What's new

Closed Worst case scenario

Status
Not open for further replies.

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,951
Solutions
6
Reaction
66,398
Points
16,631
Eto yung isa sa pinaka worst case scenario na mangyayare sa isang relationship. Pero ano nga ba yung reason para bigla nalang ma-fall out of love ang partner mo sayo?
Mapapaisip ka na lang talaga eh. Maraming papasok sa utak mo na pilit mo talagang iintindihin. Bigla ka nalang mapapaisip kung may malaking kasalanan ka bang nagawa or basta desisyon nya nalang yon. Sabi nga dun sa nabasa ko, "No one falls out of love by chance, it's by choice" Sobrang tama nga naman non. Nasa ka relasyon mo na yan mismo. May malaking rason sya kung bakit pag gising nalang nya isang araw, di ka na nya mahal. But it will leave you wondering why. There will be some point na you will keep blaming yourself na tipong mapapaisip ka if may nagawa ka bang mali. Na ikaw pala na akala eh okay ang lahat, na iniisip mo na everything is going smoothly na pag nagkaroon ng problema alam nyong kaya nyong malagpasan lahat pero hindi pala.

Kung tatanungin mo man ung partner mo why he/she fell out of love with you at sagutin ka nya ng "Hindi ko alam" or "Ewan bigla ko na lang naramdam" parang napaka Selfish na answer yon diba? You've tried to save the relationship na buong akala mo okay ka, okay sya, okay kayo pero you will end up knowing na hndi na pala kayang ayusin ang lahat. Di ko alam if para bang nag tatanga-tangahan ka lang or alam mo na ung totoo pero you just don't wanna give up kasi alam mo at the end ikaw yung talo. Even though binigay mo na yung lahat lahat, name it pero reality will you hit you hard that nothing is permanent. Those sweet words and efforts na pinakita nya sayo will just be a memory. Maybe you are just too naive to feel na wala na talaga. And you just need to face the fact na everything has ended. Mahirap tanggapin pero diba minahal ka nya eh. Maaaring may mas minahal syang iba but I still believe na kapag minahal muna ang isang tao, never na mawawala yon. Not unless kung hindi ka talaga nya minahal ng totoo in the first place. Right? Sabi nga dun sa nabasa kong post sa facebook "Kahit gano pala nya ipakita sayo o sa mundo na hindi sya gagawa ng ikasisira nyo, pag pala ginusto nya magagawa nya. At kahit ano pang dahilan ang irason nya kung niloko ka nya, niloko ka nya kasi choice nya yon. Wag mo syang pagtakpan sa sarili mo kasi yun yung totoo" . Sakit besh hahaha. Maybe it's true that staying in love was never easy.

No matter how hard you try, everything will no longer go back to the way it was. That is the fact you need to face. Bakit? Kasi yung taong yon simply fell out of love for you without any reasons at all or that person never intended to tell you what's the reason behind. There is no excuse for what he / she have done.

If ikaw man yung nang-iwan, siguro may reason kung bakit ka nagkaganyan. If iniwan mo man yung partner mo for your own reason, sana malaking tulong na yon to know yourself more! Oo minahal mo yung partner mo pero dumating yung puntong igigive up mo lahat kasi ikaw mismo di mo pa totally kilala yung sarili mo. Para next time na may makilala ka ulet na mamahalin mo, alam mo sa sarili mo na okay kana. Na kilala mo na kung sino ka talaga. Para naman hindi ka na maging selfish sa sarili mo at sa magiging partner mo.

Ang sakit lang sigurong isipin na akala mo all this time mahal ka yun pala pinipilit nalang nya at pinapaniwala ka na lang pala. Syimpre sino ba namang ang gugustuhin yan diba?

Sana nga mga bata nalang ulet tayo no? Na iiyak lang tayo kapag inagawan tayo ng candy or ng laruan. Pero well lets face the fact .Ang natitirang option mo dito is acceptance and move forward. I know sobrang hirap ng process na yan! Much better to embrace the pain kasi darating yung point na mapapagod kana lang. Mapapagod ka nang mag isip, umiyak at masaktan. Pero syimpre always seek help na rin kay Lord kasi sya lang naman may alam lahat ng to!
Sya rin yung makakatulong sayo diba? lahat may rason kung bakit nangyari yan... Walang masama if maniniwala at magtitiwala ka! Magiging okay din ang lahat soon pero siguro hindi pa sa ngayon! This is an open letter to everyone specially sa mga nasaktan dyan.:)


#No_hate ..just love ^-^


CTTO
 
Hmmm i am right, there something in you. Malalampasan din yan, go lang sa buhay. Keep it up, para maka move on determination is the key! and love yourself.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top