What's new

Closed Lumilipas ang panahon

Status
Not open for further replies.

Kim de juan

Addict
Joined
Jun 15, 2017
Posts
32
Reaction
7
Points
79
Age
25
Matagal tagal na
Taon na ang binilang,
buwan at oras na ang lumipas,
naalala pa kaya nila ako?
naiisip pa kaya nila ako? yung iba alam ko oo, nagpaparamdam sa facebook pero yung iba nakikita ko yung mga post na iba na ang mga kasama, sa kahit anong gala, sa kahit anong trip, mapa swimming man o road trip , ilang taon na ba ang nag daan? hindi ko na ata mabilang, hindi na din nagkikita, yung monthsary nang barkada nakalimutan na, busy na yung iba, may pamilya na, may trabaho na! wala nang oras para gumala o makipag kita. Grumaduate na sa college ang karamihan. Limot na ata ang ibang mukha nang naging kaibigan sa dating paaralan, nakakalungkot isipin na kapag nagkita kayo mag kaklase hindi na makatingin, Wala nang pansinan dahil iba na ang nakasanayan? o iba na ang kaibigan? marami nang nagbago simula nong grumaduate tayo ng high school , noong unang buwan pagkatapos nang graduation kilala pa natin ang isa't isa pero bakit ngayon nagbago na ? Iniiwasan mo ba ako? o nahihiya ka lang? sa totoo lang isa ako sa ganyan, na kapag nakita ang kaklase malapit sa kinatatayuan magtatago kasi nahihiya pero hindi ko alam ang dahilan. Wala na kasi tayong panahon na magkita kita malayo na kasi yung iba ,na putol na din yung communication para tumatag yong relasyon. Naaalala pa kaya nila ako? natatandaan pa kaya ang mukha o pangalan ko? nakikita ko yung iba, minsan ngingiti na lang, kakaway okay na siguro yun kesa naman lagpasan ka nalang sa daan! Nakaka lungkot lang isipin na isang pamilya tayo noon tapos mapuputol lang dahil sa hindi pagkikita nang matagal na panahon! Hindi naman siguro sila nakakalimot naalala naman siguro nahihiya lang! Noon sobrang ingay kung mag usap pero ngayon “uy, kamusta” hanggang doon nalang. Nagbabago talaga ang tao sa pag inog nang mundo, kilala mo ngayon sa susunod na panahon hindi na, ang ironic nang buhay ang gulo ng takbo ng isip ng tao , ang hirap basahin, ang hirap sundan. Pero kahit ganun darating ang panahon na babalik tayo sa dati tulad na lang ng nakasanayan , madadagdagan pa ang bilang. Hindi man natin maintindihan ang takbo ng buhay nang isa't isa ngayon, siguro nga nag hahanda lang tayo para sa darating na panahon.
 
tama...
kaysarap bumalik sa nakaraan,
nakakamiss ang dating samahan :)
mga taong naging parte na ng ating buhay,
parte ng nakaraan,
kasamang humarap,
para maabot ang kasalukuyan,
lumipas man ang maraming taon,
alaala ng nakaraan
wag na wag ibabaon :)
pagka't ang nakalipas,
nakaukit roon..
 
Haha. Nabasa ko lahat.
Ayus. Highschool life.
Sobrang mahiyain aku nun eh di ko tuloy na enjoy masyado hehe.
Nakakamiss yung Junior/ Senior Prom, C.A.T., Educational Field Trips, Stage Plays, Field Demo, Intrams atbp. Hayys.
 
Lumilipas ang panahon kaya dapat pahalagahan ang bawat araw. kasi sa bawat araw iba ibang experience ang nalalaman. :) sulitin ang bawat araw
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top