What's new

Closed Peace talk: bakit mahalaga na maituloy

Status
Not open for further replies.
PEACE TALK: BAKIT MAHALAGA NA MAITULOY
Ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front (NDFP) ay naglalayong tapusin ang armadong tunggalian na nagaganap sa pilipinas sa pagitan ng GRP at ng CPP-NPA-NDFP sa pamamagitan ng paglutas sa armadong tunggalian.

Bakit ba may armadong labanan?
Kahirapan, kawalan ng soberanya, kawalan ng tunay na pag unlad, pang aapi at pagsasamantala ang mga dahilan kung bakit may armadong labanan.

Ang usapin sa peace talk ay hindi lamang para sa pagpapalaya ng mga bilanggong pulitikal. Ito ay naka ugat sa bawat interes ng mamamayan. Ang kawalan ng lupa ng magsasaka at ang kawalan ng pilipinas para sumandig sa sarili niya industriya.

Naging maingay sa balita ang pagkansela na naman ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front (NDFP) at Gobyerno ng Pilipinas (GRP) na naganap sana nitong Hunyo 28 matapos I kansela ito ni Duterte sa kadahilanan na pag aaralan muna nila ang nilalaman na usapang pangkapayapaan at ang pagkonsulta sa publiko nito.

Pero ang totoo, sa ikalimang round ng usapan, nakatakda na sanang lagdaan ng dalawang panig ang pinaka puso o mahalagang kasunduan hinggil sa mga repormang sosyo-ekonomiko, ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (Caser). Ang pinakamahalaga na dapat mapagkasunduan Bukod sa pagbibigay-daan sa isang sabayang unilateral ceasefire sa magkabilang panig, magbebenepisyo sana dito ang milyun-milyong Pilipinong magsasaka at manggagawa. Ang kasunduan na hindi inilalathala at ibinabalita ng media.

Kasama sa lalagdaan sanang CASER:
  • Libreng pamamahagi sa lupaing agrikultura para sa mga magsasaka, manggagawang bukid, at mangingisda;
  • Nakatakdang mabilis na ipapamahagi ang lupain sa mga benepisyaryong matagal nang pinagkakaitan ng karapatan nila sa lupa;
  • Lalawak ang sakop ng repormang agraryo para sakupin ang mga plantasyon at malalaking komersiyal na mga sakahan na sakop ng iba’t ibang iskema na pinatupad para iwasan ang repormang agraryo;
  • May mga hakbang na ipapatupad para ipagbawal ang mapagsamantalang pangungutang at pangangalakal sa agrikultura;
  • Magkakaisa sana ang NDFP at gobyerno ng Pilipinas (GRP) sa pangangailangan para sa pambansang industriyalisasyon at pagpaplano para sa pagpapaunlad ng mga industriyang Pilipino;
  • Gagawa sana ng mga hakbang para masigurong matitigil ang mga dayuhang pamumuhunan na di-papabor sa pambansang ekonomiya;
  • Mapoprotektahan sana ang local na mga industrialist at maliliit na empresa;
  • Pahahalagahan sana ang pagsasabansa ng pampublikong mga yutitlidad tulad ng kuryente, tubig at langis;
  • Pumayag na sana ang dalawang panig na tumukoy ng susing mga industriya na iindustriyalisa;
  • Kikilalanin sana ang kahalagahan ng mga union at mga konseho ng mga manggagawa.
Ipinipilit pa rin ni Duterte ang kanyang mariin kahilingan na itigil ang pangongolekta ng rebolutionary tax ng armadong grupo sa mga minahan ng malalaking negosyante. Ibig lang ba sabihin nito na mas pinoprotektahan pa niya ang interes ng mga dayuhan minahan at negosyante kesa ituloy ang usapan pangkapayapaan na para sa atin naman mamamayan Pilipino at sa bansa ang kagandahan nito.

Matapos ang paglagda sa Caser, nakatakda na sanang pag-usapan ang mga repormang pampulitika at konstitusyonal.

