What's new

Closed "biktima ako ng pang-aabuso mo"

Status
Not open for further replies.

madpro

Forum Guru
Joined
Apr 1, 2016
Posts
2,463
Reaction
1,834
Points
1,146
6d6a8205ac918821d29bf87aa9e60e8d.jpg

"Biktima ako ng pang-aabuso mo"


Langit, lupa at ang dagat
Naranasan ko na yata ang lahat
Magmula sa masaya hanggang sa malungkot
Tila yata di patas lumaban yaong bangungot

Subalit ako'y natuto sa lahat ng mali
Tila sa pagkadapa ako'y muling nakabawi
Mula pa noong bata, hanggang sa magbinata
Tila ang aking isip natuto nang magsalita

Unti-unti ang pag-intindi ay humuhusay
Pagdating sa larangan ng mga bagay-bagay
Mga tanong noong bata, bakit ganito?
Tila nasagot na ng aking, yaring pagkatanto

Bata pa lamang ay alam ko na ang umibig
Lalong-lalo na pagdating sa aking panaginip
Hindi lamang ang magulang ko ang aking iniibig
Maging ang pangarap ko na ako'y ibigin

Alam ko na marami pang bagay ang di ko pa nalalaman
Dito sa mundong ibabaw na ating nilalakaran
Ang labis kong pag-iisip ngayo'y nasilayan
Ang tanong na BAKIT ay nagkaroon na nang kasagutan

Sa paglipas ng panahon, ang edad ko'y tumatanda
Ang pagkabata ay lumilipas, naalis ang pagtataka
Sa mga panahon na dati ay, di ko maintindihan
Ganun pala ang sambit, nang akin nang nalaman

Humantong na ang puso ko, ay tila pumupusok
Sa di kanais-nais na daing, sa init ay umuusok
Paghanga, pagnanais, panggigigil ay akin nang ramdam
Kabataan na lumamon sa sistema ng aking pakiramdam

Takot manligaw, torpe ang kasangga
Di maipaliwanag na damdamin, ni di makapagsalita
Sa taong nais ng puso, ngunit ang isip ay di kaya
Di kayang sabihin, nitong isip ang nadarama

Lumipas ang mga araw at ang pagkakataon ay nawala
Imbes na sambitin, tila nawalan pa ng pag-asa
Lakas ng pagkatorpe, ay umiiral sa pakabinata
Nagsisisi sa nagawa, dahil di ko ito naisagawa

Nagdaan pa ang taon, ang umuusad ang panahon
Nakatagpo ako ng iba, di lumabis di naglaon
Nang ako'y pumiglas na, sa pagkatorpeng saking lumamon
Dinanas ko rin pala, ang sakit ng di makaahon

Nalubog ako sa hapdi ng sinapit ko
Nalunod ako sa lalim ng sakit nito
Ang unang hakbang na salita na naamin ko ang lahat
Subalit ang dinanas ko, ang sa akin ay di pagtanggap

Kung kaya't ako'y takot nang magmahal
Nangako sa sarili ko na hindi na ako susugal
Sa kung anu man ang nararamdaman, ay di na magtatagal
Lilisanin ko ang lugar, pag-ibig na itinatanghal

Ngunit ang isang araw ay nagdaan at dumating
Di mapigilan ang aking bawat pag-iling
Sa di ko inaasahan, nakagawa ako ng krimen
Ang pagnakaw ng tingin, sa tuwing ikaw ay darating

Bawat araw ang kaso ko'y nadaragdagan
Palihim na pagtingin, tuwing ika'y masilayan
Lalo pang nadaragdagan, tuwing ikaw ay dadaan
Sa bawat araw pa ang magdadaan, ikaw sa aking harapan

Napakadaya ng panahon, nilalaro na yata ako ng pagkakataon
Ang isip ko'y ayaw, subalit ang puso ko'y gusto
Ang mabihag mo ako, ay di lamang nagkataon
Pagkat ang humanga sayo, likas na totoo

Kung kaya't sana ay, tanggapin mo ang ibig ko
Pagkat ang nais ko, iyon lamang malaman mo
Na ang damdamin ko, sayo lamang ipupuno
Dahil sa kagandahan mo, biktima ako ng pang-aabuso mo


-madpro

https://phc.onl/#forbidden#/ERZRQNBMwVc



msstar
Miss Chinita
PHC-Jenny16
miss_shin
Renark07
PHC- Athena Amethyst natasha
 

Attachments

Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top