What's new

Closed Ano po ang dahilan bakit nilikha ang tao?

Status
Not open for further replies.
Based on Psychology ( a branch of science)

"anong dahilan kung bat nilikha ang tao?"

ang tao ang nagsisimula sa fetus, tapos nilabas naging bata at lumaki.

Answer:
ang nag likha sayo ay ang magulang mo, tao ka. Ang dahilan nila kung bat ka nila nilikha ay dahil sa gusto nila magka anak, at para may bunga ang kanilang pag mamahalan.

yan ang lohikal na sagot.

ngayon ang susunod ay, ano ang purpose mo? bat ka nabuhay?

para naman dyan naka depende na yan sayo. bigyan mo ng purpose or dahilan ang sarili mong buhay. It's your life, control it.
 
Ang universe ay parang 'matrix' ayon sa scientific depiction ng western (modern) sciences.

Nagsimula ang lahat sa isang magnetic/gravitational 'pulse' o spark at duon pumasok ang buhay. Sa ibang teorya diumano ay fission and fusion of matter, from voidness or emptiness nalikha diumano ang source ng lahat.

Para madaling maintindihan, isipin natin ang likha ng western sciences and technologies particular na mga smartphones na patok ngayon. Sabihin natin ang tao ay isang smartphone, may brain-processor, may soul-memory, may operating system-spirit, battery-power/energy, av and other accesories-sense organs except to reproduce ofc, subukan natin ikumpara sa limited nating kaalaman sa kumplikadong hiwaga ang mga lihim sa pamamagitan ng mga gadgets na pamilyar na tayo.

Sa universe ang main power source and source of life ay ang tinatawag na God ng mga believers, sa Kaniya nagmula ang lahat. Ayon sa teorya ng science BigBang diumano, na parang sa nuclear process nagkaroon una ng nuclear fission so meaning from one entity (may) nagseparate para magkaroon ng (spiritual) power/energy for creation.

Ayon sa scriptures, in the beginning there was One, kasama ng Diyos ang Salita (the Word), bumaba o humiwalay ang Salita at sa huli o wakas muling silang magsasama (sounds like a process of fission and fusion).

Gaya nga ng matrix na may complex computing system at modern gadgets na pinapagana ng electrical pulse kaakibat ng hardware and software, ganun nga ang sistema ng lahat ng bagay at maging ng buhay at purpose ng tao.

Sabihin natin na ang 'In the beginning was the Word' ay isang programming language o code o software (computer science), na ang universe (hardware) ang nakakaunawa...

God utter 'let there be... and so there was; meaning God(and His word) can command his entire creation because He created it His own way

San bang verse sa Bible nasusulat ito, 'Tinatawag Ko ang lahat ng mga bituin sa sangkalangitan sa kani-kaniyang pangalan at sila'y nagsisitalima... because He created and named them by his own Word.

Sa kaalaman ng siyensya ay ganito, ang machine/computer ay nakakaunawa o nagreresponse lamang sa dalawang/binary digits (digital) na 1 and 0, (meaning true or false, right or wrong). Yan lang ang maintindihan ng computer di po ba?

So para makaperform ng task ang computer dapat magkaroon ng Programming Language or OS ito, ang OS at ang power source ang pinakabuhay ng lahat ng gadgets natin ngayon, maging ikaw man ay android or iOS, windows or Ubuntu or Mac.

Ngayon, maiintidihan ba ng tao ang purpose Niya, kung wala siyang soul o spirit?

Ang soul ay ang pagkakakilanlan natin (sa spiritual na diwa) kung sino at ano tayo, at ano ang naging buhay natin sa lupa, maihahalintulad rin ito sa ating alaala or memory na kasama natin sa libingan, at sinisiyasat sa atin upon resurrection and judgment

Ang spirit natin ay ang afterlife identity natin at sa spirit natutuklasan kung of God ba tayo or sa ibang landas tayo nabilang at wala sa aklat ng buhay.

