What's new

Closed Paano po ba makapag ipon pahingi ng tips?

Status
Not open for further replies.
Ang tamang pag iipon ay ang pagtitipid. Lagay mo sa banko, pag malaki na invest mo sa stock exchange para may assurance ka na kikita pa ang iyong naipon at it can be short term or long term basis, i preferred na long term basis ka para malaki ang makuha mo once mag mature na.
 
Pwede ring magipon ka ng pang business mo para kahit wala kang trabaho may iba ka pang pagkukunan ng pera.
 
I suggest na sa BPI ka kag ipon wag mo iwiwí†hdráw palakin mo ng para yun ipon mo . Tumutubo kasi yun sa BPI pinapautang din nila kasi
 
30/70 law, 30% ng pera na naiipon mo diretso sa banko ung 70% diretso sa expenses mo pwede mo rin bawasan ng 10% pang bisyo at lakwatsa. Kung nasa early 20s ka pwede rin na 20-80% law, 20% lang ipunin mo per month sa salary o allowance mo. Once naipon na diretso sa ibang investment (mutual funds, Equity, variable insurance,etc) un. Makakaipon ka talaga.
 
tama mas maganda kung kikita tayo ng mas malaki,

kahit wala na maipun basta masaya lang tayo
 
lahat ng luho bawasan or kong kinakailangan alisin na kong gusto mo talga makaipun ung mga araw araw mong pinagkakagastusan ipunin munalang hahaha dahil ang bagay bagay na ginagawa natin sa araw araw lilipasan din kaya ilagay mo nalng sa tamang paglagyan ung pera mo :)
 
wag bumili if di kailangan
wag puro wants

have a savings account
plan your budget for the whole month

and lastly, change mindset gawin mo (mdame kasing nahihirapan magipon dahil sa dameng gala at stuffs tiwala lang sa sarli at control)
 
Ilista mo lahat ng gastos mo, hanggang sa kahuli hulihang sentimo. May mga apps na pang monitor ng expenses, search ka lang sa playstore ng money management apps.

Dun mo makikita kung anong mga bagay ang pinagkakagastusan mo. Ngayon, makikita mo na kung saan exactly napupunta ang pera mo. Yung mga di mo naman kailangan talaga gastusan (mga wants mo lang at di talaga necessity) bawasan mo.

Ang mga nabawas dun ang iipunin mo or better katulad ng sabi ng iba 20-30% ng monthly na sahod or kita mo ang itabi mo na kaagad sa bangko.

Ganyan ang ginagawa ko, nililista ko lahat kaya madali kong makita kung saan ako napapagastos ng di kailangan.
 
laging magtabi ng 10% sa lahat ng kikitain mo at yung 90% lang ang gagastusin mo. Pwede mo lang galawin yung ipon mo kung may paginvest ka na siguradong sigurado otherwise wag mong gagalawin. Yung kikitain nung investment mo wag mo din gagastusin hanggang mapaikot mo. Ito yung principle sa librong the richest man in babylon very effective mahirap lang mag disiplina sa una pero masasanay ka din
 
Ito actionable advice. Ilista mo expenses mo araw araw sa isang buwan. Kahit yung maliliit na bagay: yosi -10, softdrink - 12, junk foods - 10, candy - 3. Parang ganyan. Compute mo after isang buwan. Dyan mo makikita yung mga gastos mo na di naman kailangan. Kadalasan yung maliliit na gastos sa junk foods, soft drinks, street foods. etc., yun nagpapalaki ng nagagastos mo.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top