Sino nga ba mamamayan ang ayaw matapos ang matagal na armadong labanan at magkaroon ng kapayapaan kung ang pagkakasunduan pala dito ay para sa ikabubuti at tunay na ikauunlad ng pilipinas? Bakit ang mga kaliwang grupo pa ang nagsusulong nito na dapat ay tungkulin mismo ng pamahalaan gobyerno na maibigay sa mamamayan ang mga interes at kagalingan nito.?

“Buo ang responsabilidad ni Pangulong Duterte sa pagkabigo ng mga usapan sa mga repormang sosyo-ekonomiko dahil sa mabilis niyang pagtalikod at pagtindi ng pandarahas sa mga puwersang rebolusyonaryo at mga mamamayan,” sabi ni Julieta de Lima, tagapangulo ng NDFP Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms.
 
Last edited:
Ipinipilit pa rin ni Duterte ang kanyang mariin kahilingan na itigil ang pangongolekta ng rebolutionary tax ng armadong grupo sa mga minahan ng malalaking negosyante.
Siempre hindi sila gobyerno mga armadong kalaban ng estate ang grupo na ito, ano ang karapatan nilang mangolekta ng tax?
Bawal sa batas yan magbitbit ng baril na walang lesiensya

Saan ba napupunta ang tax na nakukuha nila sa pamamagitan ng pangdadahas sa mga legal na negosyante? Siempre napupunta lang sa lider nila na nagpapasarap lang sa ibang bansa at pinambibili ng armas, pagkain upang ipagpatuloy ang laban na walang kabuluhan

Ang tagal nyo ng nagrerebelde sa bansang pilipinas wala kayong naidudulot na mabuti sa bansa mga inosenteng mamamayan nadadamay pati mga pulis, militar na ginagawa ng tapat ang kanilang tungkulin pinagpapatay ninyo, mga negosyo ng malalaking kumpanya pinagsusunog ninyo, sumusobra na kayo hindi na makatao mga ginagawa ninyo , may pagkahayup na

Ang mabuti pa sumuko na lng kayo , pasakop kayo sa gobyerno , may magandang bukas na naghihintay sa inyo.. Sa kamay ng ating tapat na pangulo
 
Last edited:
anyway whatever we say in this forum nor in others nothing will ever change but in my opinion government should pursue peace just like you said na who in the world wants war? well let's excludes those retard extremists

and well if war continues many will die on both sides even us civilians and it will never end therefore

war is the beginning of endless sufferings :)
 
Last edited by a moderator:
isa lang ang tunay goverment sa pilinas, at iniinsist pa nila na dalawa ang uri na tumatakbong goverment meaning kasama sila? not a chance, lutang ang isip sa pangarap na kangyarihan
 
Siempre hindi sila gobyerno mga armadong kalaban ng estate ang grupo na ito, ano ang karapatan nilang mangolekta ng tax?
Bawal sa batas yan magbitbit ng baril na walang lesiensya

Saan ba napupunta ang tax na nakukuha nila sa pamamagitan ng pangdadahas sa mga legal na negosyante? Siempre napupunta lang sa lider nila na nagpapasarap lang sa ibang bansa at pinambibili ng armas, pagkain upang ipagpatuloy ang laban na walang kabuluhan

Ang tagal nyo ng nagrerebelde sa bansang pilipinas wala kayong naidudulot na mabuti sa bansa mga inosenteng mamamayan nadadamay pati mga pulis, militar na ginagawa ng tapat ang kanilang tungkulin pinagpapatay ninyo, mga negosyo ng malalaking kumpanya pinagsusunog ninyo, sumusobra na kayo hindi na makatao mga ginagawa ninyo , may pagkahayup na

Ang mabuti pa sumuko na lng kayo , pasakop kayo sa gobyerno , may magandang bukas na naghihintay sa inyo.. Sa kamay ng ating tapat na pangulo
kaya nga po isinusulong nila ang usapang pangkapayapaan para matapos na ang armadong tunggalian at ang mapagkakasunduan dito ay para sa interes ng mamamayan.. Ang maibigay na ang lupa para sa magsasaka na matagal ns inangkin ng mga oligarkiyang mga land grabber at magkaroon tayo ng sariling industriya para magbigay ng maraming trabaho at magkameron tayo sariling maipagmamalaking produkto sa pandaigdigang kalakalan. Na hindi katulad ngayon na wala talaga. Kailangan pa natin mangutang para lang sa mga infastracture project.

