What's new

Closed Tips para maka move on

Status
Not open for further replies.

Luckymepoako

Honorary Poster
Established
Joined
Dec 14, 2017
Posts
156
Reaction
46
Points
143
MGA TIPS PARA MAKA MOVE-ON
-UNA, wag mo na syang isipin dahil hindi ka naman nya iniisip. Mag-isip ka na lang ng ibang bagay na makakapagpasaya sayo. Magtumbling ka. Mag-planking sa gitna ng kalsada. Pagtripan ang kapitbahay. I-edit ang picture mo at ilagay sa katawan ng sexyng artista o model. Basta yung mga bagay na di mo sya maaalala.
-PANGALAWA, di lang sya ang pwedeng magpasaya sayo. Hindi sya clown. Ang rami rami pang tao sa paligid mo. Andyan pa pamilya mo. At mga kaibigan mong walang kwenta na mapapatawa ka ng wagas wagas dahil sa mga kalokohan nila.
-PANGATLO, tandaan mong di lang sa kanya dapat umiikot ang mundo mo. Di naman sya alien. Oo, maaaring maging kamukha nya ang mga aliens pero di nya yun kalahi. Tao din sya di lang halata.
-PANG-APAT, wag mong sabihing hindi ka mabubuhay ng wala sya. Hindi sya pagkain. Hindi sya másáráp. Bakit? Pag nawala ba talaga sya sa buhay mo, di ka na rin mabubuhay? Eh bat humihinga ka pa din hanggang ngayon?
-PANG-LIMA, wag mo syang iyakan, di pa sya patay. Oo. Tama. Wag mo sya iiyakan. Di pa sya mamamatay. Wag kang excited.
-PANG-ANIM, wag mo idedelete ang number nya sa phone mo kung memorize mo naman pala. At wag mo sya i-uunfriend sa fb o i-uunfollow sa twitter, o instagram o ano pa man. Di ka famous para mag unfriend o mag-unfollow. Blocked mo nalang.
-PANG-PITO, wag mo pala sya iblo-blocked. Magpost ka ng mga selfies mo. Yung mga selfies na mapapasabi sya ng ‘*******! Bat ko pa kasi sya iniwan?’ Hindi yung mapapasabi sya ng 'Ay buti nalang iniwan ko na to. Ampangit nya talaga!’
-PANG-WALO, magpaganda ka. Para sagad hanggang buto ang pagsisisi nya.
-PANG-SIYAM, pag nakakita ka ng mga couples na magkaholding hands while walking o magkaabay, wag kang mabitter. Siguro maaalala mo sya dahil ginagawa nyo din yun. Pero isipin mo rin, alam kaya ng mga magulang nila ang kalandian na ginagawa nila?
-At PANG-SAMPU, mag-aral ka muna. Wag puro landi. Pa move-on move-on ka pa eh di naman naging kayo! Matuto ka munang maglaba ng sarili mong ***** at *** bago ka lumandi! Tse!
 
Iba iba naman kasi ang healing process ng mga tao. Isa pa ang pagmomove-on kusa yan. Lam mo na, tigas ng bumbonan ng mga tao, sasabihan mo na magmove-on, ayun umaasa pa rin.
 
Hahaha. Ayus. Pwede na rin siguro. Nakakatawa. :)
Pero mas maganda kung dumistansya ka na lang para di ka na mahirapan.
:):)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top