What's new

Closed Tips para sure kang yayaman in the future

Status
Not open for further replies.

Eyes Cream

Forum Guru
Joined
Nov 5, 2015
Posts
5,571
Reaction
3,303
Points
1,375
Age
29
Ok ito ang tip ko sa mga gustong YUMAMAN.

Here it is:

--> GUMAWA KAYO NG ACCOUNT SA BANKO AT HATIIN NYO SA ANIM <--
Bakit anim? sa anim mo kasi hahatiin ang sinasahod mo sa isang kinsenas / isang buwan


In my case sa ganitong porsyento ko hinahati ang sahod ko sa banko. pwede mo din ibahin ang percentage dipende sa kinikita mo :)

  • 10% for House insurance
  • 10% Retirement insurance
  • 10% Educational plan insurance
  • 40% Groceries and others
  • 10% Play account

bakit puro insurance? dahil naniniwala ako na ang tunay na mayaman ay ang taong insured. yan ang turo sakin ng ama ko.

Ito naman para magka Idea ka kung ano yang anim nayan.

1. House insurance - Ito yung pinaka kailangan mo at magagamit mo to kapag nakakuha kana ng sariling bahay mo. para kahit daanan ka ng kahit anong dilubyo or sunog di ka kakabahan kasi alam mong mababawi mo ang lahat ng mawawala sayo dahil sa house insurance.

2. Retirement insurance - Ito ang mag bibigay sayo ng exact date kung kelan ka mag reretire sa trabaho. in my case pag nag edad ako ng 50years old pwede nako mag retire sa work kasi kikita nako ng 60,000 a month dahil matagal ko nang hinuhulugan yang retirement insurance nayan. (IKAW KAILAN KA MAGRERETIRE ALAM MO NA BA?)

3. Life insurance - maraming uri nito karamihan dito non-renewable or yung mga nababankrupt kaya maging matalino sa pag pili. ang pinaka mainam na life insurance ay yung hindi naba-bankrupt normally sila yung may life sa dulo ng pangalan :) at kapag may life sa dulo ng name sila yung mga insurance company na hindi nababankrupt dahil pag malulugi na ang kumpanya ibinibenta ito sa ibang insurance company para hindi tuluyang ma bankrupt (Nasa batas yan)

4. Educational plan insurance - ito yung huhulog hulugan mo para po ito sa future education ng mga anak mo. kung gusto mo sila makapag aral sa mga bigating skwelahan in the future dapat ngayon palang mag hulog kana nito... in my case pag nagka anak ako sure na ang pag aaral nila sa La salle.

5. Groceries - ito yung pang araw araw mong gastos kasama dito ang pamasahe mo papuntang work or gasolina kung may sarili kang sasakyan.

6. Play account - Ito yung gagamitin mo pang waldas.. as in waldas talaga yung tipong wala kang ititira XD di ako nagbibiro. pang pataas to ng Thermstat.

_____________________________________________________________________

Now what is THERMSTAT?? ito po ang magpapayaman sayo.. kapag malaki ka gumastos ibigsabihin malakas ang termstat mo mataas ang chance mong maka diskarte ng pera. to ellborate more what termstat is magbibigay ako ng isang halimbawa for you guys XD

EXAMPLE:
Situation 1: Imaginin mong may 1Million ka sa banko. matutuwa ka ba? (MALAMANG!! sino bang hindi matutuwa diba?!)

Situation 2: Imaginin mong ikaw si HENRY SY (yung may ari ng SM) tapos 1million nalang ang natitira sa bank account mo mtutuwa kaba?


Yan ang THERMSTAT!! mababa kasi ang thermstat mo kaya masaya ka na may isang milyon ka sa banko
unlike HENRY SY na may mataas na thermstat talagang hindi sya matutuwa non kasi napaka laki ng ginagastos nya sa isang araw.

--> sa ganyan natin tinitignan kung ano ang Thermstat sa pag mamanage ng pera. <--


Salamat sa pagbabasa ka PHC :)
sana marami saatin ang yumaman!!!

 
Last edited:
Wow, thanks sa Info.
Nagulat lang ako sa Number 2 Legit ba talga yon?
oo legit yan HS palang kasi ako ginawan nako ng account ng ama ko sa banko di naman ganon kalaki yung hulog pero tinuloy ko simula nung nagka work ako.. binabaan ko pa nga yung hulog e dapat mga 40years old lang pwede nako mag retire but since binabaan ko yung hulog kada sahod tumaas yung year sa 50years old. XD pero pwede na at least alam ko kung kelan ako mag reretire XD
 
oo legit yan HS palang kasi ako ginawan nako ng account ng ama ko sa banko di naman ganon kalaki yung hulog pero tinuloy ko simula nung nagka work ako.. binabaan ko pa nga yung hulog e dapat mga 40years old lang pwede nako mag retire but since binabaan ko yung hulog kada sahod tumaas yung year sa 50years old. XD pero pwede na at least alam ko kung kelan ako mag reretire XD
si bill gates mataas thermestats niya
 
naks usapang payaman pala eto namali ako ng basa hehehe wala ako nyan btw thanks sa share madam TS =)
 
Ako insured na puputol lang ako ng isang daliri sa pinakatagutago ng lolo ko na gintong buddah panatag na ulit kalooban ko at ang future
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top