What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Dota, laro ni satanas?

_kleo_

Panget ako
Contributor
Joined
Aug 21, 2017
Messages
94,737
Reaction score
46,026
Age
24
Una sa lahat wala akong balak na siraan ang laro, ginawa ko ang artikulo na ito upang ikwento ang isang testimonya at ilang mga bagay-bagay tungkol sa larong DOTA umpisahan muna natin sa positibo at negatibong epekto nito

Mga positibong epekto
- nagbibigay ng kasiyahan
- nagsisilbing libangan at bonding ng magkakaibigan
- nadedevelop ang teamwork at nagkakaroon ng kaibigan

Mga negatibong epekto
- pinagsisimulan ng mga away
- trashtalkan at mura
- cutting classes para makapaglaro
- pinakaworst may namatay (nabalita noon)

Ang Defense Of The Ancient (DOTA) ay isa sa pinakasikat na laro ngunit naniniwala ka ba na isa lamang itong Computer Game? yun na iyon laro lang. Laro nga lang ba talaga?

Para sa mga hindi naglalaro nito ang goal para manalo ay wasakin ang base ng kalaban pero syempre para magawa iyon kailangan mo gumawa ng mga hakbang.

Ano nga ba ang mga dapat gawin?

Ang laro ay binubuo ng dalawang team
ang Sentinel at Scourge,
sa laro ikaw ang pipili ng character na iyong gagamitin pwede din magrandom pick.

Ano o sino-sino nga ba ang mga character dito?

May itsurang halimaw, Demonyo (gaya ni Lucifer, Balanar, Terror Blade etc) , Tao (Omniknight lang naaalala ko na itsurang tao at Windrunner *haha) , May malalakas at mahihina nakadepende nalang kung paano ito gagamitin nang naglalaro.

Sa laro kinakailangan mo pumatay ng kalaban at wasakin ang tore dahilan para magkaroon ka ng pera na magagamit mo upang palakasin ang iyong character hanggang sa matapos ang laro sa pamamagitan ng pagwasak sa Tree of life (Sentinel) o kaya ay Frozen Throne (Scourge).

Darkness bakit puno yung huling babasagin? o kaya Frozen Throne?

(Trip nang gumawa ng game yun eh tanong mo sa kanya *HAHA)

Ito ang isang bagay na napansin ko lang
yung puno para sakin sinisimbolo nito yung Tree of Wisdom at ang Frozen Throne ay yung nagyeyelong parte ng Impyerno, diba nga magkalaban ang Diyos at si Satan?

May mga cheats din sa laro gaya ng

WHOS YOUR DADDY
- Ang epekto nito magiging malakas yung character na gamit mo ng walang kahirap-hirap. Napansin niyo ba na isang tanong ang cheat? Sinong daddy tinutukoy diyan?

Sagot: Satan?

Greed is good / -gold (amount)
- Ang epekto naman ng cheat na ito magkakaroon ka ng madaming pera na magagamit mo para makabuo ng mga kagamitan para mapanalo ang laro.
(Ano yung good sa pagiging greed?)

I see dead people
- Sa cheat na ito makikita mo ang buong mapa at kung saan nakapwesto ang kalaban kaya mas madali mo na silang mapapatay. Easy kill = Easy Win.

Sino nga ba ang Ancient?

Ayon kay Merriam Webster ang salitang ancient ay nanganghulugang having lived or existed for a very long time, Ang diyos ang matatawag natin na halimbawa para dito but Satan disguises himself and deceives us saying that he is the ancient one, bakit? malalaman mo yung sagot kapag naintindihan mo na ang DOTA ay hindi lamang basta isang laro.

May mga salita din sa DOTA at items na ang weird pakinggan at weird din ang itsura gaya ng mga sumusunod:

Godlike! – maririnig mo ito kapag ang gumagamit ng character ay nakapatay na ng madaming kalaban pero siya ay hindi pa napapatay ng mga ito. (Bakit Godlike? gusto ba ng Diyos ang patayan?)

