What's new

Closed Tatsulok by: bamboo napaka meaningful pala

Status
Not open for further replies.
ngayon kulang napagtanto napaka meaningful pala ng kantang to sabagay bata pa ako noong narinig ko ito.

social-hierarchy-pyramid.jpg
tugmang-tugma sa nangyayari ngayon sa mundo.

tatsulok.jpg
kilan kaya mababaliktad ang tatsulok.

tatsulok_by_rigz027-d8n5eza.jpg

ang sarap siguro mabuhay kung baliktad na ang tatsulok.
 

Attachments

Hahaha bomalabs yan TS!. kung lahat ng ordinaryong mamayan eh nasa taas. Mawawalan ng silbi ang mga namumuno at kung nasa taas na lahat pa rin eh there is no way na walang mamumuno. There is no fair in this world but only god.
 
Ts ganyan ang talagang ecosystem , mayroon nasa taas ng food chain upang magpatuloy ang cycle ng buhay

Kasi ts kung lahat ay pantay pantay , hindi magiging balanse ang systema

Ang mayaman at mahirap ay palagi yan magkasama

May magsisilbi sa mayaman may nagpapasuweldo sa mahirap

Kaya tanggapin mo nalang ang katotohanan
 
Nung unang panahon lahat pantay pantay at nabubuhay ng matiwasay libreng gulay. Libreng karne mag hunt ka lang. Wala pang pera noon - time traveler 08465
 
ibig lang sabihin pag nabaligtad ang tatsulok, ang karamihan na ng mamamayan ang masusunod o ang mga working class at hindi na ang mga naghahari ngayon tulad ng mga monopolyo kapitalista, panginoon may lupa, mga pulitikong negosyante at dayuhan monopolyo kapitalista. dahil sa panahon ito batas nila ang nasusunod. Ang batas na para lang sa interes nila ang lahat ng ito. Tulad ng mga batas na against sa mahihirap halimbawa ng kontraktwalisasyon, regional wage, TRAIN Law. Pati ang hustisya ay para lang din sa kanila. Meron naba kayo natatandaan na batas na ginawa para sa mahihirap?

Tayo ngayon ay nasa katayuan para alipinin at paglingkuran sila. binibigyan nila tayo ng bahagi ng kayamanan nila para lang sa pang araw araw na pangngailangan, para magpatuloy tayo sa susunod na araw para maglingkod ulit sa kanila. ganyan ang kalagayan ng sahod sa bansa. kung bakit patuloy ang pagyaman nila habang tayo ay lumalayo papuntang kahirapan.

pero kung mababaligtad ang tatsulok, magiging sa pamumuno na ito ng pinakamalaking bilang ng populasyon sa isang bansa at ito ang manggagawa at magsasaka. Na masisigurado na maglilingkod na sa mga uri nya at hindi sa mga ruling class ngayon. masisigurado na ang batas na ipapatupad ay para sa kapakinabangan ng nakakarami at hindi sa mayayaman lang. Pero paano mangyayari ito?

Dahil sa hindi papayag at hindi kusang ibibigay ng mga nasa ruling class ngayon ang kapangyarihan, nagaganap ito sa marahas na paraan. ang pag agaw ng kapangyarihan ay pinaglalaban tulad kung paano nabawi ng mga pilipino ang paglaya sana ng pilipinas noong rebolusyon 1896.

Napatunayan narin ito ng kasaysayan sa ibat ibang bayan. Kung paano naagaw ng mga working class ang kapangyarihan sa mga ruling class tulad ng monarchy sa Russia, dynasty sa china, colonialism sa vietnam, ruling class sa cuba. sa ngayon sila ang mga bansang maunlad at tumutungo sa pagunlad.

Kaya totoy kung gusto mo mabago ang kalagayan natin, aba'y kumilos ka at baliktarin ang tatsulok!
 
