What's new

Closed Puro kayo internet tricks mag basa muna kayo dagdag kaalaman :)

Status
Not open for further replies.

Eyes Cream

Forum Guru
Joined
Nov 5, 2015
Posts
5,571
Reaction
3,303
Points
1,375
Age
29
TRIVIA ABOUT "DOPAMINE"

Marami sa atin hindi naiintindihan ang science ng katawan ng tao kaya nandito ako para mabigay ng maikling impormasyon ukol dito

Let's define first what DOPAMINE is.

Karamihan sa pinoy adik sa social media, games, at iba pa dulot ng lumalgong teknolohiya.

But meron bang nag isip sa inyo kung bakit kayo naaadik sa ibat ibang bagay?

isa lang ang salarin dyan at tinatawag syang
DOPAMINE!!!!

Dopamine is a neurotransmitter. actually marami pang type ng neurotransmitter meron ang tao. but let's focus more on dopamine.

DOPAMINE ang inererelease ng utak ng tao kapag tayo ay gumagamit ng cellphone / laptop and that is the same exact chemical na ine-rerelease ng utak ng tao kapag tayo ay NAGSUSUGAL, UMIINOM NG ALAK, NAKIKIPAG TALIK, NAGLALARO NG GAMES, NAG FE-FACEBOOK at marami pang iba.

Take note dopamine is "highly addictive" meaning to say pwedeng mamihasa sa dopamine ang katawan mo ng hindi mo namamalayan. kaya pag nag text si crush kilig na kilig ka. kaya pag nag comment si crush sa post mo tuwang tuwa ka. dopamine po ang salarin kung bakit ka nagkakaganyan.

Ito po isang concrete example para mas maintindihan nyo ang taong namimihasasa dopamine ng hindi nya namamalayan.

SITUATION:
(Paki imagine na binata / dalaga ka)
  • Meron kang crush sa class room ninyo. every time na nakikita mo si crush bumibilis tibok ng puso mo.
(Thats it! the first touch of dopamine since it is very addictive maghahanap at maghahanap pa ang katawan mo ng mas mataas na amount ng dopamine)

  • So hindi ka makukuntento na hanggang tingin ka nalang kay crush kaya gagawa ka ng paraan para mapansin ka nya. Let's say tinanong mo sya kung san sya naka tira tapos sinagot nya yung tanong mo in a nice way with his/her charming voice XD

( Another kilig nanaman! nadagdagan yung inererelease na dopamine sa utak mo since addictive nga si dopamine hindi ka makukuntento na hanggang usap nalang kayo so mag iisip ka nanaman ng step para madagdagan yung sarap na nararamdaman mo na dulot ni dopamine)

  • Since sanay kana na palagi kayong nag uusap sa classroom hiningi mo yung cellphone number nya at binigay nya naman.
(In this case nadagdagan nanaman yung dopamine na inirerelease ng utak mo.sino ba naman ang hindi kikiligin? binigay ng crush mo ang number nya)

  • Now lagi na kayong magka text masayang masaya ka naman hanggang sa naisipan nyo what if kumain kayo sa labas? so inaya mo sya kumain sa labas at pumayag naman ang malanding katext mate.

(At this point mataas na yung level ng dopamine na inrerelease ng katawan mo every time na mag de-date kayo. ito narin ang stage na kung saan adik na adik kana sa ka date mo.)

  • Madalas na kayong mag date. Nag ask kana kung pwede ba maging kayo. at pumayag naman ang hinayupak. XD

(Sa stage nato mag****oost yung level ng dopamine sa utak mo. sobrang saya mo e kayo na. dito narin papasok yung reason kung bakit may mga nao-obsess sa relationship. dopamine ang salarin)


  • Sa kabanatang ito ay mag jowa na kayo. activated nadin ang "KISS" na inaasam-asam ng mga kalalakihan at sinubukan nyo mag kiss yung halos tumulo ang laway nyo kaka halik XD

(This one is priceless!! hindi matatawaran ng kahit anong bagay ang "FIRST KISS" aminin! so yung pag release ng dopamine sa utak mo is in extreme level na.)

  • Palagi na kayong nag kikiss. Let's say everyday laging may kiss. darating ang time na hindi ka makukuntento sa kiss lang so sinubukan mong gawin ang isang napaka delikadong bagay. e very touchy kapa naman so madali lang para sayo iperform. nagawa mong hipuan ang jowa mo sa upper part ng katawan nya subalit hindi sya tumanggi! XD

( This one is very significant! malaki epekto sa utak ng tao kapag sya ay nakahipo ng hindi napagagalitan. maihahalintulad natin yung ligayang nararamdaman mosa pag take ng drugs. yung dopamine level mo in this phase is very extreme. since napaka daming dopamine na inererelease ng utak mo mataas ang chance na hipuan mo ulit sya sa susunod na magkikita kayo.)

