What's new

Closed The philippines economic state 2 years after duterte

Status
Not open for further replies.
•Peso down 6% this year, Asia's worst
•PSEi lowest in 19 months, Asia's worst
•Inflation @ 5 year high
•Foreign investment pledges down, lowest since 2010
•Current Account deficit largest in 18 years .

All in 2 years, 4 more to go...
 
Saan nyo po makikita ang pagunlad ng pilipinas sa BBB project?

marami po makikinabang na mga gagawa po nyan at macrereate na trabaho po dyan at uunlad ang kani kanilang buhay, pero pag sayo po baka wala po dahil hindi naman po kayo aware tungkol sa BBB

ang hong kong at macau ay region po ng china, maunlad po yan dalawang yan

ang PH po hindi magiging alipin or region ng China, partner po, soon China na po ang number 1 at mauunahan ang US. sasabay po ang PH nyan, madami po chinese dito sa PH, henry sy, lucio tan, andrew tan, at madami pa pero di po ibig sabihin na alipin na po ang PH. Nasa inyu na po kung magpaalipin kayo sa kanila, tulad po kung ngtrabaho kayo sa mga business nila, job po un pero parang alipin in the sense na nag wowork kayo para sa kanila.
 
na-try nyo po magtanong sa mga tao na? please tanuningin nyo po yung mga taong masisipag na normal
opo, nagtatanong kami sa mga tao.. Hindi paba matatawag na masipag ang tao nagtatrabaho ng 12 oras para madagdagan manlang ang kanyang takehome pay, kahit araw ng linggo pinapasukan pa, pero kulang parin ang sahod sa pangngailangan. Kahit mawalan na siya ng oras sakanyang pamilya.. Masasabi pa po ba nyo normal ito?

Tingnan na lang po natin ngayon ang normal na trabaho ng manggagawa. Dahil sa malaking bilang na ngayon ang manggagawang kontraktwal. Sila un mga mangagawang tumatanggap ng mababang sahod, walang benipisyo at securty of tenure. Pero sila un makikita mo pinakamasipag magtrabaho, 12 oras na trabaho halos wala pa restday pag araw ng linggo.

Para sa kanila normal lang ang ganoon trabaho. Dahil ganoon sila sinanay dahil sa kahirapan ng buhay.. Pero sino ang yumayaman sa produktong ginagawa nila?
 
maganda po itong topic para mas lumawak po ang pang unawa ng iba

pero maging aware po tayo na di natin mababago ang iba kasi bka may past sila

eto po un may cognitive bias kasi ang bawat isa

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

eto po list ng ibat ibang cognitive bias

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
opo, nagtatanong kami sa mga tao.. Hindi paba matatawag na masipag ang tao nagtatrabaho ng 12 oras para madagdagan manlang ang kanyang takehome pay, kahit araw ng linggo pinapasukan pa, pero kulang parin ang sahod sa pangngailangan. Kahit mawalan na siya ng oras sakanyang pamilya.. Masasabi pa po ba nyo normal ito?

Tingnan na lang po natin ngayon ang normal na trabaho ng manggagawa. Dahil sa malaking bilang na ngayon ang manggagawang kontraktwal. Sila un mga mangagawang tumatanggap ng mababang sahod, walang benipisyo at securty of tenure. Pero sila un makikita mo pinakamasipag magtrabaho, 12 oras na trabaho halos wala pa restday pag araw ng linggo.