Palibhas ang iba sa mga nasa ibaba ay mga walang pananampalataya,
Huwag nyo masyadong ilagak sa buhay na ito ang inyong pag-asa ilagak nyo ang inyong pag-asa sa darating

Sa kasalukuyang panahon natin ngayon ay malabo ang hustisya, ang naghahari ngayon ay inhustisya, kaya yan mga pinaglalaban nyo walang kabuluhan.kasi tao sa tao

Umasa sana kayo na sa darating magiging pantay pantay ang lahat ,inapi ka man ngayon pabayaan mo na , may darating na araw na silay magbabayad ng mahal
 
mahirap umasa kung hindi ka kikilos at hindi darating ang araw na pagkakapantay pantay kung hindi ka kikilos.
hindi mo pwede iasa lamang sa pananampalataya para mabago ang katayuan ng mahihirap sa bansa. 6 na siglo na ang dumaan na inaasa lang natin sa pananampalataya ang pagbabago at pagkakapantay pantay. Nangyari ba ang pinapanampalataya natin? Hanggang ngayon ganyan parin, dinadala parin natin ang pananampalataya na ito, kaya hanggang ngayon masaya at napapaikot tayo ng mga naghahari sa lipunan.

Kung ang mga naghahari ngayon sa bansa ay may pananampalataya, ano sa tingin mo ang kanilang pinagdarasal?
 
Hahaha bomalabs yan TS!. kung lahat ng ordinaryong mamayan eh nasa taas. Mawawalan ng silbi ang mga namumuno at kung nasa taas na lahat pa rin eh there is no way na walang mamumuno. There is no fair in this world but only god.
China already has it dude...kaya di imposible yan na yung dating pinagsasamantalahan e magrerenda ng enomiya ng bayan.hindi pulitiko kundi magsasaka at manggagawa ang bumubuhay sa isang bansa.kung walang pulitiko mabubuhay tayo. Pero kung wala tayo sigurado tigok sa gutom ang pulitiko dahil di sila marunong mangisda,magsaka,at gumawa.
 
pero po nabuo ang kantang ito noong nasa kaliwa pa si noel cabangon. Kaliwa lang po ang may pagsusuri sa bawat paghihiwalay ng uri sa lipunan.
 
pero po nabuo ang kantang ito noong nasa kaliwa pa si noel cabangon. Kaliwa lang po ang may pagsusuri sa bawat paghihiwalay ng uri sa lipunan.

Rom Dongeto wrote it, Cabangon is a leftist lunatic makes sense. Di mo kaylangan maging leftist para maging cool kids, pwede ka rin maging libertarian or anarchist.
 
Rom Dongeto wrote it, Cabangon is a leftist lunatic makes sense. Di mo kaylangan maging leftist para maging cool kids, pwede ka rin maging libertarian or anarchist.
May kanya kanya naman tayo ideology at malaya tayo kung ano ang paniniwalaan natin. Ang gusto ko lang ipabatid na ang nilalaman ng kantang tatsulok ay hinalaw mismo sa teorya ni Karl Marx na founder of communism at ang nagtataglay ng ideology ito ay tinatawag din leftist.
Kung sino man ang nagsulat ng kantang ito kahit na hindi man sya leftist ang ibig lang sabihin ay naniniwala sya sa ideology ng mga leftist.
 
Last edited:
May kanya kanya naman tayo ideology at malaya tayo kung ano ang paniniwalaan natin. Ang gusto ko lang ipabatid na ang nilalaman ng kantang tatsulok ay hinalaw mismo sa teorya ni Karl Marx na founder of communism at ang nagtataglay ng ideology ito ay tinatawag din leftist.
Kung sino man ang nagsulat ng kantang ito kahit na hindi man sya leftist ang ibig lang sabihin ay naniniwala sya sa ideology ng mga leftist.

Allergic kasi ako sa mga communist specially mga pinoy, my kanya kanya tayong style sa pag brainwash sa internet.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top