Ang mga negosyanteng dayuhan, kanino ba napupunta ang buong kinikita nila? Buong buo napupunta sa kanila tulad ng mga minahan.. kung tayo lang sana nagmamay ari nito sana buong buo natin papakinabangan lahat ito.

Kung makakarating ka lamang sa pinaka tagong lugar sa kanayunan baka ikaw na ang makapagsabi kung sino ang kinakatakutan ng mamamayan. Ang mga AFP na nagmistulang private guard ng mga land grabber sa mga magsasaka, at taga pag paalis sa mga lumad para maangkin ang lupang ninuno nila at gawing minahan ng mga dayuhan at local na negosyante.

Susuko? E hindi nga sila maubos ng AFP. Kahit si DU30 sinabi nya hind matatalo ang armadong grupo. Kaya nga pumayag siya sa usapang pangkapayapaan. Pero mula ng mabasa niya na ganito pala ang nilalaman ng mapagkakasunduan sa peacetalk, ang pamamahagi ng lupa at pambansang industriyalisasyon biglang atras siya. Dahil hindi pumayag ang mga amo niya dayuhan kapitalista at mga panginoon may lupa.
 
Last edited:
terorist sila. kaya dapat ubusin
terorista sila sa mata ng gobyernong kapitalista.. Dahil sa mga terorista ito hindi makaporma ang mga dayuhan para agawin ang ating kabundukan para patagin. Hindi makakaporma ang mga land lord para magpalawak pa ng lupain.. Hindi na makakapag hari ang mga oligarkiya sa gobyerno para lalo pa magpayaman
 
isa lang ang tunay goverment sa pilinas, at iniinsist pa nila na dalawa ang uri na tumatakbong goverment meaning kasama sila? not a chance, lutang ang isip sa pangarap na kangyarihan
wala namam po maghahangad ng ibang gobyerno kung nakikita nila na ang gobyernong ito ay naglilingkod talaga sa interes ng nakararaming uri sa lipunan. Tulad ng manggagawa at magsasaka. Pero may nagagawa ba ang gobyernong ito para sa kanila..
Wala naman magrerebelde kung hindi nakaranas ng pang aapi at pagsasamantala ang mga magsasaka sa kamay ng mga panginoon maylupa. Walang hahawak ng armas kung ang gobyerno ay naglilingkod sa kanila kesa sa dayuhan, panginoon maylupa at local na negosyante. Pero nasaan ang mga negosyante at panginoon maylupa? Nandoon nakaupo sa kongreso, senado at namumuno sa bansa.. Sa tingin nyo po ba gagawa sila ng batas na magiging kabawasan sa yaman nila,?
 
Last edited:
mas ok nga na matuloy ang peace talks na yan para naman mabawasan ang armed conflicts sa bansa. madami na ngang krimen kabi kabila pa bakbakan ng militar at armadong komunista. Thing is, kailangan makontrol ni Joma in full ang armed wing ng NPA. parang walang absolute control ang leadership e. magoorder sila ng ceasefire tapos may ibang miyembro ang susuway.
 