Para sa kanila normal lang ang ganoon trabaho. Dahil ganoon sila sinanay dahil sa kahirapan ng buhay.. Pero sino ang yumayaman sa produktong ginagawa nila?

yan po ang realidad ng buhay, maaring sumubok po ng negosyo, kung papalarin po ng swerte ay baka sila na susunod na tycoon.

naghirap po ba sila ngayon? dati po ba ay petiks lang sila at umuulan ng pera? kung oo ang sagot, baka nga si Duterte at BBB na ang may kasalanan

pero meron na end ng contractualization law, dahan dahan yan ipapatupad, kung contractual ka parin, kelangan mo lumipat ng trabaho dahil yung boss mo di sumusunod sa batas

kung di po kontento ang isa sa buhay nya, mahirap po talaga, at malungkot

mga kaopisina ko po minimum pero masasaya naman at madami kontento, meron ilan gusto mas mataas na sahod
 
marami po makikinabang na mga gagawa po nyan at macrereate na trabaho po dyan at uunlad ang kani kanilang buhay, pero pag sayo po baka wala po dahil hindi naman po kayo aware tungkol sa BBB

ang hong kong at macau ay region po ng china, maunlad po yan dalawang yan

ang PH po hindi magiging alipin or region ng China, partner po, soon China na po ang number 1 at mauunahan ang US. sasabay po ang PH nyan, madami po chinese dito sa PH, henry sy, lucio tan, andrew tan, at madami pa pero di po ibig sabihin na alipin na po ang PH. Nasa inyu na po kung magpaalipin kayo sa kanila, tulad po kung ngtrabaho kayo sa mga business nila, job po un pero parang alipin in the sense na nag wowork kayo para sa kanila.
Ang mga sinasabi nyo po ay pagunlad ng mga dayuhan at ang kapartner niya local businessman at hindi po ng mamamayan.. Nabigyan ka nga ng trabaho sa kanilang infastracture project nila pero ito ay hindi pang matagalan. Nagtatrabaho ka man sa kanila pero alam naman natin na ang kalidad ng sahod sa bansa ay para matustusan lamang ang araw araw natin pangangailangan at hindi para mabuhay tayo ng marangya.. Kung umuunlad ba ang mga pilipino sa pagtatrabaho sa kanila, sana po lahat ng manggagawa ng SM ay nasa maayos na kalgayan. Ganon din sa mga dayuhan kapitalista...

Hindi po natin maihahalintulad ang PH sa Hongkong at macau o kahit singapore man. Umunlad ang bayan nila dahil meron mismo sila produktong pinagmamalaki o ineexport tulad ng langis. Hindi kagaya ng pilipinas na wala. Mismong yaman mineral natin at langis hindi tayo ang may ari.

Hindi pagtulong sa ekinomiya ang ginagawa ng China sa bansa kundi Colonialism. Pagyaman nila ito habang sinasamantala nila ang murang lakas paggawa sa bansa..

Ang BBB project na pinagmamalaki ng administrasyon. Tulad ng mga pang transportasyon tren at airport na kinukuha ang pondo sa lahat ng pilipino pero hindi naman lahat ng pilipino ay pakikinabangan ito. Ang airport ba ay pinapakinabangan ng nakararaming pangkaraniwan mamamayan?

Ang hangad ng nakararaming pilipino ay magkaroon ng nakabubuhay na sahod at mabigyan ng trabaho.. Pero kesa unahin ng gobyerno na magkaroon tayo ng sariling industriya ay mas tinangkilik pa nito ang mga foreign investor kesa sa sarili natin kakayahan.

Wala po pagunlad sa ganito sistema ng ating ekonomiya kung lagi na lang nila tayo isasandal sa mga dayuhan at local na kapitalista. Masasabi lang maunlad ang isang bansa kung.. Marami siya pagaaring PUBLIKO, gaya ng hospital, transportasyon, kalsada o paliparan, paaralan, paninirahan, taniman at sarili industriya.

Karanasan na po natin ito ng mahabang panahon ang ganitong sistema pero ano na ang kalagayan ng bansa natin?
 
pero meron na end ng contractualization law, dahan dahan yan ipapatupad, kung contractual ka parin, kelangan mo lumipat ng trabaho dahil yung boss mo di sumusunod sa batas
wala po end contractualization law.. Isang porma lang ng kontraktwalisasyon ang inalis ang Labor only contracting at hindi lahat ng porma nito.. Ang batas na ito ay matagal na nasusulat at pinagbabawal pero nananatili lamang sa papel. Kung pinagbabawal naba ang kontraktwal sana matagal na regular ang manggagawa ng SM, jollibee, mcdo at malalaking kompanya dito sa bansa.