Gaya nga sa matrix system dahil masyadong kumplikado pumapasok ang bug or malware ika nga, kaya keep updating your antivirus software para secured ang system natin from time to time. Pag hindi na kaya ni OS, or if dead set na try reformatting or going back to rooting para panibagong buhay pag wala na talaga pag asa scrap na for burning na lang yahawehhahaha
 
Last edited:
Ang Dating Bibliya(1905)

1 Timoteo 2:4 Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.

Alam mo kung titingnan mo ang saloobin ng Dios sa pamamagitan ng Bible gusto ng Dios lahat ng tao maligtas at makarating sa buhay na walang hanggan

Kaya lang ang tao lang ang ayaw

Lahat ng paraan ginagawa ng Dios upang tayoy tubusin sa ating mga pagsalangsang sa ating mga kasalanan pero ang tao talaga sumusuway at napapahamak

Para sa akin sa pagbabasa ko ng Bible gusto ng Dios dalhin ang tao sa walang hanggang buhay para makasama ng mga tao ang Dios para ang Dios di na magisa sa walanghanggan ganun yong nakikita ko

Kaya siguro nilikha ang tao ay upang may makasama ang Dios sa walang hanggan at mai share ng Dios ang damdamin nya pati ang kaluwalhatiang taglay nya
 
Last edited:
Kagaya na lng ng sa tao diba tayo kapag nakaramdam ng masayang damdamin diba nagkakaroon tayo ng pakiramdam na nais nating e share yong kasiyahang nadarama natin sa ibat ibang paraan?

Like manlilibre ka sa mga kaibigan mo
Like regalohan mo yong mahal mo sa buhay
Like tumatalon ka panga sa tuwa tapos sinasabi mo sa katabi mo ang masayang nangyari sayo
Sinasabi mo pa nga walang pagsidlan ang sayang nadarama mo

Ganun din ang damdamin ng Dios para sa tao doon sa walang hanggan
 
Eclesiastes 12:13
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.

Ito ang reason kaya ginawa ang tao.

Kung naniniwala tayo sa nakasulat sa Bibliya.
 
Para sa akin, Nilikha ang tao para sirain ang mundo.

Base sa pansarili kong pagunawa , walang kwenta ang tao sa mundo, kung sasabihin nila na " ano ang silbi ng ipis kung bakit ito nilikha. " pwes mas importante pa ang ipis sa mundo kesa sa tao.
 
Maybe the answer is simply nothing, there was nothing, that there is definitely no reason that humans have been made. The world can continue without humans. Earth does not need the destruction, greed, evilness and badness of humans nor its goodness to continue to rotate. Unless you think otherwise.
Either you answer it because of your religion or because your scientifically smart. It wont satisfy the question as people can make whatever assumptions they can to answer the question. -conflicts
 
Wala ang creation kung wala ang tao.kailangan likhain muna ang titirahan bago ang titira.inihanda muna ng Dios ang kailangan ng tao bago sya likhain.kahit ang mga anghel nilikha para sa kapakinabangan ng mga tao:

Heb.1:13 Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man, Lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?
1:14 Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?

Ang mga anghel ay sinugo para sa mga magmamana ng kaligtasan.noon pa man inihanda na muna ng Dios ang kailangan ng tao bago sya likhain.
 
Maybe the answer is simply nothing, there was nothing, that there is definitely no reason that humans have been made. The world can continue without humans. Earth does not need the destruction, greed, evilness and badness of humans nor its goodness to continue to rotate. Unless you think otherwise.
Either you answer it because of your religion or because your scientifically smart. It wont satisfy the question as people can make whatever assumptions they can to answer the question. -conflicts

I think otherwise but not in toto.

I do not think the 'world' can exist without consciousness. The world can not go on since even the idea 'this world goes on' is a thought or mental construct. Can you have the proof that things exists without mind or thought or intelligence? The answer is not so obvious or simple as you say above.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top