terorista sila sa mata ng gobyernong kapitalista.. Dahil sa mga terorista ito hindi makaporma ang mga dayuhan para agawin ang ating kabundukan para patagin. Hindi makakaporma ang mga land lord para magpalawak pa ng lupain.. Hindi na makakapag hari ang mga oligarkiya sa gobyerno para lalo pa magpayaman
Wala na kayong pag asa, nabubuhay kayo sa baril, sa baril din kayo mamamatay..hindi na uso ang dahas laban sa kapangyarihan, uso ngayon pautakan na, kung mautak ka at mahusay, magkakaroon ka ng kapangyarihan.
Pero kung idadaan nyo sa dahas upang makuha gusto nyo, patuloy kayong mabibigo at magiging walang kabuluhan ang pag iral nyo sa mundong ito. Mautak ang kalaban nyo at nasa kapangyarihan pa, san na lang kayo pupulutin sa kangkongan kawawa naman kayo
 
mas ok nga na matuloy ang peace talks na yan para naman mabawasan ang armed conflicts sa bansa. madami na ngang krimen kabi kabila pa bakbakan ng militar at armadong komunista. Thing is, kailangan makontrol ni Joma in full ang armed wing ng NPA. parang walang absolute control ang leadership e. magoorder sila ng ceasefire tapos may ibang miyembro ang susuway.
nagaganap naman po ang ceasefire sa pagitan ng NPA at AFP. Wala naman po banggaan sa dalawa. Pero tuloy tuloy naman ang operasyon ng militar para palayasin ang mga lumad sa lupa nila. Ganon din sa mga magsasaka inagawan ng lupa na sila pa ang nagsisilbing gwardiya ng mga landlord
 
Wala na kayong pag asa, nabubuhay kayo sa baril, sa baril din kayo mamamatay..hindi na uso ang dahas laban sa kapangyarihan, uso ngayon pautakan na, kung mautak ka at mahusay, magkakaroon ka ng kapangyarihan.
Pero kung idadaan nyo sa dahas upang makuha gusto nyo, patuloy kayong mabibigo at magiging walang kabuluhan ang pag iral nyo sa mundong ito. Mautak ang kalaban nyo at nasa kapangyarihan pa, san na lang kayo pupulutin sa kangkongan kawawa naman kayo
parang sinabi mo na rin na tanggap mo ang ganitong kalagayan ng lipunan.. Tanggap mo na ang may kapangyarihan na apihin ka na lang at pag samantalahan. Tanggap mo ang may kapangyarihan na sila ang masusunod para sa mga batas na hindi pumapabor sa mamamayan. Gaya ng kontraktwal, mababang sahod at train law.. Taggap mo na rin pala na agawin nilang makapangyarihan ang lahat ng lupain sa bansa at pagarian lahat ito.. Tanggap mo narin pala na mamamatay ka iniwanan na ipaglaban ang iyong karapatan.. Tanggap mo rin na maipamana sa anak mo na bayaran ang inutang ng gobyerno kahit hindi pa niya natatamasa ang mga ito?
 
most of them doesn't represent the peasants

may kilala ka bang NPA?

ako meron kaya alam ko, takot nga mga farmers sa probinsya namin dahil may dalang baril mga NPA at kailangan pang pakainin at bigyan ng bigas at pera, lalo na kape, ultimo pabaon sana sa anak na nagaaral kukunin pa nila
 
yung sila pa maangas, kaya yung iba na kakampi nila sila ngayun ng kakamkam ng mga lupa dun sa probinsya, wala magawa mga normal na tao dahil may baril sila
 
most of them doesn't represent the peasants

may kilala ka bang NPA?

ako meron kaya alam ko, takot nga mga farmers sa probinsya namin dahil may dalang baril mga NPA at kailangan pang pakainin at bigyan ng bigas at pera, lalo na kape, ultimo pabaon sana sa anak na nagaaral kukunin pa nila
hindi naman po ganyan ang pagkakakilala ko.. Dahil mahigpit nila sinumpaan tungkulin at batas nila na
bawal kumuha kahit gahibla ng sinulid sa masa,
Kung ano ang hiniram ay kailangan isauli,
Bawal manira ng pananim
Bayaran lahat ng binili,
Yan ang halimbawa na mahigpit nila batas.
Dahil wala naman sila pagkakakilanlan o id na maipapakita para sila ay masabi talaga NPA kahit sino pwede humawak na baril at mag panggap na npa. Pwede sila magpanggap at manakot para sirain sila.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top