Karamihan naman ng tao ay masipag. Sabi mo nga may sinuswerte at minamalas. Pero hindi po ako tumitingin sa pangindibidwal na katayuan o pagunlad lang ng iilan.. Nakatingin ako sa pangkalahatan na pagunlad o pantay pantay na pagunlad. Na hindi mo na kailangan swertehin para mabuhay ng matiwasay.
 
^maganda kung may bansa na ganyan na may pantay pantay na pag unlad

pero sa pagkakaalman ko lahat ng uri ng lipunan ng tao ay parehas lang na may nakakataas at nakakababa

sa pagdaloy ng panahon nababawasan ang sobrang pag aalipin pero sa totoo lang parang alipin pa rin ang mga taong nagtratrabaho at pinapasahod lang

maganda sana kung hindi binenta ang mga pagaari ng gobyerno, pero mula nuong edsa people power, unti unting nabebenta lahat, wala na tayong magagawa at hindi na mababawi ang mga yan, kaunti lang ang magagawa para pigilan ang pagtaas ng bilihin dahil dyan

ang buong mundo ay pinapaikot ng mga kapitalista, ito man ay tao o gobyerno, hindi iyan mababago, bagaman mababago ang mga tao dahil 80-100 lang ang buhay, pero ang sistema na yan ay mananatili

masasakop na natin ang Mars pero ganyan pa rin ang sistema, hindi maaaring maging mayaman ang lahat, kailangan may magtrabaho talaga, kahit puro makina na ang mundo, meron pa rin kailangang magtrabaho
 
The June 2018 inflation rate ended up even higher than all You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., targets, and market expectations, after it surged to You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Who should be held accountable for the spike? And how can inflation be tamed to within a decent range?

University of the Philippines (UP) School of Economics professor Emmanuel de Dios called out the government for not taking the blame.
De Dios said economic managers should at least acknowledge that the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law has something to do with the soaring inflation.
He also slammed the government for collecting money through tax reform, but being unable to spend it as quickly as planned.

"Once the government gets the priorities wrong, you might end up wasting [funds]," De Dios said.
 
Even higher inflation looming?

The inflation figure was announced on the same day the You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. took effect in Metro Manila, Calabarzon, and Central Luzon.

The Manila Electric Company (Meralco) also hinted at an increase in generation charge due to tight power supply last June and the further depreciation of the peso.

Meanwhile, some regions reported higher inflation figures, like the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) which posted 7.7%.

Consumers ask: how much more?
 
hahaha... see what I say... you read fake news only so you think that it has started na but when I ask where nobody can answer...
This administration is the one destroying the economy, what efforts are youi talking about? The inflation is up pa since I posted this thread...
ahm ,alam nyo po ba ts dito nga sa lugar namen hirap na elabas ang sasakyan namen? dahil sa construction? di ko ren alam ko ano to but soon we will know, nga po pala road construction to but their digging eih, tunnel sguro like one from south road cebu, and now, ano sabi mong fake news? di po ito balita pre ramdam po namen dito ang traffic because of this. Why china? because Pres.Du know that china's facilities are more advance and they can build an infrastructure faster than local facilities, that's why 100% of equipment will imported from china. And you know what? China and PH are peace now because of that, Pres.Du don't want a war specially sa scarborough shoal, dba wala nang bagong balita sa scarborough shoal? Matalino si Pres.Du gumawa sya nang paraan nang sa gayun ay walang away
 
