sila sa katotohanan tungkol sa totoong kalagayan ng lipunan.
Dame mong satsat anu nga gusto mo palabasin?
 
Hindi naman ako nagtrabaho dyan sa mga kinukuda mo.Palayasin mo anung klase.Magtrabaho ka boy puro ka lang ngakngak.Puro ka kaunlaran tulungan mo yun mahihirap na binabanggit mo.
Sige ikaw na magkapitalista mamigay ka trabaho.
 
watak watak at bangay-bangayan o talangka
yan po ang naging resulta ng kulturang itinanim sa atin ng dayuhan.
Ang kulturang dati na nagkakaisa, palaban at makabayan ay binago para tyo'y mag ka hati hati, maging makasarili at talangka..

Kahit nga po un advice niyo may pagkatalangka rin e
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top