Holy sh*t – ang salita na ang kusang nagpaliwanag

ITEMS:

Satanic - mukha siyang demon tapos yung epekto niya kapag ginamit ay nagisteel ng buhay ng kalaban.

Black King Bar – weird din ng itsura nito tapos yung effect niya kapag ginamit hindi ka tatalaban ng mga skills ng kalaban, over power na agad yung character mo at mahirap nang pigilan kapag nabuo mo agad yung Satanic at Black King Bar
especially kay Dragon Knight, Drow Ranger at Never more.

Si Nevermore ay isang character sa DOTA na nangunguha ng soul ng kaniyang kalaban na kaniyang nagagamit upang siya ay lumakas at isa sa kaniyang mga sinasabi ay " Your soul is mine" (creepy?)

pero mas nakakatakot pa diyan ang isang testimonya mula sa isang blog sa internet kung saan isang lalaki ang nanaginip ng 2 beses, Sa una niyang panaginip nagpakita sa kaniya si Hesus at ipinaliwanag nito kung gaano kasama ang dulot ng DOTA pagkatapos nang pangyayari nagising ang lalaki at napasabing "Ayaw ko na magdota!", muli siyang nakatulog at sa kaniyang panaginip kasama niya ang isa sa kaniyang mga kaibigan na hindi naglalaro ng DOTA at kaniyang sinabi dito na "Ayaw ko nang magdota!" kasunod nito lumapit ang isang lalaki sa kanila at hinawakan siya sa kamay at siya ay pinagmumura nito dahil dito napasigaw siya at ang kaniyang kaibigan ng salitang " In Jesus name!" kasunod ang mga salitang "Hindi na ako magdodota kahit kailan!" at ang lalaki ay nawala.

Hindi pa doon natapos ang kaniyang panaginip dahil sa pagkawala ng lalaki lumitaw sa kaniyang harapan si Crystal Maiden (Isang character sa DOTA) at siya ay hindi makahinga pero nagawa niyang sabihin muli ang salitang " In Jesus name!" kasunod pa ang mga salitang "Hindi na ako magpapabitag sayo!, I belong to Jesus!" at siya ay muling nagising.

Dito ko na tinatapos ang artikulong ito at aking inuulit na wala akong intensiyon na siraan ang laro, Nasa inyo pa din kung ano ang inyong paniniwalaan.

Ang masasabi ko lang gawin mo ang gusto mo habang ikaw ay nabubuhay kung gusto mo maglaro,maglibang at kung iyan ang nagpapasaya sayo ituloy mo lang basta isaalang-alang mo pa din yung mga maaapektuhan, kung gusto mo man baguhin ang iyong nakagawian at ilaan ang oras sa diyos nasa sayo pa din ang desisyon dahil ikaw ang may kontrol sa bawat hakbang na ginagawa mo, Huwag mo lamang hayaan na ang mga hakbang na ito ang siyang maging dahilan nang pagkasira mo.

Source: Library of Most Controversial files

"Light is easy to love show me your Darkness"


©dwe
 

ALPHAtagas

Eternal Poster
n ba nagsisimula ung pangalan , q naman sa apelyido yang profile pic mo ateh, kamuka kasi ng classmate ko hehehe
 

jodyslucky

Eternal Poster
napaka detalyado ng bawat paliwanag pero napakarami ng games ang nagawa na madalas na sinasabing gawa ni satan or lucifer like for example fluffy bird
diablo 1,2,3 doom, warcraft 1,2,3 tanging mga words at symbol lang naman pinag basehan nila dyan ngunit gawa paren yan ng tao opinyon ko lang naman
 

_kleo_

Panget ako
napaka detalyado ng bawat paliwanag pero napakarami ng games ang nagawa na madalas na sinasabing gawa ni satan or lucifer like for example fluffy bird
diablo 1,2,3 doom, warcraft 1,2,3 tanging mga words at symbol lang naman pinag basehan nila dyan ngunit gawa paren yan ng tao opinyon ko lang naman
yes opinion ko lang masyado kasi nagiging bigdeal or nagagawan ng issue kesyo masama raw or medyo violent yung laro
 

Trending Topics

Trending On This Forum

Unanswered Topics

Top