Saan nyo po makikita ang pagunlad ng pilipinas sa BBB project?
All roads and bridges sa mindanao boss ay malapit nang matapos, widening lahat ,para iwas traffic, noon valencia to cdo 4 to 5 hours ngayon 3 hours more or less nalang, and nga po pala pag unlad pala sa PH hehe, now that was just like small sari sari store eih, hindi u.unlad agad agad, but look at SM ,maliit lang yan na tindahan noon Shoe Mart, but now look at them? ,parang pag move.on lang po yan boss, hindi sa ngayon but mayba soon
 
Antayin nalang po naten yung result, wala naman ata tayong power to see the future, for the current situation normal lang po yan. hirap nga mag franchise ngayon eih if di ka mag loan ,parang ganun lang boss but sa mga nag franchise ng big company lalo na yung gas station kita nyu naman po dba ang pag unlad nila? they became rich eih noon lubog sila sa utang afterward nakaka.ahon na
 
^maganda kung may bansa na ganyan na may pantay pantay na pag unlad

pero sa pagkakaalman ko lahat ng uri ng lipunan ng tao ay parehas lang na may nakakataas at nakakababa

sa pagdaloy ng panahon nababawasan ang sobrang pag aalipin pero sa totoo lang parang alipin pa rin ang mga taong nagtratrabaho at pinapasahod lang

maganda sana kung hindi binenta ang mga pagaari ng gobyerno, pero mula nuong edsa people power, unti unting nabebenta lahat, wala na tayong magagawa at hindi na mababawi ang mga yan, kaunti lang ang magagawa para pigilan ang pagtaas ng bilihin dahil dyan

ang buong mundo ay pinapaikot ng mga kapitalista, ito man ay tao o gobyerno, hindi iyan mababago, bagaman mababago ang mga tao dahil 80-100 lang ang buhay, pero ang sistema na yan ay mananatili

masasakop na natin ang Mars pero ganyan pa rin ang sistema, hindi maaaring maging mayaman ang lahat, kailangan may magtrabaho talaga, kahit puro makina na ang mundo, meron pa rin kailangang magtrabaho
kung hindi pa po naabot ng kaalaman nyo ay may mga bansa nag nagpapatupad nito. Hindi sa porma ng kapitalismo ang pagunlad ng bansa at ang pagkakaroon ng pribadong pag aari ng iilan. Kung paano isesentralisa lahat ng pag aari tungo pagaari ng lahat, gaya ng lupa. Dahil sa lupa nagsisimula lahat ng pagunlad ng bansa. Ang masaklap walang lupa ang magsasaka at ito ay nasa pagaari ng iilan at tinatamnan ng dayuhan pangangailangan.

Ang pagsasapubliko lamang ng lahat ng ariarain sa produksyon at lupa ang magbibigay ng pagunlad ng isang bansa. Hindi sa pagyaman ngiilan kundi pagyaman ng lahat.
 
All roads and bridges sa mindanao boss ay malapit nang matapos, widening lahat ,para iwas traffic, noon valencia to cdo 4 to 5 hours ngayon 3 hours more or less nalang, and nga po pala pag unlad pala sa PH hehe, now that was just like small sari sari store eih, hindi u.unlad agad agad, but look at SM ,maliit lang yan na tindahan noon Shoe Mart, but now look at them? ,parang pag move.on lang po yan boss, hindi sa ngayon but mayba soon
paano po makikita ang pagunlad sa pagsasaayos ng kalsada? Magkakaroon po ba ng trabaho o ikabubuhay ang mga tiga mindanao pag nasaayos ang kalsada?
 
kung gusto nyo masaksihan kung paano magsamasama ang mga inaping contractual na manggagawa at ipaglaban ang kanilang karapatan sa laban sa isang capitalista na binastos ang desisyon ng dole at gobyerno punta kayo sa mendiola july 12 at 8 am.
 
kung hindi pa po naabot ng kaalaman nyo ay may mga bansa nag nagpapatupad nito. Hindi sa porma ng kapitalismo ang pagunlad ng bansa at ang pagkakaroon ng pribadong pag aari ng iilan. Kung paano isesentralisa lahat ng pag aari tungo pagaari ng lahat, gaya ng lupa. Dahil sa lupa nagsisimula lahat ng pagunlad ng bansa. Ang masaklap walang lupa ang magsasaka at ito ay nasa pagaari ng iilan at tinatamnan ng dayuhan pangangailangan.