  • And now sanay kana na hinihipuan mo ang jowa mo. di kana kuntento sa pahipo hipo lang... AT SA PHASE NA ITO IIWANAN KO NA SA MGA UTAK NINYO ANG MGA SUSUNOD NA PANNGYAYARI.
_______________________________________________________________________________________

--> Kaya wag po tayong magtataka kung bakit marami ang adik sa lipunan. may adik sa games, adik sa, social media, adik sa internet, adik sa alak, adik sa sugal, adik sa jowa, adik sa pinababawal na gamot, adik sa *** at napakarami pang iba.

--> Hindi masama ang dopamine sa katawan. nagiging masama lang kapag sobra. ano man ang bagay na sumosobra ay nakasasama. kaya wag kang puro extra rice. di porke malakas kang kumain e nakaka bilib ka sa mata ng mga babae. nagmumuka ka lang butete. XD

TOO MUCH DOPAMINE can lead to a long-term disorder called SCHIZOPHRENIA
LACK OF DOPAMINE can lead to PARKINSON'S DISEASE

What is Schizophrenia?
according to google dictionary, it is a mental disorder of a type involving a breakdown in the relation between thought, emotion, and behavior, leading to faulty perception, inappropriate actions and feelings, wí†hdráwal from reality and personal relationships into fantasy and delusion, and a sense of mental fragmentation.

What is Parkinson's disease?
according to google dictionary, it affects the nerve cells in the brain that produce dopamine. Parkinson's disease symptoms include muscle rigidity, tremors, and changes in speech and gait. After diagnosis, treatments can help relieve symptoms, but there is no cure.


THE END

__________________________________________________________________________


Grabe kapagod mag type ah! stress XD

Enjoy reading :)
 
keep on sharing, ang haba kaya hindi ko na tinapos magbasa baka maadik paako kakabasa hehe, btw salamat Boss.
 
Based on experience ba yang example mo mam? :)
Question: Ano pwede at safe na gamiting inhibitor sa dopamine na yan?
Ahaha XD adik! based on experience daw. naisip ko lang yang example para maraming maka relate XD nai-share ko narin kasi yan dati sa mga students ko. pag pumapasok ang topic about millenials yan ang pinapasok ko sa kokote nila.

Dun sa question mo naman may uptake drug para dyan. DRI ang tawag nyan sa mga pharmacies. kaya lang para yan sa mga taong may chance mabaliw. or yung mga tao na OA yung reaction sa mga bagay bagay. kadalasan na ganyan elementary students. XD
 
Last edited by a moderator:
Thanks sa info ts!
Since nagresearch ka na din,
Pwede ba malaman kung may over-the-counter neto? Mukhang may deficiency ako neto eh..haha
 
Kasi po mam eh... sa pamamagitan nitong thread mo, I figured na perhaps extreme level ang dopamine sa utak ko kaya may obssessive compulsive tendencies ako.
Madali akong ma-adik sa lahat ng magustuhan ko, yosi, kape, name it...
Pati na rin itong forum site natin kasama na ang pamba-ban ko. :)
What can you suggest Eyes Cream
Ayoko sa shrink...
Ingat ka baka pati ikaw maka-adikan ko... nyaahahahhah
 
Last edited by a moderator:
thanks for sharing medjo sumakit mata ko sa kakabasa naa alala ko nong nag study pa ako:):)
 
Last edited by a moderator:
Kasi po mam eh... sa pamamagitan nitong thread mo, I figured na perhaps extreme level ang dopamine sa utak ko kaya may obssessive compulsive tendencies ako.
Madali akong ma-adik sa lahat ng magustuhan ko, yosi, kape, name it...
Pati na rin itong forum site natin kasama na ang pamba-ban ko. :)
What can you suggest Eyes Cream
Ayoko sa shrink...
Ingat ka baka pati ikaw maka-adikan ko... nyaahahahhah
haha boss nakaka adik nga yan
 
Last edited by a moderator:
Thanks sa info ts!
Since nagresearch ka na din,
Pwede ba malaman kung may over-the-counter neto? Mukhang may deficiency ako neto eh..haha
Di ko yan sa internet kinuha. kalimitan kasi sa internet fake info. nakuha ko lahat ng info. nayan mula sa mga sikat na book author lagi ako nag aabang ng speech galing sa kanila.

Nako mahirap yan pag kinulang ka sa dopamine.. mahihirapan kang gumalaw ayon sa gusto mo. I suggest PRAMIPEXOLE yan ang alam kong iniinom ng may Parkinson's disease. pero mas mainam parin syempre kung ilalapit mo yan sa doctor :)
 
Kasi po mam eh... sa pamamagitan nitong thread mo, I figured na perhaps extreme level ang dopamine sa utak ko kaya may obssessive compulsive tendencies ako.
Madali akong ma-adik sa lahat ng magustuhan ko, yosi, kape, name it...
Pati na rin itong forum site natin kasama na ang pamba-ban ko. :)
What can you suggest Eyes Cream
Ayoko sa shrink...
Ingat ka baka pati ikaw maka-adikan ko... nyaahahahhah
Hahahahahaha smooth segway
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top