What's new

Closed Magnanakaw

Status
Not open for further replies.

maudesune

Honorary Poster
Joined
Mar 8, 2018
Posts
330
Reaction
290
Points
214
Note:
Hindi ako magaling sa Tagalog--but I tried. Ginawa ko to habang nagjojogging. Hahahaha.


Ninakaw mo ang aking
Huling kikiam at fishball
Ninakawa mo ang kamay ko
Nung nalunod ka sa mall

Ninakaw mo ang mga
Salita mula sa aking labi
Andami kong naisip
Di ko man lang masabi-sabi

Ninakaw mo ang aking
Laging kalmadong postura
Sa tuwing nakikita ka ay
Puso ay may kaba

Ninakaw mo ang lahat
Ng aking mga oras
Nakatulog ka, ako'y hindi
Di naman to patas

Ninakaw mo ang aking
Pinakaunang halik
Di man lang nakapaghanda
Sa sobrang pananabik

Ninakaw mo ang
Bawat dapithapon
Ikaw ang iniisip
Mula pa kahapon

Higit sa lahat ninakaw mo
Ang munti kong puso
Di akalain ay
Nahulog na pala sa tukso

Hindi ka ilog o dagat
Ngunit bat ako nalulunod
Ikaw ang tumatakbo sa isip
Ngunit bat ako ang napapagod

Kung ako man ay papalarin
Puso mo rin ay hahagilapin
Damdamin mo ay nanakawin
Kung pwede ko lang sabihin

Pupuntaan kahit saan
Titila sa bituin at sa buwan
Kung ikaw ay wala man
Gagawan ng paraan

Panonoorin ang iyong balintataw
Hanggang damdamin ay aapaw
May mas maganda pa pala sa bulalakaw
Kahit ikaw ay isang magnanakaw

#

Isang gabi ikaw ay pinuntahan
Dala dala ay box na tsokolate ang laman
Gamit ang gitara haharanahin ka sana
Nakita kita, puso mo ay ninakaw na pala
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top