Ang pagsasapubliko lamang ng lahat ng ariarain sa produksyon at lupa ang magbibigay ng pagunlad ng isang bansa. Hindi sa pagyaman ngiilan kundi pagyaman ng lahat.
agree ako dito boss, opinion ko ren eih sana ang mga magsasaka ang inu.una nila o bigyan ng diin para sa kaunlaran kasi sila lamang ang may lakas ng loob gawin ang ganyang bagay, e kaso nga wala sila masyadong lupa yung iba naman trabahante lang tsaka mababa pa sahod
 
sample lang po yan boss sa build build build
ang programa kasi sa build3 ay infastructure project na nakaugnay sa transportasyon, gaya ng kalsada, railway at airport.. Ang build3 daw ang magbibigay ng maraming trabaho sa mga pilipino. Paano po pag natapos na ang proyekto? Ang mga manggagawa po nagtatrabaho sa build3 ay hindi mananatili sa kalsada, riles at airport na.

Gusto ko lang po ipabatid na ang proyekto ng gobyerno ay hindi talaga nakaugnay para sa kabuuan interes ng mamamayan. Natulungan lang ang mamamayan para mapabilis ang ating transportasyon sa ating pupuntahan at hindi para magkaroon tayo ng pangkabuhayan.. Hindi naman lahat ng mamamayan sa pilipinas ay makakagamit ng subway train na yan, hindi naman lahat ng pilipino ay sumasakay ng eroplano.

Mas lubos parin ang build3 sa interes ng mga kapitalista. Dahil sila ang lubos na makikinabang nito sa araw araw, sa pagtransportasyon ng kanilang mga kalakal.
Halimbawa na lang ang railway na gagawin sa clark to subic. Dahil dito nakasentro sa region3 ang ekonomiya ng mga dayuhan.

Isipin po natin. Lahat po tayo ay nagbabayad ng inutang nila sa pagpapagawa nito. Pero hindi lahat ay makikinabang.

Para sa akin mas kailangan ng pilipino at dapat unahin ng gobyerno ang magkaroon tayo ng sariling industriya na magbibigay ng maraming trabaho sa pilipino gaya ng mga heavy industry na wala tayo. Kasunod nito sa kagyat ang pagsasabansa ng produktong petrolyo na sobra pa sa pangangailangan natin.. Sa kasklapan langis na nga natin hindi pa tayo ang nakikinabang, ganon din ang lahat ng yaman mineral.
 
Last edited:
ang programa kasi sa build3 ay infastructure project na nakaugnay sa transportasyon, gaya ng kalsada, railway at airport.. Ang build3 daw ang magbibigay ng maraming trabaho sa mga pilipino. Paano po pag natapos na ang proyekto? Ang mga manggagawa po nagtatrabaho sa build3 ay hindi mananatili sa kalsada, riles at airport na.
dami pa pwdeng ma build paps, kung tataposing lahat ng infrastructure na kaylangan sguro kulang pa ang 20 years to work (in all ph places)
 
dami pa pwdeng ma build paps, kung tataposing lahat ng infrastructure na kaylangan sguro kulang pa ang 20 years to work (in all ph places)
Yun na nga po pero mas maganda siguro kung unahin muna ng gobyerno kung paano tayo gagawa o magpoproduce ng kalakal para maitapat natin sa deficit ng palitan ng kalakal natin o export-import.. Lagi tayo lugi sa palitan dahil wala naman tayo produkto para ibenta sa kanila habang tanggap tayo ng tanggap ng imported product nila.. Kaya tayo ay kailangan palagi na lang umutang Paano mababayaran natin ito? Kukunin na nman sa bulsa ng mamamayan?
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top